I'VE NEVER BEEN IN LOVE.. [C44] revealed secrets

Magsimula sa umpisa
                                    

"haaaaay, kung alam mo lang ang pinagdadaanan namin ngayon ni Anthon.."

"Anong problema?? baka makatulong ako.."

"Symon, kami lang dalawa ang makakasolve nito.. Umalis lang ako saglit sa bahay kasi di ko kayang harapin ngayon si Anthon.."

"Ako na naman ba abg reason??" napatango na lang ako.. Alam nya kasi na nagseselos sa kanya si Anthon..

"hayaan mo, kakausapin ko ang mister mo.. Magbestfriend lang tayo.. Alam naman nya yon di ba?? tsk tsk.. ang hirap namang maging gwapo.." at dahil don, napangiti na lang ako..

Gabi na ako nakauwi dahil binisita ko si Brianca.. May sakit daw kaya dumaan na ako sa bahay nila,,

Pagdating ko sa bahay.. Wala pa rin kaming pansinan ni Anthon..

Hindi na kami mag-uusap.. hanggang sa makalipas ang tatlong buwan..

"ugggggghhhhhh" napatakbo ako sa kusina namin para sumuka pero konting tubig lang ang naisuka ko.. Ilang araw ng masama ang pakiramdam ko.. Minsan nahihilo minsan nasusuka.. At isa lang ang alam ko, buntis ako..

Natuwa ako sa isiping magkakaroon na ulit ako ng anak..

"Anthon, i'm pregnant.." masayang sabi ko sa kanya.. pero bigla na lang nyang hinawakan ang mga braso ko.."Anthon, masakit.." halos maiyak na ako sa pagkakadiin ng kamay nya sa mga braso ko..

"ipalaglag mo.." binitawan na nya ako at saka umalis..

Natulala ako sa mga sinabi nya.. Ipalaglag ko ang bata?? Bakit??

Hindi!! Hinding-hindi ko gagawin yon..

Lumaki ang tyan ko.. Hirap na hirap na akong kumilos pero hindi nya ako tinutulungan.. Hanggang sa umanak ako, wala sya sa tabi ko.. At ng iuwi ko na sa bahay si Athena, hindi nya nagawang tignan man lang ang anak namin..

After 2 yrs. iniwan nya kaming tatlo..

**end of flashback**

"hindi ka naniniwalang anak mo si Athena??" tanong ko sa kanya..

"Simula ng mag-away tayo wala ng nangyari sa ating dalawa kaya paano mo sasabihing ako ang ama nya??"

"Bago tayo mag-away Anthon?? Wala bang nangyari??? Hindi man lang sumagi sa isip ko na pagtaksilan ka kasi mahal kita Anthon!!! At aaminin ko, hanggang ngayon mahal pa rin kita!!!! Kahit na ilang taong kang nawala, di nagbago yung nararamdaman ko!!!" patuloy na ako sa pag-iyak.. Si Ayesha, nakayakap lang sa likod ko.. at umiiyak din..

parang natauhan naman si Anthon sa mga sinabi ko..

Napaluhod na lang sya at saka humagulgol..

"a-andami kong nasayang napanahon.. andaming tao ang nadamay sa kagagawan ko.. Ilang taon akong nangulila sa pamilya.." sabi nya sa pagitan ng pag-iyak.. "hindi ko man lang pinakinggan ang panig mo.. Ilang taon akong nawalay sa mga mahal ko..at ilang taon akong patuloy na gumaganti sa inyo.. Margo, patawarin mo ako sa mga kasalanan ko.. Patawad sa lahat.. Symon, nasa akin ang anak mong si Bryan.. Nailigtas ko sya noon.. Noong nasa kalagitnaan kayo ng dagat at nagkaron ng bagyo.. Andun ako.." hindi na rin matapos-tapos ang iyak nya.."Sinagip ko sya.. Pero hindi ko sya ibinigay sayo dahil ang nais ko lang ay ang gumanti.. Gusto kong magdusa ka sa pagkawala ng anak mo.. Dinala ko sa bahay-ampunan si Bryan.. Pero kinuha sya ni Elaine, sya ang matalik kong kaibigan.. Inalagaan nya si Bryan at pinangalanang Dylan.."

Nakita ko ang galit sa mga mata ni Symon.. Ikinuyom nya ang kanyang kamao.. At anumang sandali ay susugurin si Anthon na nakaluhod pa rin sa amin at humahagulhol..

"Si Brianca??!! Nasaan sya!!!!" sumugod na si Symon at hinawakan sa damit si Anthon.. "Ilabas mo ang mag-ina ko!!!"

"h-hindi ko alam.. Si Bryan lang ang nakita ko.. sya ang nasagip ko.. Wala akong nakitang katawan ni Brianca noong panahong yon.. Dahil sa galit ko sayo nagawa kong itago si Bryan.. Mapatawad mo pa sana ako.."

"Ilang taon mo mang itinago ang anak ko, dapat pa rin siguro akong magpasalamat sa pagkakaligtas mo sa kanya.. Pero  makinig ka sa sasabihin ko.. Mahal na mahal ka ng asawa mo.. Wala kaming relasyon.. Mahal na mahal ko si Brianca kaya di ko magagawa yon.. Anak mo si Athena.. anak mo sya.."

tumango-tango lang si Anthon at saka tumingin sa akin.. Binitawan na sya ni Symon..

"Margo.." T________T  luampit sya sa akin.. "patawarin mo ako.. Tama ka, naging makitid ang utak ko.. Nilamon lang ako ng matinding selos noon.. Hindi ko ginusto na iwan ka pero na isip ko noon, mas masaya ka sa kanya kaya lumayo ako para makalaya ka.. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko na gumanti kay Symon noon.. Buhay nina Bryan at Atheng ang nasira ko.. Mapatawad mo pa sana ako.."

"higit sa lahat, kay Athena at Bryan ka dapat humingi ng tawad.." lumapit ako sa kanya at mahigpit syang niyakap..

Kahit na marami syang pagkukulang sa akin.. Mahal ko pa rin ang taong 'to hanggang ngayon.. At di na yon magbabago..

************************************************************************************************************

Nagets nyo na po ba?? or naguguluhan pa po kayo?? kasi kung oo, iisa lang ang napatunayan ko, hindi ako bagay na maging writer dito sa wattpad..

how sad.. =((((((

salamat po sa lahat ng sumusuporta sa story ko.. Alam ko na hindi na maganda yung flow ng story.. And i'm sorry guys for disappointing you..

waaaaaaaaaaaaah... -_____________-

I'VE NEVER BEEN IN LOVE.. NGAYON PA LANG..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon