"Si Tiffany?" hanap ko sa isa naming kaibigan. Nauna siya saking pumasok pero lumabas kanina kasi may aayusin lang daw siya pero pustahan namamalengke lang yun sa tabi tabi. Ang dami daw kasing papi. Baklitang yun kumekerengkeng na naman.

"Annya si Tiffany?" tanong ko ulit, nagbabakasakali na baka nakasalubong niya sa hallway habang papunta siya dito sa classroom.

Napatingin ako sa pintuan nang unti-unting nagsipasukan ang mga ka-klase namin na basang basa din at may kanya-kanyang mga payong na dala.

"Lucy anong sabi ni maam?" tanong ni Kael na may dalang cup noodles na umuusok pa sa init.

"Babalik siya after 15 minutes." sabi ko at binalik ang tingin kay Annya na tulala sa bintana. Anyare dito?

"Annya!" sigaw ko na ikinagulat niya.

"What?" gulat na tanong niya sakin.

"Si Tiffany?"

"Tiffany?" takang tanong niya na parang lutang na lutang. Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Ginawa mo na naman bang pampatulog ang kape?" tanong ko. Bruhang to sabaw.

Mas lalong dumami ang mga guhit na linya sa noo niya.

"Hello bitches!" sigaw ng isang babaeng naka itim na jacket na may malawak na ngiti na kala mo nanalo sa pasugalan sa tabi-tabi.

"Tiffany ang ingay mo." komento ng bakla naming kaklase.

"Ayan oh, speaking of." sabi ni Annya at tinuro si Tiffany na naglalakad papalapit samin.

"San ka galing?" tanong ko nang makaupo na siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Diyan lang sa labas." balewang sagot niya.

"Namalengke?"

"No. Hindi ah." depensa niya.

"Ninna Tiffany Lee, kwento mo sa pagong." pakanta kong sabi sakanya at mahina akong napatawa nang irapan niya ako. She's always defensive like this. 

Muling umihip ang hangin na siyang umagaw ng atensyon ko. Agad namang isinara ng mga ka-klase ko ang bintana para hindi makapasok ang ulan na sumasabay sa sayaw ng malakas  hangin.

Dalawang linggo ng umuulan. Bumabaha na't lahat lahat ayaw paring mag suspende ng klase ang paaralan. Matira matibay.

Muli na namang umihip ang malakas na hangin at tinangay ang mga maliliit na sanga at dahon mula sa mga nag lalakihang puno sa labas ng paaralan. Mula sa dito taas ay nakikita ko ang mga studyante sa baba na tumatakbo sa iba't ibang direksyon habang nililipad ng hangin ang kanilang mga payong at kapote. Hindi ko alam kung anong klase ng katol ang nahit-hit ng  mayor namin at hindi siya nag suspend ng pasok. Survival of the fittest nalang kami palagi tuwing may bagyo. Wala man lang bang kunting emphaty diyan? Awa lang para sa mga studyanteng malalayo ang bahay.

"Wala na bang pag asa mag suspend ng klase?" tanong ng kaklase ko na nakaupo sa likuran ko.

"Wag ka ng umasa, napasarap na tulog ni mayor." sagot ko sakanya.

"Hindi nga nag suspend morning classes eh, afternoon pa kaya." komento naman ni Tiffany na nag c-cellphone sa tabi ko. Napatango naman ako sa sinabi niya at muling pinagmasdan ang labas. Ang aga kong nagising kanina para mag abang ng class suspension kaso wala talaga. Tumambay pa ako sa group page ng lugar namin pero puro mga reklamo ng magulang at studyante lang ang nababasa ko at ang #mayklase.

Anong bagyo bagyo tuloy ang klase hala langgoy!

"Lucy Clareyan Sandoval." napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Si Ms. Bloom. Napalingon ako sa buong klase, lahat na pala nakatingin sakin. Ah, bakit?

Tale Of Lucy NakaharaWhere stories live. Discover now