"Say present if you're here." she said in a monotone voice.

"Present." agad kong saad. Tinaasan niya ako ng kilay at saglit binaba ang hawak niyang attendance sheet.

"Are you with us Ms. Sandoval?" she asked.

"Yes maam." sagot ko at umupo ng maayos.

"Looks like you're not." sabi niya at nagpatuloy sa pagtawag ng mga pangalan ng kaklase ko.

"You've been spacing out for 20 minutes. Are you okay?" tanong ni Tiffany na nakaupo na sa pwesto niya sa likuran ko. Tumango nalang ako bilang sagot. Sorry na, banggag lang kakaabang ng class suspension.

"Lumabas na ang resulta ng exam niyo at binabati kita Miss Sandoval, you got the highest score, again." bati sakin ni Miss Bloom at ngumiti.

It's a fake smile. I know, she's not happy because her 'pet' failed to get the high score and that's the reason why we don't like her. She has her favorites, palagi niya kaming kinokompara sa iba niyang klase at dinidiskrimina tapos malakas pang mambagsak kahit di deserve ng studyante ang bumagsak, inconsiderate pa minsan.

Minsan talaga di mawawala ang mga ganitong prof. Matanda, mataba at pantay ang dede sa malaking tiyan tapos malakas pang mang bagsak kahit di naman nagtuturo at nag papasulat ng nag papasulat lang. Hindi naman sa nilalahat ko ang mga ganitong teacher pero kasi kadalasan lahat sila ganoon eh, tulad nalang ni Miss Bloom.

"Lucy." napatingin ako kay Annya na nakaupo sa tabi ni Tiffany.

"Punta tayo mall." nakangiting sabi niya. Awtomatiko namang napataas ang kilay ko.

"Mall?"

"Yes." sagot niya.

"Gagala ka sa gitna ng bagyo, high ka ba?" di makapaniwalang tanong ko. Nasobrahan yata sa kape ang gaga.

"Nako mahirap makahanap ng masasakyan ngayon." bulong ng katabi ko. Nilingon naman siya ni Annya at tinaasan ng kilay.

"Kasama ka sa usapan?" mataray na tanong niya sa katabi ko at inirapan ito saka tumingin sakin at ngumiti.

"Sige na Lucy pumayag ka na. May pupuntahan lang tayo sa mall."

"But Annya—"

"Please?" she asked in a pleading tone. I sighed.

I will do everything to get what I want, damn that's Annya's motto in life.

"Bumabaha." sagot ko na parang sapat na yun para tumigil na siya.

"Edi lumangoy tayo duh. Sige na." pag pupumilit niya at niyu-yugyog pa ang balikat ko. Kahit kailan talaga ang kulit niya. Huminga ako ng malalim saka humarap ng maayos sakanya.

"Hindi kita titigilan hangga't di ka pumapayag." sabi niya pa.

"Oo na, oo na." napilitan kong sagot.

"Yes!" masayang bulong niya, napatingin naman ako kay Tiffany na nag kibit balikat lang. Napabuntong hininga nalang ako bago umaayos ng upo.

"Next month na yung event kaya maghanda na kayo." anunsyo ni Miss Bloom, pertaining to our school event na kami ang maghahandle.

Napakunot ang noo ko. Next month? Sa August pa yun ah. Napatingin ako sa katabi ko.

"Anong month na ba?" takang tanong ko.

"July." maikli niyang sagot habang nagsusulat sa notebook niya.

July na pala?! Agad-agad? Ang bilis naman, parang kahapon June lang ah.

Nagpaalam na si Ms. Bloom samin after niya mag pasulat, pag kalabas na pag kalabas niya ay isa-isa nang nag sitayuan ang mga kaklase ko para lumipat sa kabilang room para sa next subject namin. Kinuha ko na ang bag ko at hinarap sila Annya.

Tale Of Lucy NakaharaWhere stories live. Discover now