When She Falls

5 1 0
                                        

One shot lang po to. Hope you Enjoy! Vote ❤️

------------

"Clark!" packing tape! Di na naman nya ako pinapansin.

"Clark! Amag ka, humarap ka nga!" footspa talaga! Di pa rin sya humaharap sakin, nakayuko lang sya habang kinakalikot yung phone nya. Simula nung sinabi nya sakin na liligawan nya ako,walanjo! Di nya naman ako pinapansin! Pano ko sya sasagutin?

"Clark! Takte talaga!" Sa sobrang inis ko binatukan ko na sya. Napaka-bastos eh. Kitang kinakausap wala lang siyang paks.

"Aliya Raine naman!? Problema mo? Sakit nun ah!"aba't sya pa may gana magalit ngayon!

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Kala ko ba liligawan mo ko? Aba'y two weeks na akong nag aantay! Asan na yun ligaw mo?" Natawa naman bigla si Clark. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Pigil pigil pa syang tumawa at yumuko ulit para kalikutin yung cellphone nya. Sobra na sya ah!

" COC naman?!" Sigaw ko ulit sakanya.

"Oy! Anong COC? Di ako naglalaro noh. Pataka ka." Medyo inis nyang sabi sakin.

"Anong laro? Shunga ka talaga! Tinatawag kita."

"Ha?"

"Clark Ordoñia Chua. Duhhh. Slow"

"Ahhaha--- bzzzzt bzzzzzt bzzzzt- Hello?" Wtf? What The Fish? Sa pond? Talikuran ba ako? Sino kayang tumawag sa mokong na to?

"Oo start na. 2 mins. Sige, goodluck sainyo... Haha. Ge salamat."

"Sino yun Clark?" Tanong ko sakanya.

"Paks mo?" Sabi nya sabay alis. Iiwan ba nya ako dito? Takte. Parang may kumirot sa dibdib ko tapos parang maluhaluha na ako. Fact naman kasi. First time ko to eh, first time kong magpakapal ng mukha at first time na may manligaw sakin. Kaya masisisi nyo ba ako? May pagka-boyish kasi ako at takot daw mga lalaki sakin. Kaya nung sinabi ni Clark na liligawan nya ako na kahit alam kong impossible nakaramdam ako ng saya kasi nakikita kong tinitingnan nya ako bilang isang babae. Pero kung ganito lang din pala mangyayari sana di nalang ako UMASA. Masakit pala gaya ng sinasabi ng iba.

Unti-unti na ring tumulo ang luha ko, Isa rin ito sa mga first time ko. Ang iyakan ang lalaking di ko naman kadugo. Hayyys. Tumutulo na yung luha ko.

Sa sobrang inis ko hinubad ko ang sapatos ko at ibinato sa ulo ni Clark! Sapul!! Hinawakan nya ang ulo nya at lumingon sa akin. Lumapit naman ako sakanya at tinitigan sya ng masama.

"Napakasama mo Clark! Nakakainis ka!" Sabi ko sakanya habang tumutulo pa rin yung luha ko.

"A-Aliyah----"

"Shut up Clark! Ano ba----"

BOOOM!

Nagulat ako sa narinig kong tunog. Dahil na rin siguro sa reflexes at dahil sa BABAE pa rin ako na marunong matakot at dahil paika ika akong lumakad dahil ayaw kong marumihan ang medyas ko, napayakap ako kay Clark. Nakarinig ako ng mga takbuhan at biglang umingay ang kaninang tahimik na basketball court ng school namin. Hindi rin naman gumagalaw si Clark. He was stiffened.

"W-whats happening Clark?" I asked. Pero di naman sumagot si Clark hinigpitan nya lang ang yakap nya sakin.

BOOOM!

Isang malakas na tunog pa ulit ang pumuno sa lugar. Parang may nagkakarerahan na nga sa dibdib ko eh. Ang bilis ng tibok. Unti unti na rin nawala ang maingay na tunog sa paligid at sa isang minuto ay tumahimik na ang paligid.

"Clark? What's that? Im scared."

"Its ok Aliyah. You can open your eyes." Sa sinabing yan ni Clark ay nawala lahat ng takot ko. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko.

"Oh my!! Waaaahhhh.!" Sigaw ko. Goodness ano to? Naiiyak na ako. Kabog ng kabog dibdib ko, sobrang bilis parang may nagkakarerahan na mga kabayo sa sobrang bilis. Maraming tao ang nakapaligid samin. Yung dalawa may dalang napakalaking teddy bear yung isa may dalang chocolates tas yung iba may mga balloons tas yung iba naman mga cards tapos cardboard. May mga petals din na naglalaglagan mula sa taas ng court. Nakita ko rin yung isa na may dala dalang gong. Kaya pala may biglang parang pumutok kanina kasi ginamit nila yung gong para mapapikit ako at maggawa nila itong surprise. Tumingin ako kay Clark, nakatalikod sya sa akin. Naiiiyak na naman ako gosh. Ang sweet nya.

"C-Clark?" Tawag ko sakanya.

Humarap naman sya sakin, lumuhod sya. May dala dala syang isang rose na green tapos may dandelion pa tapos may tatlong tulips my favorite flowers. Hehe.

"Aliya Raine" sagot nya sakin. Nag-clap naman ng isang beses yung mga estudyante sa likod namin kaya napatingin ako sakanila. Yung mga hawak nilang cardboards hinarap nila sa akin. May note pala nakalagay doon. Napangiti ako. WILL YOU BE MY GIRLFRIEND? Oo yes. Yan ang sagot ko.

"Aliya Raine, will you be----" di ko na pinatapos yung sinabi nya. Excited ako eh.

"Yes. Oo yes. Yes na yes." Niyakap nya ako at hinalikan sa noo.

Sana tama ang desisyon ko. Sabi nga nila walang mangyayari kung hindi mo susubukan diba? Susubukan kong maging good girlfriend sakanya. Gusto ko rin syang makilala ng husto at mas gusto kong makilala ang sarili kasama sya.😍 this will be the start of my story, my story with him. With Clark Ordoñia Chua the first guy who ever wanted to court me inspite of my weirdness and boyishnesss.

When She fallsWhere stories live. Discover now