Sabi Niya

5 0 0
                                        

Sabi niya, di niya ako iiwan








Sabi niya, lagi lang siyang nandyan.







Sabi niya, papasayahin niya ako.






Sabi niya, di niya ako paiiyakin.





Sabi niya, mahal niya ako.

































Sabi niya, ako lang.



























Lahat nang yon sinabi niya sakin.

Naalala ko pa noon nung nililigawan pa lang niya ako, pinaparamdam niya talaga sakin kung gano niya ako kamahal.

Naalala ko pa noon kung paano siya nagtatatalon sa tuwa nung sinagot ko siya.

Naalala ko pa yung una naming date.

Naalala ko pa yung first kiss namin

Naalala ko pa yung kung paano siya nag-effort kasi first monthsary na namin.


Naalala ko pa noon ang lahat ng sinabi niya sakin.




Tila nakalimutan ko kung paano maglakad. Hindi ko magawang lumayo sa lugar na to. Hindi ko maialis ang mata ko sa dalawang taong nasa harapan ko, at pilit na dinadigest na ang boyfriend ko





















May kahalikang iba.















Ang tanga-tanga ko. Di ba ang ibang babae, kapag nakita nila ang boyfriend nila na may kahalikang iba, sinusugod at sasabihing "ang kapal ng mukha mo't nagawa mo pang maghanap ng iba." o iba pa at ang masaklap pa ay nag tatapos din naman sa "break na tayo."

Pero bakit ganon? Bakit hanggang ngayon pinanghahawakan ko pa rin ang lahat ng sinabi niya? Bakit ganon umaasa pa rin ako na sasabihin niyang "mali ang iniisip mo." "Ikaw lang naman ang mahal ko eh." "Let me explain." o kung ano pa basta ba bumalik lang siya sakin. Basta ba mag sorry lang siya okay na ako.








Ang tanga tanga ko diba?









Nagulat nalang ako nang tumingin siya sakin. Pero ang mas na nakapagpagulat sa akin
















nginisian niya lang ako at muling hinalikan ang babae.








Ang sakit. Ang sakit sakit.





Ganon ganon na lang ba yon?







Hanggang dun na lang ba?










Dito na lang ba matatapos ng lahat?



















Sabi Niya (ONE SHOT)Stories to obsess over. Discover now