“EXCUSE ME!” sinigawan ko na siya.

Effective naman dahil humarap siya sa akin and guess what.

                                                        

Napalunok ako.  Madami na akong nakitang half-naked body but this one is different. Idagdag mo pa ang intensity ng mga mata na nakatingin sa akin ngayon.

“WHAT?”

“I am looking for Kirk Uy” palabang sabi ko sa kanya dahil tila nahimasmasan ako sa pagkamesmerized sa katawan niya ng sigawan nya ako.

Nakakarami na kasi siya.

“HE’S BUSY!” bulyaw na naman nya sa akin. Teka mas nakakarami na talaga siya ah.

Kaya lumakad ako papunta sa kanya.

Kung yung dalawang lalaking nakasalubong ako ay ang warm ng welcome nila sa akin ito naman parang may kasama akong mga penguins and worst of all ay akala siguro nito na bingi ako.

“You Mister if you didn’t remember how much as I’d remembered ay kahapon ka pa nakasigaw sa akin and for your information I can clearly hear. Hindi bagay sa iyo ang sumigaw,  ang pangit kaya ng boses mo” malditang sabi ko sa kanya.

I’ve mastered myself not to be bitchy with others but this guy is getting in my nerves.

“Tsss” what the hindi nga siya sumigaw ay nag-smirk naman siya sa akin.

“You!” naniningkit ang mata ko na sabi sa kanya.

“Ano bang prob-”

“Phoebe, what are you doing here?” napakislot ako ng marinig ang boses ni Kuya.

Nakita ko siyang nakakunot ang noo habang nakatingin sa aming dalawa.

“Hey, relax Kuya I am just having a small chit-chat with your friendly janitor here” I didn’t include sarcasm in my voice kawawa naman kasi kapag mapatalsik pa di ba.

Nagtaka ako ng makita ko si Kuya na tila nagpipigil ng tawa ang ng tingnan ko ang janitor ay mukhang galit naman ito.

Well hindi ko pa naman talaga nakita siyang masaya. Wala naman sigurong nakabulyaw parati na masaya di ba?

“I AM A WHAT?” oo obvious galit na naman po siya.

When I realized something.

Aixt gusto kong batukan ang sarili ko sa maling nagawa ko.

“I’m so sorry, it was an honest mistake”

Napansin kong tumigil si Kuya sa impit na pagtawa nito at yung mukha din ng lalaki ay medyo kumalma.

“I should have known ayaw nyo na palang tawaging janitor di ba you call yourself maintenance boy?”

Nagtaka ako ng bumunghalit na talaga ng tawa si Kuya na nasa tabi ko at ang maintenance boy/janitor nila ay mukhang galit na galit at tila anytime ay pupukpukin na nya ako ng mop na hawak nya.

“KIRK ILAYO MO NA SA AKIN YANG MAID MO!!!!”

Hinatak naman ako ni Kuya palayo sa umuusok na maintenance boy nila.

Pero hindi ko mapigilang kiligin sa nakita at natuklasan ko.

At gusto ko na rin yatang karerin ang pagiging maid ko dahil kung maid ako at janitor siya it means we are in the same line of work.

Di ba nakaka-kilig iyon?

Si Introvert at ExtrovertWhere stories live. Discover now