“Opo Manong. Sige na po at baka hinihintay na kayo ni Misis”

“Maraming salamat po talaga Mico, Kirk una na ako.” masayang paalam sa amin ni Manong Tonyo.

“What was that for?” takang tanong sa akin ni Kirk pagkaalis ni Manong Tonyo.

“Nothing di ba nalate ako kahapon pero hindi ako nakapaglinis eh di ngayon ko gagawin atsaka naglilinis din naman tayo dito di ba?”

“Okay ikaw ang bahala, sige bihis muna ako, how about you?”

“Mamaya nalang” sabi ko na hinubad ang suot ko na jersey at saka naglakad para kuhanin ang mga gamit panglinis.

Nagtaka naman ako sa naging reaksyon ni Kirk.

It’s not the first time na may maglilinis sa gym na basketball player but it’s my first time.

Medyo naawa lang ako kay Mang Tonyo.

“Oy Pareng Mico una na kami sa iyo huh” sabi ni Mikee at Keith ng papalabas na sila ng gym.

Ginantihan ko na lang sila ng tango atsaka nagsimulang maglinis. Mahirap na baka may dumating na naman na mga istorbo na makakapagpainit lang ng ulo ko.

''''''''''''

~~~~~~~

Phoebe’s POV

I’m bored at dahil bored ako ay naisipan kong pumunta dito sa AU.

Gusto kong maging pamilyar sa next school ko.

Oo ako na ang excited.

Mabuti na lang at pinapasok ako ng gwardya dahil kilala pala nito si Kuya. Napangiti na lang ako.

By the looks of it parang sikat yata si Kuya.

Pagkatapos kong magpark ay medyo nalito ako kung saan ako pupunta kaya naghanap muna ako ng directory ng school.

“Need some help?” pukaw sa akin ng isang baritonong boses at paglingon ko y nakita ko ang isang gwapo at matangkad na lalaki.

“Oh hi I’m looking for your main gym” nakangiting bati ko sa kanya.

Sa tingin ko kasi mukhang mabait naman ang isang ito.

“New student?”

“Yeah but not yet officially enrolled”

“Oh I see, by the way I’m Keith and you are?”

“It’s Athena” pagpapakilala ko. I usually use Zy and Athena to my new acquintances.

Si Introvert at ExtrovertWhere stories live. Discover now