Chapter One

6 1 0
                                    

"Oh ayan. Lilingon pa kasi talaga."

Napatingin ako ng matalim sa babaeng kasalukuyang kain ng kain dito sa harap ko.

"Kumain ka na nga lang dyan. O di kaya, magpakita ka kahit konting suporta."

"Suporta mo mukha mo. Ikaw pa tong may ganang mag'demand, apat na taon na kong cheerleader mo. Hiyang hiya na talaga ako sayo."
/gulo sa buhok/

"Iiwan mo na ako ngayon? Sawa ka na?"

"Alam mo Vince, pag uhaw ka, kahit anong titig mo dyan sa basong may tubig, di yan lalapit sayo. Eh yang type mo ba namang walang pake sa paligid niya, edi kailangan ng effort. Uso gumalaw galaw Vince. Kung puro ka tingin, ga'graduate tayong mata mo lang ang sumaya."

"Ewan ko sayo Kring. Kumain ka lang ng kumain dyan. Lagi na lang pagpapiano yang inaatupag mo sa inyo, di ka na halos nakain. Nabusog ka ba sa piano niyo? Tumahimik ka na. Kain lang para tumaba at tumaas ka din."

"Tapos ngayon, ako naman nakita mo? Hayys. Ewan ko sayo. Abnormal!"

Kaya masarap asarin to eh, pikon. :D
Kasalukuyan kaming kumakain dito sa cafeteria. Actually, si Kringkring lang pala. Tapos na ko, kanina pa.
Ang baboy kasi ng kasama ko, dami kumain.
Dinukot ko na lang ang cellphone ko para sana mag'wattpad na lang muna habang naghihintay. Mukhang makakabasa pa ko ng isang one shot sa tagal ng isang 'to -_-
Binasa ko ang isang update sa story ng paborito kong author. /sigh/ Tinatamaan na naman ako sa update niya.

"Wattpad na naman yan?"

Grabe naman makagulat at makasilip to.

"Wala ka na dun." Sabay irap.

"Ikaw Vince, nagdududa na ako ha? Una, kalalaki mong tao, wattpad ang hilig mo. Corny mo talaga. Tapos ngayon, umirap ka pa? Nako Vince, sayang ka!"

Patawa'tawang sabi nitong payatot na matakaw.

"Apat na taon na tayong sanggang dikit, ngayon ka pa talaga nagduda. Para kang tanga! Di ako bakla."

"Wala ako sinabi. Luhhh! :D"

At tumawang parang baliw. Kawawang Kringkring, nababaliw na naman.
Naisipan kong pumunta sa acct ni xax, baka sakaling may makalap na impormasyon sa idol ko.
Napahinto ako nang may mabasa ako sa description about yourself niya.

"Tingnan mo Kring, yung author ng paborito kong mga oneshot, taga'Amethyst High din."

"Oh tapos?"
Sabi niyang walang pakialam kasi busy siya kakakain.

Napa'facepalm na lang ako sa kaslowan nitong putot na to.

"Isa din siyang estudyante dito? Ang galing naman."

"Malay mo teacher? O admin? Janitress? Maintenance? Kaw talaga. Hilig mo mambintang." -______- Nagtatransform sa pagiging tangahin, slow at pilosopa si Kringkring pag kaharap ay pagkain.

"Gusto ko siya makilala Kring."

Tutulungan niya ko, panigurado. Siya lang naman lagi kong kasama sa mga adventure sa buhay ko.

"Okay." At talagang poker face pa siya!

"SAMAHAN MO KO HANAPIN SIYA! KA'SLOWAN MO TALAGA!"

At hinila ko na siya palabas sa canteen. Masyado na siyang matagal, klase na namin maya maya.

Reyna ng One ShotМесто, где живут истории. Откройте их для себя