Sa Kanya

10 0 0
                                        

This'll be the first time I'll do a POV for a guy. Hindi ko alam kung mauulit pa to sa following chapters. Sorry sa mga mistakes dito. Excited lang ako na i-publish kaya ganito

********************

Kumaway kaway naman yung ibang mga estudyante na tumatambay sa labas ng gate sa pagdating ko, "Hi! Xander."

"Xander, di ka ba hinatid? Sana nagsabi ka para sinundo kita."

"Xander," sabi nung isa at kumaway.

"Magandang umaga Xander,"

Hindi ako president, nang SC or kung ano. Sadyang ang gwapo-gwapo ko lang at maraming babae ang ganyan sakin. Meron akong mga ka tropa na kasa-kasama ko halos araw araw sa pagpasok, kaso iniwan ako ng mga walang hiya. Hinanap ko yung mga kabarkada ko, hindi nga dapat ako nag hahanap eh sila dapat kaso takot ko na lang baka pagkaguluhan ako dito ng mga babae. Nangyari na ito noon. Pinaglaruan ako nang mga yon paglabas ko ng CR eh wala na sila. Tapos may babaeng sumalubong sakin pag liko ko sa corner nang building, nagulat ako at napatakbo. Instincts lang yon. Ikaw ba kun magugulat ka di ka tatakbo? Ayon akala nung iba eh nagpapahabol ako, ang habulan ay naging fun run. Gwapo ko talga no?

"Tol!" sigaw ng isa kong kaibigan na si Marko. Natagpuan ko sila na tumatambay sa field.

30 minutes pa naman bago mag-bell pero 10 minutes before dapar nasa classroom na kung hindi, office of the student affairs yung bagsak. Bibigyan ka nang slip, babawasan ang points mo at kung bababa sa 75 yung points mo hindi ka makaka-move sa next na grade. Pag nakatatlong slip ka na sunod-sunod suspended. Very strict sila, kasi yun naman diba yung ugali dapat nang mga mag-mamana nang isang kumpanya. Not to brag but Dad ko ang may ari ng Rockwell Shopping malls, marami kaming branch and isa din ito sa pinaka dinadayo na shopping malls.

This school isn't exclusive for children na heiresses sa iba't ibang uri ng fortune. Private school siya, pero halos lahat ng mga estudyante dito ay may kumpanyang pamamahalaan balang araw.

"Daya niyo naman mga tol! Iniwan niyo ako, nanginginig paa ko kanina pagkapasok ko. Ang daming babae," sabi ko sabay upo sa likod nila sa bleachers para ako lang mag-isa.

5 kaming magbabarkada; ako, si Marko, si Leo, si Dan and si James. Mas matanda sina Dan and James samin nina Leo at Marko ng 1 year. Graduating students na sila this year, kalungkot nga kukulangin naman ang grupo.

"Xander, I heard may new student daw galing America," eto talaga si Leo. Since 2 years ago nung nagkakilala kami, palagi na niya akong sini-set up sa iba't ibang mga babae. Palibhasa silang 3 ay may girlfriend kami lang ni Marko wala. Si Marko kasi arranged na sa best friend nito na nag-aaral sa ibang bansa. Hindi sila in a relationship kasi mag-aaral daw muna yung girl. Her additional reason daw is kung magiging sila, si Marko na lang daw ang aatupagin. Tama naman siya. This guy, sobrang clingy, kung hindi lang ito talaga palabiro in nature iisipin ko na bakla to.

Ako? Hindi ako naghahanap nang babae at the moment. Hindi dahil sa takot ako sa kanila dahil hinahabol nila ako, dahil sa ayaw ko...

Hindi ko din alam kung ano yung right reason kung bakit ayaw ko. Hindi ko lang pinapansin ang mga babaeng nirereto o pinalalapit nila sakin. Kinakausap ko naman pero deretso ko sinasabi sa kanilang hindi ako humahanap ng girlfriend.

Napasandal na lang ako sa likurang upuan ng humangin. Nilingon naman ako ni Leo, "Hay nako bro! Kelan ka pa ba magkaka-girlfriend? Tatanda ka na lang bang mag-isa?" sabi niya. Nilinon naman ako nang iba, I just sighed.

"Bakit requirement ba sa isang katulad ko na dapat magka-girlfriend? Hindi ba ako papasukin ng langit dahil single ako?" sarkasitikong tanong ko sa mga kaibigan. 

Sa Kanya...Where stories live. Discover now