Panimula

8 2 2
                                        

Hanggang sa dulo
(Unang yugto)

Ako si Jeff, isang estudyante sa pampublikong paaralan sa kamaynilaan. Ako'y Dalawampu't lima sa edad. Ang pamilyang aking pinag mulan ay hindi mayaman, may kaya lang. Sawi rin ako sa pag-ibig. Ang hirap palang ibigay ang lahat ng pagmamahal, at oras mo para sa mahal mo, tapos sa bandang huli iiwan karin pala. Masakit, para saakin. Ganyan ang storya ko kay Michelle. Binigay ko lahat ng aking atensyon sa kanya, lahat ng makakaya ko ngunit nagawa parin nya akong saktan. Isang araw, kaarawan ko. Ti-next ko sya at sinabi ko na pumunta siya sa pag diriwang ng aking kaarawan ngunit nag tataka ako kung bakit niya ito tinangihan.

Nang oras na iyon, marami ng pumasok na katanungan sa isip ko. Makalipas ang ilang oras sa kakahintay sakanya, nag text saakin ang kaibigang kong si Andrei, sinabi niya na may kasama si Michelle na ibang lalaki sa mall. Agad-agad akong bumiyahe papuntang mall. Nang pag ka baba ko sa taxi, nakita ko si Michelle, na may katabing lalaki at naka upo sila. Ang sweet nga nila eh, agad kong nilapitan si Michelle.

'Michelle?' Sinambit ko ang pangalan nya, nanginginig ang boses ko sa lungkot
'Mi-Michelle, pano mo nagawa ito?' Nagsimula nang tumulo ang luha sa mata ko; Sumagot siya
'Ayoko na sa'yo, hindi mo binibigay ang gusto ko! Buti pa si Henry, lahat ng gusto ko nasusunod! Eh sayo? Wala akong pag-asa!' Sinigawan nya ako, narinig ng mga nag gagala sa mall ang kanyang sigaw at nag tininginan saamin
Sumagot ako, lalo pang humina ang aking boses 'Ngunit, binigay ko naman lahat ng atensyon, lahat ng makakaya ko para sayo! Kulang paba yun?'

Hindi na sya umimik, hinila niya si Henry palayo. Habang naka tayo lang ako, at umiiyak. Makalipas ang ilang araw, ramdam ko parin ang sakit. Masakit saakin ang nangyari dahil siya ang aking unang pag-ibig. Sayang, yan lang ang masasabi ko saaking sarili. Ilang araw din akong hindi kumaen, at nag kulong lang ako sa aking kwarto. Tuwing linggo, dumadalo ako sa misa sa kalapit na parokya sa aming lugar. Napag isip isip ko rin na, wala naman akong ginawang mali, ngunit bakit hindi niya ako sinamahan hanggang sa dulo?

Ngayon na narinig mo na ang aking nakaraan, gusto mo pa ba pakinggan ang susunod?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hanggang sa DuloStories to obsess over. Discover now