"Si Tiffany?" tanong ko nang mapansin na wala na si Tiffany sa tabi ni Annya. Napatingin ako sa pintuan pero di ko na siya mahanap. Napatingin naman sakin si Annya at maya-maya ay inikot niya ang tingin niya sa buong classroom para hanapin ang nawawala na naman naming kaiban.

"Looks like she's gone again." sabi niya at sinukbit sa balikat ang kanyang bag saka kinuha ang payong niya sa dulo ng room.

"Let's go." aya ko, baka nauna na si Tiffany.  Tingnan mo yung isang yun wala pa ngang jowa pero iniiwan na kami ni Annya.

Paglabas namin ay sumalubong samin ang mga ingay ng mga estudyante na may kanya-kanyang buhay. Sana, sana tahimik lang tong araw na to. Pagdating namin ni Annya sa susunod na klase ay sumalubong samin ang tahimik na classroom.

"Tiff!" tawag ni Annya kay Tiffany na nakatayo sa bintana at may binabasa sa isang papel na agad niyang ibinulsa nang makita kami. Nakatanggap na naman yata ng love letter ang bruha.

"Nasaan ang iba?" tanong ko.

"Pinaalis ko na." sagot niya.

"Why?"

"Wala si Mr. Vega." sagot niya at tumingin kay Annya na tumagal ng ilang segundo. I snapped my fingers in front of their faces nang tumagal ang titigan nila.

"Stop making romance in front of my face." 

Napangiwi sila sa sinabi ko.

"You're disgusting." puno ng pagkadisgustong saad ni Annya at tinawanan ko lang siya.

"Cafeteria?" yaya ni Tiffany. Tumango ako.

"Tara, gutom na rin ako." sabi ko.

"You're always hungry Lucy." saad ni Annya at tumawa habang papalabas na kami ng room. I'm not Lucy if I'm not always hungry.

Pagkadating namin ay naamoy ko kaagad ang masarap na amoy ng mga donuts. Oh this is heaven. Agad ko silang hinila sa stall ni Aling Tesing.

"Hanap na ako ng mauupuan." sabi ni Annya at umalis na.

"Pasabay ako ng fries at pineapple juice kung walang pineapple coffee jelly nalang." sabi ko kay Tiffany at inabot ang pera habang naghihintay sa pila, kinuha naman niya ito at pumunta sa kabilang stalls.



"Blockbuster yung pila mga teh." reklamo ko pagkaupo ko sa upuan katapat sila Annya at Tiffany.

"Thank you!" masaya kong saad nang iabot ni Tiffany ang large fries at pineapple juice.

"Anong plano niyo sa event?"

"Ewan, wala pa namang na pag meetingan eh." sagot ni Tiffany kay Annya habang ngumunguya ng burger.

"Basta sa backstage kami ni Annya." sagot ko.

"Gaga sa stage lights ka, ikaw yung spotter kaya sa tech ka pwe-pwesto." 

Pinanlakihan ko ng mata si Tiffany. Ayoko sa tech, maiirita lang ako kasi walang kwenta ang direktor namin. Saka anong spotter? Ang hirap-hirap kontrolin ng spotligth tapos ang bigat pa.

"Eh siya?" turo ko kay Annya na umiinom ng palamig. "Hoy Annya samahan mo ko!" 

Sasagot na sana siya nang magsalita ulit si Tiffany.

"Stage manager yan." 

Binaba ko ang hawak kong pagkain at pinandilatan si Tiffany.

"Gago kayo nilagay niyo ko sa spotter eh ang bigat bigat ng spotlight sa theatre."

Tale Of Lucy NakaharaWhere stories live. Discover now