Naranasan mo na bang mabroken-hearted?
Masakit. Sobra.
At nang alam mong nakalimutan mo na siya. Nagmahal kang muli.
Paano kung akala mo naibaon mo na iyon sa limot? Paano kung ang makakatulong sa iyo ay yung taong minsan ay naging sandalan mo?
"Jean!" sabi ko sa isa sa aking matalik na kaibigan.
"Bakit?" ani Jean.
"Narinig ko sabi ni May kanina 'Rai bigay sayo ni John oh!' tapos sinuot niya kay Rai yung bracelet na may nakasulat na I love you."
"You know, ahm. Ah I... you know" singit ni Steve. Kung di lang siguro ako seryoso dito, natawa na ko kasi mukha siyang ewan.
"You know hahaha, hay nako napapaenglish talaga kami pag yan na pinag-uusapan!" sabi ni Jean. Kinabahan ako sa sinabi ni Jean, para bang may tinatago sila sa akin.
"Bakit?" malungkot at nalilitong sabi ko.
"Rashle 'wag kang iiyak ha sa sasabihin namin." ani Steve.
"Ha? Bakit? Uhh okay." Nalilito ako kung ano bang sinasabi nila. Natatakot ako kasi parang alam ko na pero ayoko lang tanggapin sa sarili ko.
"Niligawan ni John si Rai at naging sila pero isang araw lang ata." natahimik ako sa narinig ko mula sa bestfriend ko, di ako makapagsalita. Hinaplos ni Jean ang aking likod. Naramdaman ko nalang na unti-unti nang tumutulo yung luha ko. Sinandal ko yung ulo ko sa dingding para di nila makita na naiyak ako kahit alam kong nakikita rin naman ako ng dalawa kong matalik na kaibigan.
"Rashle wag ka nang umiyak. Andito lang kami." ani Steve. Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong umiiyak. Hindi ko matanggap na dahil lang sa babaeng yun masisira yung halos limang taon.
Hindi ko kinausap si John pero nung pagdating ko ng bahay, siya agad ang chinat ko. Hindi ko sinabi sa kanya yung tungkol sa nalaman ko. Tanga na kung tanga, eh sa mahal ko siya eh. Dahil dun, sinikap kong mabuksan yung account niya. Then, tadaa! Nabuksan ko. Tinignan ko kaagad yung conversation niya with Rai. Nanlumo ako sa mga nabasa ko.
John: Kita tayo sa cr.
Rai: Sige. Bakit?
John: May sasabihin ako. :)
Nagkikita pala sila ha. Di ko na napigilan ang sarili ko. Tinanong ko si John kung sinong kausap niya at sabi niyang ako lang daw. Pinagdudahan ko siya. Sinabi kong alam ko pinaggagagawa niya at yung mga chinachat niya.
Ako: Sinong mga kachat mo babe?
John: Wala. Ikaw lang. :)
Ako: Talaga?
John: Oo nga. Bakit?
Ako: Alam ko yung mga pinaggagagawa mo at yung mga chinachat mo.
John: Ha?
Ako: May pakita-kita pa kayo sa cr!
Galit na galit ako sa kanya. Hanggang sa di na kami nagchachat at nagpapansinan.
YOU ARE READING
Lucky
General FictionMinsan may mga bagay talaga na dumadating sa tamang panahon. Nagkakamali man tayo dahil sa pagmamadali, dadating at dadating pa rin. Paano kung ang bagay na akala mo'y naibaon mo na sa limot ay nanatili pa rin pala sayo. At sa itinakda at tamang pan...
