Episode 23 - CARING

Start from the beginning
                                    

"I bought some for you guys, too." Sagot ko naman sa kanya.

"Napakathoughtful mo talaga." Natutuwang wika sa akin ni Che at kinurot pa ng bahagya yung pisngi ko.

Napalingon naman ako sa gawi ni Keagan and he just smiled at me.

"Give the eco bags to us, we'll bring it to the van para naman makapamasyal tayo ng maayos." Sabi sa amin ni Eros at kinuha na nila ni Che yung mga pinamili namin at nagpunta na sila sa van para mailagay doon yung pinamili namin.

After a few minutes ay nakabalik na ulit sila Eros at may nakapagsabi sa amin na may lights and fountain show pala dito tuwing Saturday Night kaya agad kaming pumunta sa park para makapanuod.

Just in time pagdating namin sa park ay may mga nadatnan na rin kaming mga tao na manunuod sa show.

Tumayo kami sa isang gilid ng malaking fountain na iyon at naghintay na magsimula.

It was dark at first but when the music starts to play unti unti na ring naglabasan ang mga kulay ng fountain at nagsimula na ring sumayaw ang mga ito na parang tao.

Umabot ata ng kalahating oras yung show at lahat kami ay tuwang tuwa sa nakita namin. It was an unforgettable one for us.

Pagkatapos ng show ay naglakad na ulit kami pabalik sa may Calle Crisologo para makapamasyal at makapagpicture syempre. As much as I hate taking a photo hindi ko naman kayang tanggihan ang makulit na si Cha kaya nakikisabay na lang ako.

Habang naglalakad ay nagulat ako nang hawakan ni Keagan yung kamay ko at pinigil ako sa paglalakad.

Napahinto naman ako at napatingin sa kanya. I know I have "Why?" expression written on my face at nginitian niya lang ako sabay inilabas yung panyo niya para punasan yung ilang basa sa buhok ko galing sa fountain kanina.

Napayuko naman ako at naramdaman ko ang pag iinit ng buong mukha ko.

"I hate seeing you feeling uncomfortable with me Naira." Mahinang wika sa akin ni Keagan habang patuloy pa rin siya sa pagpupunas ng buhok ko.

Inangat ko naman ang tingin ko sa kanya at nakita ko ang malungkot na ekspresyon ng mukha niya.

"I'm really sorry about what happened this morning. I promise I won't get my eyes off of you from now." Seryoso niyang sabi sa akin.

I blinked my eyes a couple of times and looked away again.

Nagbuntong hininga naman siya sa ginawa ko at tinigilan na ang pagpupunas sa buhok ko pero hinawakan naman niya ang magkabila kong balikat.

"Look at me please." He plead.

I started to feel uneasy. There's something burning inside my chest and I want to ignore it right now and just walk away from it.

"Naira..." tawag niya sa akin.

Huminga ako ng malalim at tiningnan siya.

Even his eyes were pleading. How can I just ignore it?

"I like you. I know this is kinda early but I just can't hide it anymore."

Is he confessing right now?

"Keagan..." I don't know what to say.

"It's ok if you don't feel the same for now but one thing is for sure and I promise that I'll make you like me one day. I'm confessing to you what I truly feel because I don't want you to think na ginagawa ko lang lahat ng ginagawa ko just because I'm being nice to you. Ayokong mamisinterpret mo yung mga efforts ko sa baka kasi mabait lang ako. I'm being nice to you because I like you. I like you being you and not because you're just a friend, I like you as a woman. Now, sana lang hindi wrong move itong ginawa ko dahil hinding hindi ko pagsisisihan na inamin ko sayo yung totoong nararamdaman ko." Isang walang hingahang wika ni Keagan.

I know I looked stunned. Who wouldn't be anyway? Pwede ko bang ireplay yung sinabi niya? Para kasing hindi ko masyadong naintindihan.

"Naira.. say something.. hihimatayin na ata ako sa kaba." Pilit na ngiti sa akin si Keagan saka siya nagkamot ng batok niya.

Huminga ako nang malalim. Well, wala namang masama diba? Natural lang naman sa tao na nagkakagusto. At hindi na rin naman masama kung bibigyan ko siya ng pagkakataon para makilala ko pa siya.

"Salamat." Then I smiled at him. Parang hindi ko lang kaya magbigay ng isang madamdaming mensahe katulad ng ginawa niya kanina.

Nakita ko naman na nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ko.

"Whoo! Akala ko babastedin mo agad ako e." natatawang wika niya.

"Bakit mo naman naisip yon?" tanong ko sakanya.

"Well, akala ko kasi may something kayo ni Zeus. You know, from the way he looks at you and how he cares for you." Sagot niya sa akin.

Awtomatikong napatingin naman ako kay Zeus na nakikipagtawanan kila Eros. Kung alam lang ni Keagan na tungkulin ni Zeus ang protektahan kami hindi na siya mag iisip na baka kahit papaano ay may pagtingin din siya sa akin. But he's the only son and the only heir of the Vanguards after all. Who am I compare to him? Just.. who am i?

Natatawa ko namang nilingon si Keagan.

"Look at him.." utos ko kay Keagan.

Pareho naman kaming tumingin ni Keagan sa gawi ni Zeus habang inaabutan niya ng malaking pamaypay si Cha.

"He's just a caring person to his friends. That's all." Wika ko.

That's an eye-opening statement for me. Zeus is just a caring person towards his friends. Nothing more, nothing less.

NAIRAWhere stories live. Discover now