I'VE NEVER BEEN IN LOVE.. [C53] nakakabadtrip sya

2.6K 34 8
                                    

CHAPTER 53:

***ATHENG'S POV***

  

**beeeep beeeeep**

Lumabas ako para tignan kung sino yung nasa labas..

"Oh, Enrique.. Anong gingawa mo dito?"

"may photoshoot di ba?"

"ay! oo nga pala.. sorry, nakalimutan ko.. ngayon na ba? alis na tayo?? saan ang photoshoot natin??"

"andami mong tanong.. just get in the car now.. It's 3pm.. may party pa mamayang 7pm.. saka nasabi ba sayo ng boyfriend mo na susunduin kita mamayang 7?"

"huh? ah.. Y-yup.."

"psh! alam kong hindi,, wag ka ng magsinungaling.. pwede na ba tayong umalis?? nagmamadali ako.."

ang sarap sapakin ng lalaking 'to.. Ang sungit eh!!

"saglit lang naman, magbibihis lang ako.. masyado kang nagmamadali.. PSH!"

"ayoko lang sa mabagal.. bilis na.."

"saglit nga lang!! sasapakin na kita!!! Pasok ka muna!! PSH!"

"wag na, baka ipa-salvage mo na ako sa loob.. I'll wait you here.." sabi nya..

Oh ano.. nakita mo hinahanap mo.. PSH!

pumasok na ako sa loob ng bahay namin.. nakatindig lang sa may pinto si Dylan..

"who's that??"

"si Enrique.. meh photoshoot daw ee.. magpapalit lang ako Dy.."

Pumasok na ako sa kwarto ko.. Nagpalit ng pants at t-shirt.. sinuot ang rubber shoes ko at saka itinali pataas ang buhok ko.. After 10 mins. lumabas na ako sa kwarto..

Yung kilay ni ate nakataas.. si mommy nakahawak ang kamay sa sintido.. at si Dylan, nakangiti ng malawak..

I'VE NEVER BEEN IN LOVE.. NGAYON PA LANG..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon