Naaalala ko pa noon kung bakit kita nagustuhan.
"Hoy ibalik mo na sakin yang doll ko."Umiiyak na sabi ko non dahil binully ako ng isang batang lalaki,kinuha niya yung doll ko.Umiyak ako ng umiyak pero napatahan ako bigla ng dahil sa niyakap mo 'ko.Hinagod-hagod mo ang likod ko para ako'y patahanin.Kinausap mo ng maayos ang lalaking yun na nambully sakin,para isauli na niya sakin ang doll ko.As far as I remember, we're still Grade-1 that time.
Simula non, araw-araw na kitang kinukulit.Pinapasalamatan sa ginawa mo.Nginingitian mo lang ako ng matipid.At di nagtagal, naging close na tayo.Tuwing recess at lunch time, tayo ang laging magkasama.
Hanggang sa tumungtong na tayo sa Highschool, tayo parin ang laging magkasama.Ganon parin, sabay parin tayong kumakain tuwing recess at lunch time.Kasabay rin kita palagi tuwing papuntang school o kaya'y pauwi.
Ikaw ang lagi kong sandalan tuwing ako'y may problema.Ikaw ang tagapagtanggol ko sa tuwing may nambubully sakin dahil sa taglay kong kanerdy-han.Ikaw ang tagapunas ng mga luha ko sa tuwing ako'y umiiyak.At ikaw rin ang clown ko sa tuwing ako'y malungkot.Masayang-masaya tayo sa piling ng iba, kahit tayo'y magkaibigan lamang.
Ngunit..
Nagbago ang lahat simula nung naging 3rd year na tayo.Nagdesisyon ang Mom at Dad mong lumipat kayo sa ibang bansa.Kasi duon na magtratrabaho ang parents mo at walang magbabantay saiyo dito.
Labag man sa loob kong umalis ka at iwanan nalang ako, ay hinayaan parin kita.Kasi alam kong 'yon ang mas makakabuti para saiyo.Na alam kong 'yon ang ikakaganda ng buhay mo.Sabagay, ano nga bang mapapala mo dito sa tabi ko kung di ka aalis diba?Di mo naman makikita sakin ang magandang kinabukasan mo.Sino lang naman ako sayo?Kaibigan mo lang naman ako.
3 years na tayong di nagkikita.Wala narin akong balita pa sayo.Wala rin tayong communications, kasi di pa uso sakin ang mga gadet-gadgets na mga 'yan.
Pero alam mo ba?Nung Fourth-year highschool na 'ko,nung dumating na 'yung JS Prom, pinapangarap kong sana, nasa tabi kita at ikaw ang partner ko.At nung Graduation Day na?Umasa akong pupunta ka sa graduation namin.Umasa akong makakapag-picture ako kasama ka habang ako'y nakasuot ng toga at may hawak na diploma.Pero ano? Hanggang 'asa' nalang ang lahat ng 'yon.
Hanggang sa sumapit na ang 18th Birthday ko.Debut ko na.Ang pinaka-spesyal na araw para sa aming mga babae at ang pinakaspesyal na araw para sakin.Pinakaspesyal na araw sa buong buhay ko.At mas magiging spesyal, kung nandon ka sana.Akala ko uuwi ka.Akala ko uuwi ka para makita ako ulit at mabati man lang ng "Hi Yuri,kamusta ka na?Happy Birthday pala." Akala ko uuwi ka talaga, kasi ikaw pa naman ang gusto kong maging last dance ko.Pero wala eh.Hanggang 'akala' nalang din ang lahat ng 'yon.
Hanggang sa kinabukasan,pagkatapos ng debut ko, may natanggap akong balita mula sa pinsan mo.Isang good news at isang bad news.Napangiti ako sa good news pero kapalit naman ng ngiting 'yon ay ang pagpatakan ng aking mga luha ng mabasa ko ang bad news.
Good news: Yuri,umuwi na diyan si JV para bisitahin ka at makasama ka.
Bad news: Pero Yuri, may natanggap kaming message mula sa isang Ospital.Nadisgrasya si JV habang nagba-byahe siyang mag-isa papunta sa bahay ninyo.Malala raw ang lagay niya ngayon dahil malakas ang impact ng pagkakabagok ng ulo niya.
Naaalala ko pa kung gaano kapula ang mga mata ko non sa kakaiyak sa natanggap kong balita.Agad-agad kitang pinuntahan sa Ospital non.Pero buti na nga lang at nadatnan kitang maayos na ang kondisyon mo.Sobrang pasasalamat ko sa Diyos non na hindi ka niya pinabayaan.
