This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to other person, living or dead, or actual events is purely coincidence.
© 2016 hollydahlia. All rights reserved.
- - - - - - - - - -
Breakdown
Simula
Ang buhay ay mapagkait. Sa kahit ano pang estado mo ay hindi mo makukuhang sumaya lalo na kung napaliligiran ka ng mga taong hihila sa'yo pababa.
Worst is, pamilya mo pa.
Naka-rely ang tao sa expectation ng iba. A person lives to someone else's critics. Sa gano'n ay nalilimitahan ang ligaya sa puso ng isang tao.
The movement becomes unable because of the guidelines that must be follow. Kung baga sa isang bansa ay may batas na sinusundan. Nalilimitahan ang kakayahan ng isang tao dahil sa panuntunang sinusundan.
Ganoon din kung ia-apply sa buhay natin. Our happiness is limited because of the expectation of other people.
Hindi ko makuhang maging masaya sa buhay dahil grabe ang hagupit ng pagsisi kapag naranasan ko 'yon.
In this world full of expectation and responsibility, I can't just be me because I have to please everyone. So I can be the good girl... the best girl.
Magulo ang buhay ko. Mas lalong gumulo nang napunta ako sa Maynila.
I have a classmate and I hate him. Para sa kanya kasi biro ang lahat. Ultimo seryosong usapan o sitwasyon, makukuha niya pang magbiro kahit madalas ang corny niya na talaga.
Sa ilang minutong pagsagot ko sa kanilang mga tanong ay muling nagsalita ang aming guro.
"Last one..."
Tinuro ko ang lalaking nasa harap ko, second to the first row, at near the aisle lamang ang pwesto. Kanina niya pa kasi tinataas ang kamay at 'di niya talaga binababa.
Iilang tawanan ang aking narinig nang tumayo ang lalaki. He's taller than me. Hanggang dibdib niya lamang ako. His hair is like two inches long and it looks silky. May kakapalan ang kanyang kilay. Kulay brown ang mga mata, matangos ang ilong, at reddish lips na lumitaw lalo ang kapulahan dahil sa maputi niyang kutis.
Tumikhim ang lalaki, nakuha pang plantsahin ang diretsong-diretsong uniporme gamit ang sariling palad, sabay lahad ng kamay sa akin.
"Alexander, Miss."
My brow raised. "Excuse me?"
Tumawa ang katabi niyang lalaki at hinampas siya sa puwitan.
"Siraulo ka!" Tawa niya.
I saw his reaction. Umangat ang isang sulok ng dulo ng kaniyang labi.
Hindi ko alam kung sino ang pinagtatawanan. Ako ba o itong si Alexander. Pero feeling ko ako. Are they bullying me?
Tumuwid siya nang pagkakatayo at ibinaba ang kamay. Naisip siguro niya na hindi ko tatanggapin iyon.
"Pwede bang magtanong?"
Ano ba naman 'to! Kaya ko nga siya tinuro para tanungin na ako, hindi para pormal na magtanong kung pwede pa ba!
"Ano 'yon?" Seryoso kong tanong.
His eyes remained on me. Alexander then licked his lower lip. "Sige, thank you." Aniya sabay upo.
Kumunot ang aking noo.
YOU ARE READING
Breakdown (Book 1)
RomanceEarnestyna is a serious-minded girl who takes everything seriously. To her, every word is important. She also dislikes people who make jokes about serious matters. Due to family matters, Tyna needed to study in Manila, where she met Gad- a guy who d...
