Marahan niyang sinuklay ang buhok ko habang naririnig sa buong silid ang walang katapusan kong paghikbi.

I want this pain to stop. I badly want to forget.

He started humming a song, a tune that's unfamiliar to me. Lagi niya itong ginagawa tuwing pinapakalma ako, tuwing sa mga sitwasyong ganito, pero sa pagkakataong ito ay hindi ko magawang kumalma, iba na ang sitwasyon ngayon.

Lalo lang lumakas ang pag iyak ko sa ginagawa niya, wala ng pakialam kung maririnig pa ako nila ama. Wala ng pakialam sa paligid, ang gusto na ko lang gawin ay ilabas ang lahat ng emosyong pinilit kong itago ng isang linggo.

Do I deserve this life? Do I deserve to suffer? To end up like this? To get mistreated?

Maybe this is my fault this time. Ang tanga-tanga lang. How can you be so stupid Lucy? How can you trust that man so naively? Ang tanga mo!

"Hush now baby. Everything will be fine, everything will be fine now."

Sunod-sunod akong tumango sa sinabi niya kahit na may pagdududa na akong magiging maayos pa ang lahat.

Lalo lang lumakas muli ang pagiyak ko. Sinisisi ang sarili sa nangyari, iniisip kung anong magiging reaksyon niya sa nangyari, iniisip ang mga mangyayari pagkatapos nito at higit sa lahat, natatakot, natatakot na baka mag bunga ang nangyari.

I can't take that....

"You can tell me what happened, I'll listen." bulong niya.

Kaya ko ba? Hindi...

"A-ayos lang ako... s-simpleng problema lang." halos walang boses ko ng saad, pinipilit kompletuhin ang mga salita sa gitna ng mga hikbi.

Alam kong hindi siya maniniwalang ayos lang ako. He won't buy it. Alam niyang may maling nangyayari pero hindi ko kayang sabihin sa kanya. Hindi ko kaya... The words won't even come out to my mouth.

Naramdaman ko ang marahang pagtango niya.

"Maghihintay ako hanggang sa maging handa ka ng sabihin sa akin ang lahat."

Wala na akong naisagot pa kundi tango na lang. Pagod na ako, pagod na pagod na.



"Mahal? Ayos ka lang ba? Namumutla ka."

Napalingon ako kay Mark Marru na may hawak na kahon. Nandito kami ngayon sa silid ko, nililinis namin ang buong kwarto dahil utos ni ina sa'kin, saktong bumisita siya kaya tinulungan na niya ako.

Hay nako, kakalinis ko lang nitong kwarto noong nakaraang araw tapos ito na naman ako naglilinis. Hindi ko talaga makita yung sinasabi ni ina na mga dumi sa kwarto.

Ngumiti ako sa kanya. "Maayos lang ang pakiramdam ko."

Ilang sandaling nanatili ang mga mata niya sa'kin na tila sinusubukan akong basahin.

"Natural lang ang pamumutla ko kasi kulang ako sa dugo." paninigurado ko sa kanya at sinundan ng ngiti.

Isang buwan na ang lumipas simula noong mangyari ang araw na iyon. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nagawang sabihin sa kanya kung anong nangyari, hanggang ngayon takot pa rin ako kaya nanatiling lihim parin ang nangyari hanggang ngayon.

Sa isang buwang lumipas ay ni kailanman ay hindi ko natagpuan ang sarili kong payapa, nag iwan ng matinding takot sa'kin ang nangyari, tuwing na lang gabi ay binabangugot ako. Wala akong mapagsabihan dahil walang nakakaalam, sinusubukan kong maging matatag sa harapan ng lahat kahit unti-unti na akong nawawasak sa loob ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin to, lalo na ngayong nagkatotoo ang kinakatakutan ko...

Tale Of Lucy NakaharaWhere stories live. Discover now