Ang Dalawang Bibe

830 44 1
                                    

May dalawang magkaibigan, isang babae at isang lalaki... ang lalaki ay mataba, ang babae naman ay pangit... Nakaupo sila malapit sa lawa.

"Bakit kaya ayaw nilang makipaglaro sa atin?" Tanong ng lalaki habang naghagis ng bato sa lawa.

Nagkibit balikat si babae. "Hindi ko din alam, parang nandidiri sila sa atin eh, hindi ba tayo magandang maging kaibigan... kawawa naman tayo"

"Kasalanan ba natin na mataba ako at pangit ka?"

"Ouch naman!! Potpot naman oh! Maka pangit wagas ah!"

"Ha! Ha! Ha! Hayaan na lang natin sila... masaya naman tayo kahit tayong dalawa ang magkasama di ba?"sabi ng lalaki.

Mayamaya may nakita silang dalawang bibe.

"May bibe ah!! Tara gawa tayo ng kanta tungkol sa kanila" sabi ng babae.

"May naisip na ako!"

"Ano?"

"May dalawang bibe kaming nakita...
Mataba...... mga pangit......"

"Nakakainis ka naman, hindi naman bibe yang kinakanta mo eh, tayo yan eh"

"Kasi tingnan mo ang mga bibe na yan, dalawa lang sila samantalang ang lawak lawak nitong sapa, pero makikita mo na masaya naman sila... mukhang kuntento na sila na dalawa lang sila"

Napaisip ang babae..

"Menggay, isipin mo na hindi natin kailangan ng maraming kaibigan kung magiging kaagaw lang natin sila, masaya na tayo na tayong dalawa lang... tandaan mo yan ha...."

"Sige na nga cardo, hindi na ako manghihinayang sa mga taong ayaw naman sa atin."

"May dalawang bibe kaming nakita...
Mataba at mga pangit.....
Pero ganun pa man....
Sila ay masaya naman...."

Pagkalipas ng ilang buwan kinailangang lumuwas ni Cardo sa Maynila para dun sya mag aral ng college....

"Menggay, huwag ka ng umiyak.... please...."

"Eh kasi naman aalis na yung matabang bibe, paano na ang pangit na bibe?"

"Kahit naman umalis ang isang bibe, babalik at babalik naman siya para sa pangit na bibe di ba?"

"Hmmmmp!"

"Basta tatawag naman at magtetext ako parati, hindi makakalimot ang matabang bibe"

"Promise yan ha"

"Oo naman"

At umalis na nga si Cardo papuntang Maynila.


After a year bumalik si Cardo sa probinsya... pero wala na ang matabang bibe.. Hindi na nakita ni Menggay ang matabang kaibigan, bagkus ang bumalik sa probinsya ay ang machong machong Cardo.

"Uy Menggay!!! Hindi mo man lang ba ako na miss? Wala ka man lang reaksyon?"

"Huh?!"

"Ayan, sa sobrang pagkamiss mo siguro sa akin kaya hindi ka makapaniwala na nandito na ako."

"Ikaw ba yan?! Ikaw ba talaga yan? Nasaaan na yung matabang bibe na kaibigan ko?"

"Ha!ha!ha!, eh kasi may mga naging kaibigan ako na laging naggy gym, ayun napasama ako lagi... maganda naman ang kinalabasan di ba?"

Tumango lang si Menggay.

"Tara! Labas tayo! Namiss ko ang bibe ko!"

"Ang pangit na bibe?"

"Hahahaha! Hanggang ngayon hindi mo pa rin nakakalimutan yun?, kalokohan lang natin yun. Tara na!"

"Ay may gagawin pa kasi ako eh... sa ibang araw na lang... "

Ang Dalawang BibeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon