Episode 22 - CAREFUL

Start from the beginning
                                    

Hindi pa rin ako maka move on sa nangyari kanina pero mukhang nakalimutan na rin namang lahat kaya pinipilit kong umaktong normal sa harapan nila.

Napansin ko naman ang extra attention na ibinibigay sa akin ni Keagan. Maybe he's still guilty about the incident earlier though he already said his apologies and I told him that it is an accident and nobody wants that to happen. Sobrang attentive niya sa akin ngayon na halos naiilang na ako sa grupo dahil napapatingin talaga silang lahat na literal sa aming dalawa tuwing inaalalayan ako ni Keagan. Like now, huminto muna kami sa isang native restaurant para sa lunch namin. Pagpasok pa lang namin, pinagbuksan na niya ko ng pintuan, sa upuan naman ipinaghila niya ko, nung dumating yung orders namin, siya pa yung naglalagay ng pagkain sa plato ko. Napapailing na nga lang sila Eros sa ginagawa ni Keagan samantalang ako naman ay hiyang hiya.

"Keagan, it's ok. I can manage." Sabi ko sakanya nang sabihin niyang sasamahan niya pa ko papuntang washroom. Nahiya nga ako dahil hindi na ata napigilan nila Eros at Che yung mga sarili nila at tumawa na talaga sila ng malakas.

Halata namang ayaw pa niyang paawat pero nagsalita lang yung kakambal niya kaya hindi na siya nagpumilit.

"Kean, give the girl a break." Yun lang yung sinabi ni Keiran at tumahimik na agad si Keagan sa upuan niya.

Nagmamadali naman akong nagpuntasa washroom at baka mangulit na naman si Keagan.

Pagkatapos kong umihi ay naghugas muna ko ng kamay at kinuha ang pressed powder sa sling bag ko para magretouch nang may pumasok na babae sa loob ng CR at tumabi sa akin.

I became uneasy again and I quickly finish what I'm doing. I was about to leave when she called me.

"Miss!" tawag sa akin nung babae na nakasabay ko.

I was really ready to ignore her at pinagmukha ko na lang na hindi ko narinig yung pagtawag niya sa akin pero laking gulat ko lang nang sundan niya ko palabas at hawakan ang braso ko.

"Miss.. naiwan mo yung powder mo." Sabi niya sabay abot sa akin nung powder ko.

Agad ko naman kinuha iyon nang hindi siya tinitingnan. "T-Thank you.." pasalamat ko at tinalikuran na siya pero hindi pa rin niya tinatanggal yung kamay nyang nakahawak sa braso ko.

"Uhmn. I have to go.." saka ko na pilit binawi sa kanya yung kamay ko pero ang higpit ng pagkakahawak niya doon.

"Have we met before?" tanong niya sa akin, hindi pa rin binibitawan ang braso ko.

"I don't think so.. can I please go now? My friends were waiting for me.." nagsisimula na kong kabahan dahil malayo pa yung table namin at halos wala rin namang nagagawi na tao dito sa parte ng restaurant na ito.

Nang hindi pa rin niya bitawan ang braso ko ay pinilit ko ng bawiin iyon sa kanya.

"I saw your group earlier as you enter this restaurant. I thought the boy who's always beside you is your boyfriend and you two look cute but there's something bothering me about his aura. I don't know, but maybe you also noticed it. Be careful around him."

Sakto naman ang pagsulpot ni Keagan from somewhere. I immediately grabbed his arm in panic.

"What's wrong?" kunot noong tanong sa akin ni Keagan.

"N-Nothing... let's go.." saka ko na siya hinila pabalik ng table namin.

"Be careful Naira.." pahabol na wika nung babae. I literally had goose bumps on what she said.

"Kilala mo?" tanong sa akin ni Keagan na takang taka kung bakit parang takot na takot ako.

Umiling naman ako sa kanya. "Nakasabay ko lang sa CR." Matipid na sagot ko sa kanya.

Napatigil naman sa tawanan sila Cha nung dumating kami at non ko lang din narealize na nakahawak pa rin ako sa braso ni Keagan.

Agad ko namang binitawan yon at awkward na ngumiti sa kanila. Nagkibit balikat lang naman si Keagan at nagpatuloy na ulit sila sa pinag-uusapan nila.

Nakikitawa rin namana ako tuwing may nakakatawang sinasabi si Eros at Che pero pabalik balik pa rin na nagrereplay sa utak ko yung sinabi nung babae sa akin kanina.

Be careful with whom? With Keagan? But why?

"What's bothering you?" tanong sa akin ni Zeus nang nakarating na kami sa rock formation na sinabi niya kanina. Halos nasa malayo silang lahat dahil wala silang tigil sa kakapicture at kaming dalawa lang ni Zeus ang naiwan sa hilera ng tindahan bago makarating sa pinaka rock formation.

Huminga naman ako ng malalim at hinarap siya. There's no point in lying to him, right?

"I bumped into a girl nung nagpunta ako sa washroom kanina. She tells me about Keagan's aura. Naisip ko naman na baka nakita niyang naiilang na ko kanina sa pinaggagagawa ni Keagan kaya nasabi niya yon. And when we were about to leave she told me to be careful." I shrugged my shoulders to shake off the thought because it still gives chills in my body.

"Do you see her face?" seryosong tanong sa kin ni Zeus at umiling agad. "No, of course, you didn't look at her.." siya na rin yung sumagot sa sarili niyang tanong.

Nanatili naman kaming tahimik dalawa hanggang sa nakita namin silang pabalik sa kinaroroonan namin.

NAIRAWhere stories live. Discover now