Chapter 16

8 0 0
                                    

"nasaan ka na ba Ilay,, bkit di mo sinasagot ang tawag ko??...galit na wika ni Joseph sabay bato ng kanyang cellphone pero kaagad naman din niya itong pinulot at muling ng dial sa numero ng dalaga...

Wala pa ring sumasagot kaya naisipan nyang puntahan na ito sa bahay.. Pasado alas nuebe na pero alam nyang hindi pa ito natutulog kaya nag aalala na siya sa hindi nito pagpaparamdam. .

Nakarating na siya sa bahay nina Ilay ngunit napahinto niya ang kotse dahil sa may nauna ng kotse na huminto sa tapat ng gate ng bahay nina Ilay.. Saglit siyang nakiramdam hanggang makita niyang bumaba ang isang lalaki at kasunod noon ay pinagbuksan nito ng pintuan ang isang dalaga...

"Shillah?"....nakilala nya agad ang dalaga..

Puno ng galit ang kanyang mukha ng bumaba sa sariling sasakyan niya at tinungo ang kinaroroonan ng nsa kabilang sasakyan..

Isang malakas na suntok ang iginawad nya sa binata at hinila hila si Ilay papalayo sa binatang kasama nito...

"ano ba Joseph ,nasasaktan na ko,,bitiwan mo ko please..."...sabay palag nito kya nabitawan siya ng binata..

"ano bang problema mo?"...galit na wika ni Shillah...

"anong problema ko?"...wika ni Joseph at itinuro pa ang mukha niya sabay tingin sa binatang nasuntok niya kanina na ngaun ay hawak hawak na ang kanyang panga....."di ba dapat ako ang magtanong niyan sayo? Anong problema at kung kni knino kang lalaki sumasama sa ganitong oras ng gabi?" ....

Kumunot ang noo ni Ilay sa sinabi ni Joseph... Unti unti namang lumalapit si Jay sa dalawa pero pinahinto siya ni Joseph..

"pare,huwag kang makialam dito.. Away namin to,labas ka na dito. Makakauwi ka na..."... Nagsasalita siya pero kay Ilay siya nakatingin...

Nagsalita na si Jay...
"boyfriend ka ba ni Shillah pra pagbawalan siyang lumabas kasama ako?"..

Napangiti pa si Joseph sa sinabi ni Jay at kampante siyang aayon si Ilay sa kanya...

"bakit hindi mo tanungin si Shillah pra malaman mo kung sino ako sa buhay niya..."...tatawa tawa pa ito habang nagsasalita...

Hindi sumasagot si Ilay at nakatitig lamang ito sa binata.. Unti unti namang nawawala ang mga ngiti sa labi ni Joseph dahil sa pananahimik ni Ilay.

Isang buntong hininga naman ang ginawa ng dalaga saka yumuko ito.. Hanggang sa tuluyan ng nawala ang sigla ni Joseph.. Napapangiti naman itong si Jay dahil mukhang hindi naman mgkasintahan pa ang dalawa at assuming lamang itong si Joseph..

"Joseph"....nakatungo niyang wika...

Lumapit si Jay sa dalaga pra hawakan sna ito sa kamay ngunit napigilan agad siya ni Joseph at tinabig ang kamay ni Jay.. Nakita ni Ilay ang ginawa ni Joseph kya nagalit ito ..

"Joseph ano ba?"...sabay hingi ng pasensiya kay Jay dahil sa ginawa ni Joseph.

"kakampihan mo pa siya at akong boyfriend mo ang lalabas na masama ngaun ha? Ano Ilay magsalita ka"....

"tama na Joseph,,hindi naman tayo, hindi naman ako sumagot na pumapayag na kong maging tayo db kya tama na... Magsiuwi na nga kayong dalawa!!!!".....

Prang nanlambot ang mga tuhod ni Joseph dahil sa narinig...

Sa pangalawang pagkakataon ay itinanggi siya ni Ilay.. Ang huli ay higit sa sampung taon na ang nakalipas....

Mukhang nakuha na ni Jay ang nangyayari sa ngaun at kailangan atang mag usap ng dalawa kya siya na ang unang nagpaalam sa dalaga.. May oras pra sa lahat ng bagay at lalaban siya ng patas pra makuha ang dalaga. Dahil ganoon nya ito kamahal...

Ng makaalis si Jay ay papasok na sana si Ilay sa bahay nila ngunit pinigilan siya ni Joseph...

"Joseph kasasabi ko lang na wala namang tayo,,hindi pa ba malinaw yun sayo?"...

Natigilan si Ilay ng si Joseph na ang magsalita...

"sampung taon na ang lumipas at ganitong ganito rin ang nangyari,, pero hindi ko maintindihan kung bakit sa tagal ng panahon na iyon ay nagawa kong tiisin ang sakit,at ngaun ganoon n nman ,ang sakit pa rin pero makakayanan ko pa rin magtiis dahil mahal kita Ilay,sobra at minsan ayoko na sa nararamdaman kong ito.. Ayoko na. Gusto ko ng sumuko... Kahit pilitin kong magalit sayo ,masuklam at punuin ng poot ang puso ko pagdating sayo, hindi ko pa rin magawa..... Ilay mahal na mahal pala talaga kita..."...pagtatapat ni Joseph...

Tahimik lamang si Ilay pero nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata pero pilit niyang nilalabanan ito sa paglaglag...

Tumitig siya kay Joseph at doon na lumaglag ang luha niya pero nagawa pa rin niyang magsalita..

"ayoko Joseph,natatakot ako.. Natatakot akong maiwanang muli.. Hindi ko kya.. Mahal kita pero..."...hindi na iyon naituloy ni Ilay dahil hinalikan na siya ni Joseph...

Ramdam na ramdam ng binata na mahal siya ni Ilay pero tlgang may takot sa puso ng dalaga at hindi niya alam kung bakit o ano iyon.. Gusto niyang malaman, gusto niyang alisin ang takot sa puso ng dalaga......

Kumawala sa halik si Ilay saka yumakap sa binata...
"Joseph,give me more time to think,mahal kita pero hindi pa tlga ako handa,gusto ko kpg magiging tayo ay buo na tlga ang desisyon ko at handa na ko sa lahat ng bagay.. Handa na kong magmahal at masaktan..."....

Napapikit ng mariin si Joseph.. Ayaw nyang mawala ang dalaga kaya susuportahan niya ang desisyon nito.. Pero aminado siyang mahihirapan siya dahil sa wala siyang karapatan sa dalaga kahit nagmamahalan naman sila.. Hindi siya maaaring kumilos na prang isang kasintahan nito dahil hindi naman sila.. At hindi niya ito maaaring magbawalang sumama sa ibang lalaki dahil walang tinarawag na "sila" ... At higit sa lahat... Wala siyang karapatang magselos...

"mahal kita kaya susuportahan ko lahat ng desisyon mo Ilay"..... Pikit matang wika ni Joseph...

..

Wala pa palang sila kaya wala pang karapatan sa bawat isa.. Pwede bang mangyari yung ganun or let me say,nangyayari ba un sa totoong buhay? Mahal nyo ang isat isa pero hindi naman kayo... Bkit hindi na lang maging kau kung mahal nyo pla ang isat isa?...ang gulo lang noh,,pero sabi nga na lahat dw ng nangyayari may dahilan,lahat ng desisyon sa buhay ay may pinaghuhugutan,,,at lahat ng pagmamahalan ay may patutunguhan kung marunong tayong maghintay sa tamang panahon...
....

FOREVER in DecemberDonde viven las historias. Descúbrelo ahora