LSI - Chapter 7

1K 53 2
                                    

"Ikaw si Wila? Balita namin.." pabitin na tugon ni Sally. "Nasiraan ako ng bait? Oo dahil hindi ko kinaya ang nangyari kai Althea.. Pero magaling na ako mga pitong buwan matapos ang mga nangyari. At kahit ganoon, wala pa ring gabi na hindi ko siya naaalala. Umiiyak pa ako gabi-gabi until I decided to go to the US. After 3mos na pagstay ko dun bumalik uli ako ng Pinas. Gustong-gusto kong bumalik dito pero natatakot ako. At ngayon, buo na ang loob ko na balikan siya." kasabay ang mga luha na pumatak mula sa mga mata ni Wila pero agad din niyang pinunasan. "Tara na! Baka hindi na natin maabutan ang kaibigan niyo!" yaya niya sa mga ito at isa-isa na silang sumakay ng bangka. Habang papunta sila sa isla, ikinwento ni Wila lahat ng nangyari isang taon na ang nakalipas. Flashback: "Babe, hintayin mo naman ako.." tugon ni Wila habang tumatakbo papunta sa direksyon ni Althea. "Ang bagal mo kasi eh. Kung pwede nga lang kitang buhatin!" natatawa naman na sabi sa kanya ni Althea habang nainis naman ang mukha ni Wila. "Di tayo bati!" pagtatampo nito. "Parang binibiro lang kita babe.." sabay inabutan niya ng kamay. Agad naman nawala ang tampo ni Wila. Sabay na silang nagpunta sa may tabing dagat kung saan naghihintay na ang bangka. Naunang umakyat si Althea sumunod naman si Wila na inalalayan nya. "Iba na talaga mga kabataan ngayon. Hindi lahat ng magagandang babae gwapong lalaki ang gusto. Madalas maganda rin." pagpaparinig ng driver ng bangka. "May sinasabi ho ba kayo?" may pagkainis na tugon ni Wila. "Babe, ano kaba hayaan mo na yan." awat naman ni Althea. "Wala.. Pasensya na mga magagandang binibini. Ako nga pala si Oscar." pagpapakilala nito. "Nagtanong ba kami?" may pagkapilosopo namang tugon ni Wila. Siniko siya ni Althea. At napa-aray naman siya agad na umiwas ng tingin sa girlfriend. "Pasensya na rin ho kayo mang Oscar. Ako nga pala si Althea at girlfriend ko si Wila." pagpapakilala ni Althea. Di na nila napansin na malapit na pala sila dahil sa mga kwento ni mang Oscar sa tuwing may mga nadadaanan silang magandang view. "Wow! Yan na ba ang isla? Ang ganda!" si Wila na nasa mood na. Pero may nakikita silang mga tao doon. "May nauna na pala sa atin." si Althea na kumunot ang noo. "Mang Oscar pwede niyo po ba kaming samahan muna? Kung ok lang sa inyo." pakiusap niya. "Oo ba madalang lang naman kasi ang nagpupunta dito sa isla lalo na ganitong oras." sagot ni mang Oscar. "Buti naman may magagawa na rin kayong tama sa amin. Joke! Hihi" nagawa pang magbiro ni Wila. Pagkarating nila lumapit ang tatlong lalaki. "Hi.. Akala namin magiging boring ang pagpunta namin dito buti nalang pala nandito kayo. By the way, I'm Tommy. At mga kaibigan ko sina Lucky at Junjun." pagpapakilala ng preskong lalaki sabay nag-abot pa ng kamay. "Excuse me, hindi kami nagpunta dito para sa inyo. Kung alam nga lang namin na nandito kayo sana hindi nalang kami tumuloy!" pagtataray ni Wila. Inakbayan siya ni Althea sabay inakay papunta sa ibang direksyon. "Oooops! Napahiya ako dun ah!" pang-aasar ni Lucky. Sabay nagtawanan silang dalawa ni Junjun. "Babe naman hindi mo naman kailangan patulan ang mga yun." mahinang tugon ni Althea ng makailang hakbang na sila. "Bastos eh!" galit pa rin ito. Sumunod naman sa kanila si mang Oscar. "Sorry pare mahilig sila sa matanda eh!" si Junjun naman at nagtawanan ulit ang dalawa. Tahimik lang si Tommy pero masama ang tingin sa dalawa. Bumalik na sila kung saan sila naka pwesto. Samantala, nakalatag na ng banig sina Althea. May tent din silang dala pero mamayang gabi na nila gagamitin. Matapos kumain, humiga si Wila sa legs ni Althea na nakaupo lang. "Wag na natin silang pansinin babe para wag na tayong ma-badtrip ok? I love you." si Althea sabay humalik sa lips ng girlfriend. "Ok babe. I love you too." sabay ngumiti. Mabilis lumipas ang oras. Maggagabi na. Habang nag-iinuman ang tatlong lalaki, nagtatawanan din ang mga ito. Si mang Oscar natulog sa bangka niya at ang dalawa naman nasa loob ng tent. Masyadong hot si Wila kaya siya lagi nakapatong kai Althea. Hinalikan niya ito at gumanti rin naman. Di nila alam habang naghahalikan sila may naninilip pala. "Babe sandali." tugon ni Althea ng mapansin na medyo gumalaw ang tent nila. "Bakit babe?" pagtataka naman ni Wila. Hindi siya nito sinagot. Agad nagbukas ng tent si Althea. Paglabas niya wala namang tao at ng tingnan niya ang tatlo, kumpleto naman ang mga ito sa pwesto nila. "Nevermind. What if magswimming na tayo?" pag-iiba ng usapan ni Althea. Pumayag naman si Wila. Naligo na sila at nagmo-moment sa tubig. Di na nila pansin kung nakatingin man ang mga lalaki sa kanila. Sobrang diin ng halikan nila habang sa ilalim ng tubig kung saan-saan na napupunta ang mga kamay ng bawat isa.
Ilang minuto din silang nakababad sa tubig. Pag-ahon dumiretso na sila sa tent. Si Wila ang unang pumasok. Laking gulat niya ng makita si Tommy sa loob. "Ahhh! Bastos anong ginagawa mo dito!" sigaw ni Wila na ikinaalarma naman ni Althea kaya hinila niya palabas ng tent ang girlfriend. "Masaya kayo na puro kayo babae? Bakit di niyo kami tikmang mga lalaki para masabi niyo na kami talaga ang para sa inyo?" lasing na tugon nito. "Lumayo ka! Pls lang!" pakiusap ni Althea. "Eh di lumayo.." mahinahon niyang sagot. Umatras sina Althea habang magkahawak ng kamay at tumalikod para tumungo sa bangka pero pagtalikod nila nakaharang sina Lucky at Junjun at pilit silang pinaglayo. "Mang Oscar tulungan mo kami!" tawag ni Althea. "Bitawan mo 'kami ano ba mga bastos!!" pagsisisigaw ni Althea. "Mga iho wala naman ganyanan. Nasasaktan na ang mga babae oh. Pakiusap bitawan mo na sila." si mang Oscar. "Wag kang makialam dito tanda kung ayaw mong madamay!" tugon ni Tommy. "Di paba ako damay sa lagay na 'to!" sabay tinakbo niya ito at akmang susuntukin pero nakailag si Tommy at siya ang nasuntok nito sa mukha. Sobsob sa buhangin ang matanda. Binugbog pa niya ito hanggang sa hindi na halos makagalaw. "Tama na! Wag niyo siyang idamay maawa kayo!" pakiusap ni Althea. "Masunurin naman ako eh kung magiging masunurin din kayo." ngumingiti pa ng nakakaloko. "Ano bang gusto niyo sa amin? Sabihin niyo na at pakawalan niyo na kami!" galit na si Wila. "Gusto niyo malaman?" tanong ni Lucky. "Simple lang, kayo ang gusto namin." si Junjun sabay nagtawanan ang tatlo.
"Hoy! Gising! Gumising ka!" si Tommy habang sinisipa si mang Oscar para magising. Gumalaw ito ng bahagya. "Ipagmaneho mo kami ng bangka! Doon sa kabilang isla. At wag kang gumawa ng kalokohan kung ayaw mong masaktan ang dalawang 'to!" dugtong niya. Pinilit ni mang Oscar na tumayo para makapaglakad papuntang bangka. "Ano mga pare ko? Maganda ba idea ko? Mas ok di ba kung doon tayo sa kabilang isla para mas ma-enjoy natin!" tugon niya sa mga kaibigan at sumang-ayon naman ang dalawa sabay nagtawanan sila. Hindi makapagsalita sina Wila at Althea dahil may panyo na nakalagay sa bunganga nila. Nakaakyat din sa bangka si mang Oscar ang sumunod na sila. "Mga pare, aq muna mauuna sa dalawang yan ha bago kayo!" tugon ni Tommy. "Grabe ka naman pre! Ibalato mo nalang 'tong isa sakin." pakiusap ni Junjun. "Gusto mo ihulog kita ha?!" galit na tono ng boses niya. "Parang nagbibiro lang!" mabilis naman na sagot ng kaibigan. Mag-iisang oras ang nakalipas ng marating nila ang kabilang isla. Bumaba na ang lahat sa bangka. Isa-isang tinanggalan ni Tommy ng panyo sa bibig sina Althea. "Ako nalang! Pakawalan mo na si Wila! Nakikiusap ako sayo!" pakiusap ni Althea pero tinawanan lang siya ng tatlo. "Sige. Kung yan ang gusto mo. Papanoorin nalang natin ang girlfriend mo." tugon ni Tommy. "Wag! Paalis mo na siya!" naiiyak na sa galit si Althea. "Althea nasisiraan ka na ba? Hindi ako papayag! Mga hayop kayo! Mamatay muna kami bago niyo kami magalaw!" panggigiliiti ni Wila. Lalo nagtawanan ang tatlo. Hinila ni Tommy si Althea. Habang hinawakan ng dalawa si Wila. Sinuntok niya ito sa bandang tiyan kaya natumba. "Altheaaaaaa!" sigaw ni Wila. Sinimulan ng hinalik-halikan si Althea. Tumutulo lang ang luha niya na nakatingin kai Wila na pilit kumakawala sa mga nakahawak sa kanya. "Mang Oscar! Mang Oscar! Pls tulungan mo si Althea! Pigilan mo ang hayop na yan!" pakiusap ni Wila. Nakatulala lang na nakatingin ang driver ng bangka. Hanggang sa pababa na sa leeg si Tommy ng biglang tinuhod ni Althea ang itlog niya na siyang ikinatumba nito mula sa pagkakapatong. Pilit na tumayo si Althea at ng makatayo siya pinuntahan siya ni Wila na nakawala naman sa pagkakahawak ng dalawa. Nagulat kasi ang mga ito sa nangyari. Magkahawak kamay na tinungo nina Althea ang bangka. Kahit namimilipit sa sakit si Tommy nagawa pa rin niya magsalita. "Habulin niyo!" galit na tugon niya. "Mang Oscar! Sakay na! Mang Oscar!" nagkasabay pa sila ng pagsabi pero si mang Oscar hindi kumikilos. Sinubukan ni Wila na paandarin ang motor. Sakto lang na nagstart na sana ng maabutan sila nina Lucky at Junjun. Umakyat ang mga ito sa bangka at pilit pinapababa ang dalawa. "Bitawan mo 'ko!" si Wila na hawak2 na ni Lucky at nagtagumpay na maibaba sa bangka. "Wilaaaa!" nahawakan pa ni Althea ang kamay niya pero dumulas din ito. "Althea!" sumisigaw pa rin si Wila habang bitbit siya ng lalaki pabalik sa pwesto nila kanina. Naglalaban naman si Althea para di siya makuha ng lalaki. Hanggang sa makatalon siya ng bangka. Nagpunta siya sa malalim pero nasundan pa rin siya ng lalaki. Niyakap siya nito, sinuntok uli ang tiyan at hinila pailalim. Hinahabol niya ang hininga niya hanggang sa mawalan na siya ng malay. Pinahiga nila si Althea na inakala nilang namatay na. Walang magawa si Wila. Hanggang iyak nalang siya. Ilang minuto ang nakalipas nagising siya at nakita niya kung paano binaboy ng mga lalaki si Wila. *** "Bumalik ang dati kong katinuan ng nasa loob ako ng mental hospital.." Halos mangiyak-iyak si Wila sa pagki-kwento. Ang hindi nila alam mahigit isang oras na sila pero di pa rin nila narating ang isla. "Ano na nangyari kay Althea? Hindi mo ba alam? At si mang Oscar?" tanong ni David. "Hindi ko alam. Hanggang doon lang ang naalala ko. Pero nararamdaman ko na sa mga sandaling yun, wala na si Althea." sabay ng paghagolgol si Wila. Inalalayan naman siya nina Sally at Pearl. "Guys, nawawala ba tayo? Bakit parang hindi naman natin nakikita ang isla." nag-aalalang tugon ni Abby ng siya ang unang makapansin. "Oo nga kanina pa tayo eh. Manong sigurado ho ba kayo na alam niyo papuntang isla?" tanong ni Lester. "Oho nagtataka nga rin ako eh." sagot ng driver sabay napakamot sa ulo. "Hindi tayo nawawala kundi pinaglalaruan tayo. May alam ako kung paano tayo makakawala dito." sabat ng albularyo na kanina pa pala nakiramdam. Nagsimula na siya bumulong-bulong. Batid ng lahat ang takot at pag-aalala baka mapahamak sila. Ilang minuto ang nakalipas. "Maayos na ang daan natin pero bumalik tayo sa kalagitnaan ng ating pinagmulan at patutunguhan." tugon nito.

TO BE CONTINUE..

Lesbiana Sa IslaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon