Napagigtad ako nang maramdaman ko ang hawak niya sa balot ng kumot kong braso.

Kahit na kilala ko siya ay kinain pa rin ako ng takot, takot na baka maulit na naman ang nangyari noong araw na iyon.

Mabalis kong iwinaksi ang kamay niya at pilit na umaatras at nagsisimulang magwala sa takot. Pilit na inaalis at winawaksi ang kanyang kamay, sumisigaw na para bang ito na ang huling araw ko, mga luhang mistulang ilog kung umagos, wala na akong makita dahil sa mga luha, wala na akong marinig kundi ang sigaw ko, wala na akong maisip gawin kundi ang lumayo sa gustong humawak sa'kin at balutin ang sarili.

"Lucy! Lucy! Mahal ako to! It's me Mark Marru! Hey babe calm down it's me!"

"Anong nangyayari sayo? Lucy kumalma ka parang awa mo na!"

Paulit-ulit kong naririnig ang sigaw niya, na siya si Mark Marru, ang paulit-ulit niyang tanong kung anong nangyayari sa'kin. Pauulit-ulit na parang sirang plaka na sinasabayan ng sigaw at iyak ko at mga salitang namutawi sa bibig ko noong araw na yun.

Paulit-ulit na paghingi ng tulong, pag mamakaawa.

"Layuan mo ko! Tulong! Parang awa niyo na tulungan niyo ako!"

Napapaso na ako kakasigaw, nababasag na ang boses ko dahil sa mga hikbi, wala ng makita kundi dilim, wala ng ibang maramdaman kundi takot.

"Lucy ako to!"

Hindi ko alam kung ilang minuto akong sumisigaw, natigil lang nang mapagod na, nang mawalan na ng boses kakasigaw. Huminto na ako sa kakapiglas, wala ng lakas, pagod na.

"Ako to, ako to. Lucy anong nangyari?! Babe please tell me. Nagaalala na ako sayo."

Naramdaman ko ang dalawang mainit na palad na kinukulong ang mukha ko, pilit na hinaharap sa kung sino man ang may ari nito.

I want to resist and scream again for help but I just can't find my strength anymore. Para nalang akong lantang gulay na nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader. Isang kandilang upos na.

"Anong nangyari sayo? Anong nangyari?" bakas sa boses ng lalaki ang pag aalala. Napatitig ako sa kanya, ilang segundo pa ang lumipas at nakita ko na kung sino ang nasa harapan ko.

I saw a man looking at me genuinely worried, nababasa ang pisngi niya dahil sa mga luhang umaagos mula sa asul at berde niyang mata. Nakaluhod siya sa harapan ko, pinapantayan ang aking lebel habang ang dalawang kamay at nasa aking magkabilang pisngi.

Walang awat sa pag agos ang aking mga luha lalo na ng makita ko siya. Ang mga impit na hikbing pilit na kumakawala ay nagsimula nang mag ingay. Ang malakas na pagiyak na isang linggong gustong kumawala ay kumawala na.

Unti-unting remihistro sa akin ang nangyayari. Ang lalaking nasa harapan ko, nandito na siya.

"What happened? Hmm? Tell me." puno ng pag aalala ang boses niya habang may mga luhang umaagos sa kanyang pisngi.

Ano nga ba ang nangyari? Kaya ko bang sabihin?

Hindi....

"Lucy..."

Tinanggal ko ang dalawaang kamay niya sa pisngi ko at muling isiniksik ang sarili sa sulok, pilit na inilalayo ang sarili sa kanya. Nakita niya ang ginawa ko kaya lumapit siya at hinila ako para yakapin.

"Sabihin mo naman sa'kin kung anong nangyayari sayo. Nag-aalala na ako."

Hinigpitan niya ang kanyang yakap habang pilit ko siyang tinutulak palayo.

"Umalis ka na." halos bulong kong saad.

"Hindi, dito lang ako."

Ilang beses ko siyang pinagtulakan pero hindi siya natitinag hanggang sa napagod na lang ako sa pagtulak sa kanya palayo.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon