naranasan mo na ba na gawin mo ang lahat para mapansin ng taong mahal mo.. pano kung hindi siya naniniwala sa salitang LOVE? susuko ka nalang ba o ipaglalaban mo?
---------------------------------------------------------------------------------------------------
"dare ako" sabi ni Sophie..
"sige, ikiss mo kung sino ang crush mo" sabi ni Arthur
namula si Sophie.. lahat nag-aabang.. pero ako alam ko naman kung sino ee.. hahaha
hinalikan niya sa pisngi si Arthur.
nagkantyawan naman ang lahat... sabi ko na nga ba.. hahaha
Ako si Clauie..at nandito kame sa isang camping sa Tagaytay.. gabi ngayon at kasama ko ang buong klase.. since free hour naman napagpasiyahan nameng maglaro ng truth or consequence.. at ayun nga.. dahil sa game na to nagkakabukingan na..
kung siya may crush.. syempre ako din.. hahaha pero buti pa siya, napaamin siya dahil sa larong iyan.. hay...
Derreck nga pala ang name niya,
at andun siya kasama niya ang mga barkada niya..
nakaearphone at nage-emo..
siya ang escort namen.. pero mejo may pagkamysterious type siya.. hindi masyadong nagsasalita.. pero siya ang top 1.. sobra akong humahanga sa kanya.. kasi sa lahat.. bukod sa mga barkada niya.. kinakausap niya din ako.. at yun din siguro ang advantage ko sa lahat ^_____^
magkababata kasi kame.. hindi ko nga alam kung bakit, pero...
bigla siyang nagbago.. dati napakamasayahin niya, ang huli ko lang natatandaan eh nakita ko siyang umiiyak noon sa school ground... tapos nung lalapitan ko na sana, bigla naman siyang tumakbo palayo saken.. tapos ayun na,
nagbago na nga siya.. pero habang tumatagal... lalo kong narealize na sobrang naaatract na ako sakanya.. hanggang ngayon.. sobrang talino, kahit tahimik gentleman... at marunong siyang gumalang kahit kanino.. bata man o matanda....
siya ang dahilan kung bakit ako nagaaral ng mabuti.. para kahit papano.. mapansin niya ako... pero parang balewala naman T___T pero atleast nagbunga lahat .. naging second ako sa klase.. at dahil doon.. lagi kameng magkaklase.. at lage kameng nagkakasama sa mga gawain dahil samen pinagkakatiwala ang mga gawain ng mga teachers namen..
"tama na nga yan! sige Sophie, ipaikot mo na yung bote" narinig ko nalang na sabi ni Arthur.. makikita mo naman na namumula din si Arthur..
nagmumuni muni ako habang umiikot ang bote... hanggang sa tumigil ito...
dahan dahan kong tiningnan kung sino ang tinuturo nito...
nakaturo kay Derreck yung bote..
O____O >> ganto ang itsura ko..
gusto ko malaman kung ano gagawin niya...
"PARE!!! kasali ka! truth or consequence?" sabi ni Art
"tss" sabi niya
"bawal KJ!!" kantyaw ng mga classmate ko
tumingin siya saken..
ohemgee... tumingin siya saken
O//////////////////////O
tense na talaga ako kung ano pipiliin niya..
......
........
........
"Truth" walang reaksyong sabi niya...
YOU ARE READING
Truth or Consequence...(ONE SHOT)
Teen FictionNaranasan mo na ba na gawin mo ang lahat para mapansin ng taong mahal mo.. Paano kung hindi siya naniniwala sa salitang LOVE? Susuko ka nalang ba o ipaglalaban mo?
