FIASCO: Prologue

16 3 2
                                        

"Mommy ! Tingnan niyo po ang cute ng aso."

Nasa may kanto kami ng subdivision namin kung saan kakauwi lang namin galing sa mall. Habang naglalakad kami ni mommy ay may sumusunod sa aking aso at mukang may lahi.

"Nasaan ang cute na aso dear Tyra ?"

Nakangiting nagtanong sa akin si mommy. Lumapit ako sa aso at hinawakan ko ang mabalbon niyang balahibo.

"Mommy eto po siya oh pwede ko po ba siyang iuwi?"

Nilaro ko ang aso at nakita kong pinicturan ako ni mommy sa dala niyang digicam. She always bring it whenever na aalis kami. Sabi niya noong 4 years old ako binili niya yon para mapicturan yung mga nakikita ko which is weird kasi naman diba wala namang kakaiba sa nakikita ko.

"No dear Tyra bawal natin iuwi yan kasi baka hinahanap na siya ng amo niya. Halika na umuwi na tayo."

Naglakad na kami sa loob ng subdivision namin. Habang naglalakad nakita ko si Clint na nagtatago sa likod ng isang puno. Tinuro ko kay mommy si Clint at agad niya namang pinicturan. Matagal na itong ginagawa ni mommy pero di ko na siya pinapansin. Si Clint ay kaedad ko lang. Parehas kaming 10 years old and nag-aaral din sa same school.

"Dear Tyra bilisan na natin at baka nag-aalala na si Daddy mo."

Dear Tyra ang tawag sakin ni mommy. Sobrang sweet niya sa akin. Dalawa kaming magkapatid and ako ang bunso.

Kasalukuyan akong nakaupo sa aking kama kasama ang mga nakalatag na mga litrato na kuha ni mommy this past few years. Inaalala ko ang mga pangyayari sa bawat litrato. Sinasalo ng mga photograph ang mainit na likidong pumapatak mula sa aking mga mata.

Hindi ko lubos akalain na hindi ako isang normal na tao. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Matapos sabihin ng aking mga magulang ang kalagayan ko agad akong tumakbo sa loob ng aking kwarto at agad na ikinalat ang mga tinatagong mga litrato na kuha ng nanay ko.

"Anak lumalala na ang sakit mo."

Mangiyak ngiyak na sabi ni Daddy kanina. Hindi nagsisink in sa isip ko kung ano ba talaga ako.

"Kailangan na naming gawin ito. . ."

Hindi ako baliw katulad ng iniisip nila ! Tiningnan ko ang bawat litrato. Laking gulat ko sa mga nakikita ng dalawang mata ko. Alam ko sa sarili ko na totoong nakita ng mata ko ang aso noong papasok kami sa subdivision, pero tanging ako lang ang nasa litrato, nakaluhod at abot tengang ngiti habang hinahawakan ko ang asong gawa ng imahinasyon ko.

Si Clint naman na nagtatago sa likod ng puno. Lalo pang tumulo ang luha ko sapagkat ayon sa mga magulang ko naaksidente si Clint at noong panahong iyon ay nasa ibang bansa na siya. Marahan kong tinitigan ang litrato at ang tanging nandoon lamang ay ang puno, wala si Clint doon.

Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang buhay ko ngayon. Bakit ngayon lang pinaalam sa akin ng mga magulang ko? 5 years na nila itong alam pero ngayon lang nila ito sinabi.

Humiga ako sa aking kama, ipinikit ang aking mga mata ngunit patuloy pa rin ang agos ng aking luha. Sa ganoong kalagayan ay nakatulog ako.

Sa aking paggising hindi parin mawala ang sakit na aking nararamdaman. Hindi ko na alam ang katotohanan. Basta ang alam ko lang ang pamilya ko ang tanging hindi delusyon. Sa kanila lamang ako sigurado.

Naririnig ko na ang yabag na mula sa hagdan at alam ko kung sino sila. Mga nars mula sa isang hospital, isang mental hospital. May Schizophrenia ako.

[a/n: Inspired ako ngayon mga ka-buddy ! Nakuha ko itong idea na ito sa Made You Up na libro by Francesca Zappia but asahan niyo po ibang-iba ito ! Basahin niyo po yung libro maganda iyon ~]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FIASCOWhere stories live. Discover now