“Prof tinatanong pala ni Mommy kung tapos na ba yung profile files nating lahat?” maya-maya ay tanong ni Keith ng nagdismiss na si Prof.

“Maybe we can have it next week, ipafollow-up ko pa kasi yung photographer na nakontak ni coach. Ang hirap talaga pagwala si coach”

“Eh Prof sabi ni Mommy kakailanganin daw niya iyon this Friday para daw yung budget natin for the second semester ay maayos agad”

“Okay maybe tomorrow we can have the photo-shoot”

“Pero Prof di ba sabi ni coach sa Lunes pa yung schedule natin?”tanong ko sa kanya. kami kasing dalawa ni Kirk ang pinagbibilinan ni Coach kapag may lakad siya.

“Baka pwede nating e-reschedule yung appointment natin. I’ll contact him later. Kaya guys tomorrow bring your dark uniform iyon ang gagamitin natin at isang casual attire.”

“Okay Prof!” sabay-sabay naming sagot kay Prof mahirap na baka magsusungit na naman.

“Mico!” maya-maya ay tawag sa akin ni Kirk.

“May problema ka ba? You looked so irritated.”

“Medyo masama lang ang pakiramdam ko Kirk”

“Are you sure?”

“Yah”

“Salamat nga pala sa pagdala mo nung box kahapon” sabi sa akin ni Kirk.

“Okay lang yun pero Kirk pagsabihan mo yung maid mo huh masyadong tanga”

“Huh maid? Sinong maid ang tinutukoy mo?”

Sasagot na sana ako ng nakita namin ni Kirk ang humahangos na si Mang Tonyo.

“Kirk tapos na ba kayo?”

“Opo Manong ngayon-ngayon lang po bakit po?”

“Mglilinis na po kasi ako” nagmamadaling sabi ni Manong Tonyo na parang kailangan talaga niyang magmadali.

“Manong may problema po ba?” tanong ko ng napansing tila aligaga si Mang Tonyo.

“Hindi naman po problema Mico pero kailangan ko kasing makauwi ng maaga dahil birthday ni Misis ngayon”

“Pwede na po kayong umuwi Manong ako na lang po ang maglilinis ng gym ngayon” sabi ko kay Manong.

Napatingin naman sa akin si Kirk na puno ng pagtataka ang mukha.

“Sigurado ka ba Mico?” tanong sa akin ni Manong Tonyo.

Si Introvert at ExtrovertOù les histoires vivent. Découvrez maintenant