Chapter Nine

123K 3.8K 844
                                    

CHAPTER NINE 

PAGKAGISING pa lang ni Pamela kinaumagahan, alam na niyang may nagbago na sa katawan niya. At kahit kailan ay hinding-hindi na maibabalik pa iyon dahil sa hinayaan niyang mangyari kagabi.

River was still sleeping soundly beside her. Ang braso nito ay nakapulupot sa baywang niya. Mahigpit. Nahirapan pa siyang makawala dahil sa takot niyang magising ito.

Dahan-dahan niyang inalis ang braso nito sa kanya. Nahihiya siyang lingunin ito kahit alam naman niyang tulog pa ito. Nag-iinit ang magkabilang pisngi at pati ang leeg niya sa tuwing naalala ang nangyari kagabi. Napalunok si Pamela nang makawala siya.

Kahit may kirot siyang nararamdaman sa gitna ng mga hita ay nagpumilit siyang makabangon. She hurriedly pickep up her clothes and wore them. Kung saan-saan lumilipad ang isipan niya ngayon. Lumabas siya ng kuwarto at naisipang magpahangin.

Nang nasa dalampasigan na siya ay nasapo niya na lang ang noo. Dang! After last night, what now? Nakakahiya siya! Napakabilis niyang bumigay! Nagpakatangay agad siya?

What happened to her stand against pre-marital sex? Ganoon-ganoon lang? Kinantahan lang siya ng isang River Avilla, bumigay na siya? Hindi pa nga niya alam kung ano ba ang relasyon na nila!

Lantang napaupo siya sa buhanginan at napatanaw na lang sa mga alon. Hindi alam ni Pamela kung gaano na siya katagal na nakatunganga roon. Nagsisisi ba siya sa nangyari kagabi?

Nasapo niya ang buong mukha. "Shit. I'm in love," nabulong na lang niya sa sarili nang walang kahit anong makapa na pagsisisi o konsensya man lang.

She wanted what happened last night. She enjoyed it. She took pleasure. River was... Richard Vernon Avilla made her scream for more, made her cry for all the pleasure that he gave that was all new to her.

That was her virginity right there. River got her first. In two weeks. Just like that.

"This is so low," pagkausap niya pa rin sa sarili dahil lumalabas lahat ng rational reasoning niya na basta lang niyang itinapon kagabi.

May pagkakataon siyang tumanggi kagabi, eh. Binigyan siya ng oras ni River na itulak ito nang nilabas nito ang condom at sandaling tumigil sa paghalik sa kanya. She knew his giving her a chance to back out. But what did she do?

Nag-init na naman ang buong mukha niya. She pulled him aggresively and she was even the one to wear the condom on his...on his erected...

"Fuck," namura na lang niya ang sarili. Kung kailan nasa tamang edad na siya at saka siya inatake ng labis-labis na kapusukan! Nasabunutan niya na lang ang sarili dahil parang gusto niya pang umulit!

Tumayo siya at naglakad-lakad pa. Kung saan saang sulok na siya ng resort napunta para lang makapag-isip ng tama. Nahihiya siyang bumalik kay River. Paano kung gising na ito? Anong sasabihin niya? Paano ba niya ito haharapin?

Nang mas tumaas na ang sikat ng araw at kumulam ang sikmura niya, doon lang siya nagdesisyon na bumalik na sa main resort. Kasabay niya sa paglalakad ang ibang guests na katatapos lang mag-mountain biking. Siya lang ang halatang single doon dahil magkakapareha ang mga kasabay niya.

"Ma'am, excuse me. Are you Miss Pamela Olaciman?"

Napatingin siya sa lalaking staff na lumapit sa kanya. "Oo. Bakit?"

Napangiwi ito. "Ma'am, kanina pa po kayo hinahanap ng kasama niyo. Malapit na nga po niyang awayin ang manager namin. Bumalik na po kayo," halos magmakaawa ito.

Nanlaki ang mga mata niya. Hinahanap pala siya ni River... "N-Nasaan ba siya?" Biglang may parang sumipa sa puso niya.

"Nasa security office po. Binulabog po ang nagbabantay ng mga CCTV."

Smart Tactless Fangirl (TOG #5) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon