Huli na ng marealize ko na dahil pala sa suot ko kaya ako napagkamalan niyang maid. Hindi ako naiinis na tinawag nya akong maid, naiinis ako dahil kaya pala palagi siyang nakasigaw kahapon ay dahil sa akala niya maid  ako.

Sayang gwapo pa naman sana.

“What’s with that face? Nabiktima ka rin ba sa kasungitan nya?” natatawang sabi ni Kuya.

Sasagot na sana ako ng biglang tumunog ang telepono ni Kuya.

“ANO? TAWAGAN NYO SIYA SABIHIN MONG HINDI PWEDE!”,

Napatawa ako sa pagbubulyaw ni Kuya sa phone.

Uso ba talaga sa mga taga-AU ang pagiging masungit?

 

~~~~~~

 

Mico’s POV

“Pare mukhang nagiging habit mo na ang pagiging late ah” salubong sa akin ni Mikee.

“I called Prof na hindi muna ako papasok ngayon pero ayon nagalit kaya ako nandito.”

“Asan ba si Prof.?”

“Nandun sa admin building kausap yata yung musical director nyo for your incoming recital at dinig ko ay may problema sa isang member nyo. Ewan ko ba dyan kay Prof at bakit nagkukumahog eh sa 2nd sem pa naman yung recital ninyo di ba?”

“Kilala mo naman si Prof di ba? Mabuti na ang maagap ang motto nun”

“Narinig mo na ba na dumating daw yung kapatid na babae ni Prof?”

“Tss kahit kailan talaga Mikee ang chismoso mo”

“Hindi yan chismis pareng Mico iyan ang tinatawag nating information” sabad naman ni Keith.

“Ewan ko sa inyong dalawa” sabi ko na lang sa kanilang dalawa saka tumuloy sa locker room namin para makapagpalit.

Knowing Kirk kung may ganitong emergency practice ay tiyak na patayan ang katumbas nito.

~~~~~~

~~~~~~~~~~

“Okay guys let’s do the pick-and-roll play again” mando sa amin ni Kirk na ngayon ay nagsisilbing referee namin.

Mahigit isang oras na kami nagpapractice at mahigit isang oras na din akong naiirita sa kakasigaw ng mga babae na nanunuod ng practice namin. Hindi ba pwedeng manuod lang sila ng hindi binubuka ang mga bibig nila?

“Okay. Good job guys! Hope we can run that play during the championship!” puri sa amin ni Kirk ng ma-execute namin ng mabuti ang play na sinabi nya.

Si Introvert at ExtrovertDonde viven las historias. Descúbrelo ahora