Simula

329 5 1
                                        

"Shit!" napamura ako ng makitang papalapit saamin si Kuya kasama ang mga barkada niyang kapwa varsity player.

"Itapon niyo! Itapon niyo!" sita ko sa mga kaibigan kong may hawak ng sigarilyo.

Umigting ang panga ni Kuya at salubong ang kilay ng makalapit. Tumatambol ang dibdib ko sa kaba dahil malamang at isusumbong nanaman niya ako kila Mama!

"Kuya!" yinakap ko siya at linambing. Napasinghap ako ng bahagya niya akong itulak at amoyin.

"Nag yosi ka nanaman?" mariin niyang tanong. Pinagsiklop ko ang nanginginig na kamay.

"Kuya hindi! Sila…" turo ko sa mga kaibigan. "Nausukan lang ako."

"Gasgas na ang linya mong 'yan, Fina! Hindi ka na natuto!"

"What? It's just a cigarette! Hindi pa ako mamatay!"

Sa inis ay pinag taasan ko na siya ng boses. Oo nanigarilyo ako, pero hindi naman palagi! Kapag naistress lang ako sa pag-aaral at wala sa mood. It's my way how to exhale negativeness. Narerelax ako kapag naninigarilyo.

"Hihintayin mo pa bang magkasakit ka hanggang sa mamatay? Napakatigas ng ulo mo, Josefina! Ang dapat sa'yo papuntahin sa kombento para matauhan sa ginagawa mo! You need God's words and bible's knowledge, hindi ang sermon ko o nila Papa."

Inirapan ko siya at ginaya ang sinabi niya sa mas maliit at matulis na boses. Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Kuya. Nagtawanan ang mga kaibigan ko.

"Pinapainit mo talaga ang ulo ko, Fina. Let's go home!" nanlaki ang mata ko ng higitin niya ako sa kamay at hinila.

"Kuya! Ayoko pang umuwi!"

Ngunit hindi siya sumagot at kinaladkad ako paalis. Nanghingi ako ng saklolo sa mga kaibigan ko ngunit tinalikuran lang nila ako. Fuck!

Kahit kailan talaga panira sa mood si Kuya! Mahigpit siya saakin. Talo pa niya sila Mama at Papa! Sa bawat bulakbol ko dito sa paaralan ay siya lagi ang umaayos ng gusot na ginagawa ko.

Typical brother's attitude. Pero kapag si Kuya ang nagalit, tikom ang bibig ng mga kaibigan ko! Minsan pa nga siya mismo ang nagdadala saakin sa Guidance Office at siya ang nagbibigay saakin ng parusa.

Kainis! Palibhasa girlfriend niya 'yong Guidance Counselor!

"Ma! Pa! Si Fina nanigarilyo nanaman!" sigaw niya pagkarating sa bahay.

Hindi na ito bago saakin. Alam ko na ang susunod na mangyayari. Pagagalitan ako at pagbabawalang lumabas ng bahay kapag walang pasok. Papatayin ang internet connection. Kukunin ang telepono ko at paglilinisin sa buong bahay.

Yeah… yeah… iyan ang parusa ko dito sa bahay. Iba pa kapag nasa school.

"You should know your limitations, Josefina." anas ni Kuya.

"You're my brother… dapat nagtutulungan tayo."

"Sorry, sis… dapat ay pinapalambot 'yang ulo mo ng hindi na lumala ang pagbubulakbol mo. Sinabi ko naman sa'yong huwag kang sumama sa barkada ni Chloe."

Sasagot pa sana ako ngunit dumating na sila Mama. Tulad nga ng inasahan ko ay sermon nanaman ang inabot ko. Pasok sa isang tenga labas sa kabila. Sa araw araw na panenermon saakin ay halos kabisado ko na ang linya nila Mama.

"Paano kapag hindi ka nahuli ni James? Baka sa susunod ay droga na ang hithitin mo!" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama.

"Ma! Matino pa ako sa lagay na 'yon at hindi ako hihithit ng droga! God! Sinabi ko namang stress reliever ko ang sigarilyo." umiling si Mama at tumayo.

The Only Way To BeWhere stories live. Discover now