"Papa Mirko naman mesheket!" pabebeng niyang sigaw, mimicking Eveyth.

"Saya pala maging parte ng section niyo no?" puno ng pang aasar na sabi ni Chaerin, kung hindi siya mukhang bored minsan ay ganito naman siya— mapang asar.

"Araw-araw nag tataguan ng nararamdaman tapos kayong dalawa ang taya." sabi niya at tinuro kaming dalawa ni Mirko.

"Anong nag tataguan? Nag aagawan kamo." Pagtatama ni Juluis kay Chaerin at nag apir pa sila.

Napaatras silang dalawa nang ambahan ko sila ng suntok.

"Plot twist ng laro, sila mag kakatuluyan." dagdag ni Juluis at tinuro kami ni Mirko bago tumakbo papalayo samin.

"No to MaCy yes to MiCy." sinundan naman ng kantyaw ni Chaerin ang sinabi ni Juluis.

I looked at her with disgust.

"Ewan ko sainyo." naasar na sabi ni Mirko at naglakad na papunta sa upuan niya.

"Loyal yan." sabi ko. Chaerin snorted.

"Sana si Marru din no? Ano palagi niyang sinasabi sayo Lucy? I will always be here?" nang aasar na tanong sakin ni Chaerin na sinundan niya ng mapang asar na tawa.

Tinitigan ko ng masama siya ng masama.

Bakit ko nga ba naisipang ikwento sakanya ang tungkol samin ni Marru? Now I'm fucking regretting it. Every time na inaasar niya ako ay lagi niyang binabato ang mga pinangako ni Marru sakin dati na ngayon ay nakapako na sa kahoy.

"Nandyan parin naman siya Lucy... hindi na nga lang sa tabi mo kundi sa tabi na ni Eveyth."

"Tuluyan ng kinain ni bakunawa ang buwan mo." dagdag pa niya. Wala sa sarili akong napatingin sa gawi nila Marru at Eveyth na ngayon ay masayang nag uusap. Parang dati lang ako ang nginingitian niya, ngayon iba na.

Tangina mo Hasherine sagad sa balunbalunan ni Eveyth.

"You're just in denial to your feelings Lucy. Hindi mo tanggap na nasasaktan ka, hindi mo tanggap na pinagpalit ka na. You fell and he didn't even move a muscle to catch you."




Nakatitig lang ako sa repleksyon ko sa salamin habang hinahayaang tumutulo ang mga butil ng tubig sa mukha ko na gawa ng pag hilamos. Padabog kong binuksan ang faucet at nag hilamos ulit, nagba-bakasakaling mahimasmasan ako sa nararamdaman ko ngayon.

Pagkatapos sabihin sakin ni Chaerin yun ay umalis na ako sa room at dumeretso sa comfort room sa dulo ng floor. Her words pierced directly to my heart, it was bull's eye. Tagos hanggang buto ko ang sinabi niya.

In denial ba ako? Hindi ko ba tanggap na nasasaktan ako kaya ako naiinis? Muli kong tinitigan ang repleksyon ko sa salamin. Sinalubong ko ang mga titig ko na puno-puno ng emosyon— pagkalito, sakit, inis...

I know deep inside there's something wrong to Marru. Hindi na siya tulad ng dati, hindi ko alam kung dahil ba kay Eveyth o sadyang nag iba lang talaga siya simula nang makabalik kami dito. Ang laki ng pinagbago niya na mukhang ako lang ang nakapansin.

Gone those green eyes of him, wala akong nararamdamang familiarity sakanya, ni hindi nga tumitibok ng mabilis ang puso ko pag nandyan siya eh hindi tulad ng dati.

I don't know what's wrong with me to feel this way. Mariin akong napapikit. Sa loob ng halos dalawang buwan, my mind is in chaos same goes to my emotions and feelings towards Marru. I'm sure that I love him pero hindi ko alam kung bakit ganito ang puso ko ngayon pag dating sakanya, na para bang hindi siya kilala.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon