Ang walang hiyang mama, naisahan ako. Nilagyan ako ng kiss mark sa leeg. Waaaaah humanda tong sweater mo sakin!!!

"Yun na nga eh. Siya yung salarin Nichie. Nilagyan niya ako ng kiss mark nang makaidlip ako sa bus."

Napatanga si bff sa sinabi ko. Hindi maipinta ang mukha nito.

"Tanga mo ti. Nakatulog ka na naman sa bus? Ohryt, nakahanap ka rin ng manyak na mama. Oh ano?"

"Pinagtripan lang ata ako nun eh. Nilawayan ko kasi yung damit nya."

Iiling iling na tinapik ako ni Nichie sa balikat. Matapos magdebate ay nagpunta na kami sa opisina ni AMD.

Sermon dito, sermon doon. Malalandi daw talaga ang henerasyon ngayon. Tsk. Nilahat na ni AMD, porke matandang binata ito. Bitter talaga. Maliban sa GMRC ay naglecture na rin ito ng ten commandments. Nakayuko lang kami ni Nichie habang nakikinig dito. Pag tinitigan namin ito ay mamasamain na naman ng matandang guro. Nangalay ang ulo ko kakayuko at kakatango sa tuwing may sinasabi ito sa akin.

Halos magdalawang oras din kami sa loob. Nasagaan ang schedule ko sa Physical Education dahil sa sermon nito. Habang Psychology naman sana ang subject ni Nichie. Nang makalabas na kami ng office, agad kaming naghiwalay ng landas. Ako sa PE department at sya naman sa Psych Department.

***

Tinakbo ko ang PE department pero hindi ko na naabutang bukas ang pinto. Sarado na ito. Nag text ang isang kaklase ko na bad mood daw ang guro namin kaya sinarado ang room.

Wow. Ikaw na Parker ang isa sa mga estupidents.

Dahil last subject ko naman ngayon ang PE, naglakad na lang ako palabas ng campus. Dumaan ako sa may open court ng school kung saan nakatambay ang grupo ni Kristoff. Napangiti ako nang makita ang mala diyos nitong kagwapuhan.

"Parker!" Binati ako ng lalaki.

Magkakilala kaya kami. Naging kaklase ko siya dati sa isang subject. Palakaibigan talaga ito lalong lalo na sa mga babae.

Kumaway ako sa kanya sabay lapit.

"Hey guys." Nagpabebe ako.

Super gwapo talaga ng mga kasama ni Kris. Kasama niya ito sa team ng basketball. Leader ng grupo ay syempre si Kris. Kabilang sa mga kasama niya ay sina Quolas, Mikee, Blast at Pal. Isa isa akong binati ng mga ito.

"Hey, Parker!" Quolas, ang poging englisero.

"Yow, baby girl." Mikee, ang pinakamakinis sa lahat. Magandang lalaki ito, hindi nawawala ang kumikinang nitong diamond earring sa isang tenga.

Isang kindat lang mula kay Blast ang natanggap ko. Ang alam ko, si Blast ang pinaka metikuloso sa lahat. Maarti. Laging nakaputi at hindi nagwi-wiwi pag hindi close doors.

"Hi Pal." At ito si Pal. Ako na ang bumati rito.

Tahimik kasi ito at ang pinakamatalino sa kanila. Laging nasa deans list pag recognition day and above all, pambato ng mga quizbee sa arts department. Henyo pero wierdo. Ngumiti lang ito sa akin matapos akong kawayan.

"Anong nangyari jan sa leeg mo, Parker?" Puna ni Kris.

Pilit akong ngumiti.

Syet napansin pa.

"Ah eh, wala to. Nakagat kasi ng insekto kaya namula. Sagwa kasing tingnan kaya tinakpan ko ng band aid."

Nilugay ko ang buhok sa harapan para maitago ang band aid. Napaupo ako sa tabi ni Kris kahit hindi naman ako nito inimbitahang umupo.

Tabi kami. Hihi.

"Kailan naman susunod niyong laro?" Feeling close na tanong ko sa katabi.

"We have a practice game this afternoon with SDU at the gymn. Manood ka ah? Cheer mo kami."

SDU or SD University.

Kilalang magagaling sa larangan ng basketball ang naturang university. Ang SDU at ang school namin, ay iisa lamang ang nagmamay-ari.

"Oo cge. Isasama ko si Nichie."

Tumango lamang ito.

Napalingon ako kay Blast ng sundutin nito ang tagiliran ko. Nilapit nito ang mukha sa akin. Pogi pa rin si Blast kaya na conscious ako sa kakatitig nito. Hinawi nito ang buhok ko sa leeg.

"Mikee, friends ba kayo ni Pareng Scott sa facebook?" Maya ay tanong ni Blast kay Mikee.

Inayos ko ang buhok na hinawi nito para takpang mabuti ang leeg ko. Pero parang imbestigador tong si Blast kung makatitig ayaw paawat.

Tumango lang si Mikee sa tanong ng kaibigan.

"W-wait. Yeah I saw that too." Si Mikee.

"Ano bang pinagsasabi niyo?" Tanong ko sa dalawa.

Pinaligiran na ako ng limang lalaki ngayon. Lahat nakatingin sa leeg ko. Para akong instinct na specie na nasa microscope na kinikilatis ng mga ito.

Maya maya ay nagsipag ngitian na ang mga ito at saka iiling iling.

Tinapik tapik ni Blast ang balikat at pisngi ko. Habang si Kris naman ay nakakunot noo lang nakatingin sakin.

"I did not know that your from San Jose, baby girl?" Tanong sa kin ni Mikee.

"P-panu mo naman nalaman? Taga San Jose ka din?"

Na confuse ako sa biglaang inasal ng mga ito. Umiling lang si Mikee. Pinisil pa ang pisngi ko. Agad akong umiwas dito.

"Secret." Si Mikee.

"Good luck na lang, Parker." Quolas

"Hell, may mga babaeng maswerti rin naman talaga." Blast.

"Just watch the game. Else, you'll miss something." Kristoff.

Nakanganga lang ako. Wala sa loob na nahawi ko ang buhok mula sa leeg dahil uminit pakiramdam ko. Naisama sa pgkahawi ang band aid.

"Ok. Chi-cheer ko kayo lahat." Tanging nasabi ko dito.

Tumunog ang bell ng school. Tumayo na ako at nagpaalam sa mga ito. Lunch break na at uuwi nako ng boarding house. Walking distance lang ito, nagdala ako ng maliit na payong upang panangga sa init.

Nakasabit sa bag ko ang sweater ni mamang wierdo. Tsk. Hindi ko mapigilang makaramdam ng inis. Grabi. Nang dahil sa ginawa nito sa leeg ko'y nagka letche letche ang klase ko today.

Trip MoNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ