Napatitig ako sa gawi ni Marru, I smiled at him. You're done jerk. Pag nahanap ko si Marru, tumba ka na.

"I'm really sorry." pekeng sabi ko kay Marru, sa pekeng Marru.

"I'm just trying to play mind games with you." dagdag ko pa.

"Nagsisi na ako sa ginawa ko. I'm sorry."

Lahat sila napatingin sa amin ni Marru. Marru smiled afterwards.

"I know that you're just blinded by your anger. You're already forgiven Lucy, as long as you repent from your mistakes, then we're fine." nakangiti niya sabi, I smiled back.

I let you slide for now.

Nag inat ako ng katawan bago sila harapin ulit.

"Ilang araw akong walang malay?"

"Halos isang linggo din. Tangina mo akala namin talaga nila Eos mamatay ka na!" puno ng pag aalalang sigaw ni Chaerin.

"Lakas ng iyak niya noong ginagamot ka." komento ni Aaron. Nilingon ko si Chaerin at bigla kong naalala ang reaksyon niya bago ako pumasok sa loob ng kulungan.

"Sabi ko naman sayo eh, wala kang kaibigang ililibing." natatawa kong sabi, hinampas naman niya ako ng unan.

"Sila Eos?"

"Nasa dorm, nasabihan ko na sila na gising ka na." sagot ni Chaerin.

Nilapag ni Annya ang isang paper bag sa harapan ko.

"Get dress Lucy, release na ng ranking mamaya."

I stared at the huge hologram screen in front of us and like the usual, crowded ang buong Felix Hall dito sa East Wing ng campus. Nakatayo ako katabi si Tiffany at Ivan habang nasa likuran ko naman si Chaerin kasama sila Yurika, nasa harapan naman namin ang gang nila Dara kasama sila Annya.

Blanko lang akong nakatitig sa list ng studyanteng nasa top 10 ng 4th year. Maingay ang buong paligid, lahat ng year level ay nandito ngayon sa loob ng hall. Naging tradisyon na rin yata ang pustahan nila kung pangilang rank kaming mga royalties, kaya every ranking saamin ang pinaka inaabangan.

I inhaled sharply. From 3rd rank he went down to 7th. Annya remained 2nd, Mirko ranked 3rd, Ivan placed in 4th, Tiffany in 5th, Cyrus in 6th, then the great pretender ranked 7th and Yurika ranked 8th then the rest is our classmates.

Dude, this impostor is too dumb to play as Marru. Paanong hindi nila to napapansin?

"Nag spaghetti pababa si Marru." bulong ni Chaerin mula sa likuran ko, siniko ko siya. Yabang palibhasa nag ranked 20 ang gaga.

Isa-isa ng nagsilabasan ang mga studyante dito sa Felix Hall. Lahat pupunta mamaya sa Caster Hall kung saan palaging ginaganap ang pa despidida. Alas otso na ng gabi at mamayang 9 mag sisimula ang party. This is the only time that the school let us go wasted, pero dapat sa loob lang ng premises ng buong West Wing, may 5-day rest day din kami bago mag start ulit ang klase.

"Pupunta kayo sa pa despida?" tanong ni Aaron na ngayon ay hawak na ang kamay ni Aanya.

Pasimple kong nilingon si Mirko na ngayon ay sa ibang direksyon nakatingin. Tagu-taguan maliwanag ang buwan.

Nakatayo lang kami sa tapat ng main hall ng East Wing. Maraming mga studyante sa paligid, ang iba papaalis na at ang iba naman ay papalabas pa lang ng hall.

"Pupunta kami." dagdag pa niya, nag sang-ayunan naman silang lahat maliban sakin.

"Magpapahinga na lang muna ako." sabi ko sakanila na agad nilang ikinatango.

"Yeah you should take a rest." napataas ang kilay ko sa sinabi ni Eveyth, she sounded so concerned.... Whatever.

"Uuwi ba kayo bukas?" tanong ko sakanila. Sa tuwing rest day ay umuuwi karamihan ang mga studyante sa kani-kanilang mga distrito, last month umuwi kaming buong tropa.

"Yeah, mom wants me to go home." sagot ni Yurika.

"Ako din, nagsasawa na ako dito sa Academy." saad ni Ivan, they all agreed even me. Si Tiffany pinapauwi din, si Annya naman na miss na niya daw yung parents niya, same reasons sa gang ni Dara at sa iba pa.

"Ikaw Chaerin?" tanong ko. Sa aming lahat siya ang hindi umuuwi tuwing rest day, maliban lang noong last month. Ulila na kasi siya at nakikitira lang siya ngayon sa isang kakilala niya.

"Yeah, may aasikasuhin lang ako."

Dahan-dahan akong napatango.

"Ikaw?" tanong ko kay Marru.

"I'm sure nag aalala ang hari at reyna sayo ngayon." dagdag ko pa. Tumango siya.

"Uuwi din ako, pero hindi ako dideretso sa palasyo."

Takot mo lang mahuli.

I sighed. Mukhang lahat ulit uuwi.

"You should all go now." pagtataboy ko sakanila. Inalok pa ako ni Chaerin na samahan ako papuntang dorm pero tinanggihan ko ito. Alam ko namang gustong-gusto na niyang pumunta doon sa pa despidida eh, it's not just a normal despidida party.

It has a bittersweet vibe at first pero pag patak ng alas dose, wild na ang lahat ng mga studyante— mga lasing na, it either they are celebrating or mourning.

We said our goodbyes before we parted ways. Nagsimula na akong maglakad papalayo pero maya-maya ay huminto ako para lingunin sila. I saw them walking away to the opposite direction, pinanood ko lang sila hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko.

I'm not actually planning to take a rest, maghahanda ako para bukas. I'm planning to trespass the enemy's lair tomorrow. 

Tale Of Lucy NakaharaWhere stories live. Discover now