"SHEEEEEEEET!"


I woke up with my heart racing like I'd just run a marathon. Narealize kong napabangon ako sa pagkakahiga. What was that? Nag-sink in sakin yung panaginip ko at hindi ko alam napangiti ako at unting unting humalakhak sa tawa.


Sheeet nga talaga napaka weird naman nun. Tumae ba naman si JK sa panagip ko? At.... At hinalikan nga pala niya ako.


My fingers ran up to my lips at tila nakatingin ako sa kawalan. Pero napatawa nanaman ako dahil naalala ko nanaman yung sumunod na nangyare.


Siguro kung may tao dito ngayon iisiping takas ako sa mental. Nakooo hindi na nga ako iidlip hahaha


"ANONG NANGYARE? BAKIT"


Pumasok si mommy na parang naabala ko ata sa pagshoshower niya. Natawa nanaman ako at sinabing nananaginip lang ako kaya ko sumigaw. Matapos non ay pinagalitan pa ako dahil nagulat daw siya at sinabihang gumayak na ako at darating na raw ang beautician.


So nagshower na ako at nagbihis ng damit na hindi masyado mahirap tangalin para hindi magulo ang buhok na maaayusan saka ako nag bathrobe.


Ilang minute pa ay dumating na nga ang beautician na hi-nire ng mommy.


Ilang oras din ang na consume naming sa hair and make-up ko. Pero infairness ang ganda ng hairstyle ko. Wala akong ma-say. At ang make-up? Pak na pak mas lalo tuloy akong naging dyosa.


Ang hindi ko lang talaga kinaya ay yung binunutan ako ng kilay. Ang kati. Panget daw kasi pag inahit. So pumayag narin ako. Tiis ganda girl.


Habang nireretouch nung beautician yung hair ko ay biglang nagring yung phone ko.


Boo Calling...


Sinagot ko.


"Hi." Pa-charming na bungad ko



"Hello Khass. I'll be there in an hour."


"Sige sige. Ingat. "


"I love you."


"I love you too."


Then we ended the call


Inasar naman ako nung beautician na nag aayos ng buhok ko.


"Boyfriend mo iha?"


"Ah opo."


Tapos chinika na ako ng chinika which is na entertain naman ako kasi hindi na boring unlike kanina. Nakwento ko na si Darren Espanto ang boyfriend ko. Abat biglang saya niya at hindi daw muna uuwi dahil gusto daw niya mag-pa picture sa boyfriend ko.

Regrets (My Bully Love Part 2) A Juan Karlos Labajo FF ~By: crazyyY_mea~Where stories live. Discover now