Palaka?!!


"Ma'am as in totoong palaka?!" Sigaw ni Elle.


"Oo.. Lahat naman ng 2nd year dumadaan sa ganyan.. Manghuhuli kayo ng palaka para idisect niyo." Sabi ni Ma'am.


Tumango tango nalang ako, nakakita na ako sa dati kong school na nagdadisect ng palaka, nakakadiri kaya. Pero nakaka.excite.


___


Pagkatapos ng klase namin magkasabay kaming lumabas ni Shane, tahimik lang kaming dalawa.


Naramdaman kong hinila niya ang kamay ko at halos bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang higpit ng hawak niya.


Tinignan ko siya pero diretso lang ang tingin niya sa nilalakaran namin.


Maya maya lang may tumigil ng jeep sa tapat namin, kaagad kaming sumakay don.


"Manghuhuli tayo ng palaka." Pagbasag niya sa katahimikan naming dalawa, para namang awtomatikong nagform ng smile ang labi ko.


"Namiss ko yang ngiti mo." Bulong niya. Ang galing paano niya nalamang ngumingiti ako samantalang hindi siya nakatingin saakin, bigla siyang lumingon saakin at napapikit ako ng halikan niya ang noo ko.


Nagbulungan naman yung mga kasabay namin sa jeep! Tinakpan ko ang mukha ko dahil pakiramdam ko namumula na ako.


"Ang hirap Abhie kapag hindi mo ako kinakausap.. Parang kinakain ako ng lungkot ko." Seryosong bulong niya.

Magsasalita na sana ako pero nagdire-diretso siya pagsasalita.


"Gusto kita. Totoo lahat ng pinapakita at sinasabi ko sayo. Maging yung pinaparamdam ko sayo lahat yon totoo.. Kaya sana h'wag mo akong iwasan."


Napalunok ako dahil sa sobrang seryoso ng boses niya.


____

Kinabukasan sinundo ako ni Shane para manghuli na kami ng palakang i-da-disect namin.


Sa may irigation ng subdivision kami manghuhuli, may dala dala na siyang bote at plastic gloves para ipanghawak namin sa palaka.


"Ayun!!" Sigaw ko, kaagad kaming lumusong sa irigation ng may makita kaming dalawa na palaka na patalon talon sa tubig.


Muntik pa kaming madulas dahil sa pagmamadali! Nagkatawanan kaming dalawa dahil halos magkayakap na kami para lang hindi madulas.


"Dapat kasi hindi tayo tumakbo. Dahan dahan lang Abhie, dahil tatakasan tayo ng mga palakang yan kapag naramdaman nilang may humuhuli sa kanila." Paliwanag niya.


Tumango tango ako. Tumayo kami sa gilid ng irigation, sa mababaw lang naman kami nagpunta.


Maya maya pa nagkangitian kami ng may isang palaka kaming nakita na tahimik na nakatambay dun sa gilid.


"One..." Bulong ni Shane..


"Two.." Bulong ko..


"Three!" Magkasabay na sigaw namin at nag unahan kaming madampot yung palaka!


Hawak hawak ko na yung palaka kaya naman nagsisigaw ako! Shet! Ang lambot nung palaka! Buti nalang talaga naka gloves ako!! Nakapatong naman ang kamay ni Shane sa kamay ko.


"Yu-yung bote!!" Kinakabahan na sigaw ko!


Kaagad niyang binitawan ang kamay ko at tinanggal niya sa pagkakatali sa bewang niya ang bote saka binuksan yon.


"Oh, dahan dahan baka tumalon pa yan." Natatawang sabi niya.. Ipinikit ko ang mata ko at mabilis kong inilagay sa bote yon! Mabilis namang tinakpan yon ni Shane!


Nag apir kaming dalawa pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at marahan na pinisil yon.


"Galing mo ah." Puri niya saakin. Nginitian ko nalang siya.


"Anong ipapangalan natin? Diba sabi ni Ma'am bigyan daw natin ng pangalan yung palakang mahuhuli natin.." Tanong ko sakanya.


"Hmm.. Shabie?" Nakakunot noong sabi niya.


"Hahaha! Diba multo si Shabie?!" Natatawang sigaw ko.


"Edi palaka na ngayon si Shabie." Nakangising sabi niya saakin.


"Adik ka talaga Shane."


"Sayo." Bulong niya saka naglakad na paalis ng irigation..


"Abhie kalma.." Bulong ko sa sarili ko at naglakad na rin ako.. Shane Shane nakakabaliw ka.



Naglalakad na kami ngayon pabalik sa bahay namin. Ang dumi dumi nanamin ni Shane, tapos basang basa pa yung pantalon namin, saka isa pa ang baho naming dalawa hahaha!


Pagdating namin sa bahay kaagad akong naligo sa cr ng kwarto ko. Si Shane naman sa cr dun sa may kusina, may dala dala pala siyang extrang damit.


Pagkatapos kong maligo lumabas na kaagad ako ng kwarto ko. At napatakip ako ng mata ko ng makita kong wala pang tshirt si Shane, buti nalang at wala pa masyadong abs si Shane, meron baby fats! hahaha, ang cute nga eh. Ano ba namang sinasabi ko.


"Psh. Abhie para kang baliw." Nakangising sabi niya at inalis niya ang kamay ko sa mata ko, nakasando na siya ngayon. Napatingin ako sa braso niya, ayun lang medyo may biceps, maliit nga lang hahaha. Siguro pag mga 18 o 17 na yan si Shane macho siya katulad ng mga idol kong kpop. Ay grabe ano bang sinasabi ko.

"Sayo." Pambawing sagot ko at naglakad na ako papuntang sala kung saan nakapatong sa mesa yung bote ng palaka.


Umupo siya sa tabi ko, at halos mapatulala ako sa sinabi niya.


"Edi bagay tayo. Kung adik ako sayo. Baliw ka naman saakin."


****

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon