Prologue

5 0 0
                                        

2 years ago..

Ella's POV

Dumaan muna kami ng Mcdo dito sa may Mendiola before going home at before ako makababa ng car nagtext si JK sakin.

*text message*

JK 

Baby nakausap ko na sila mommy...

So... Ngayon ko na malalaman kung tutuloy ba siya sa states or not. Omygosh mixed emotions.

There's a part in me na excited to know na hindi siya matutuloy sa states kase he told me na napagusapan nila ng parents niya in case he'll stay in Manila dun muna siya sa Tita niya and there's a part in me that I'm afraid sa possibility of a long distance relationship at kung paano magiging set up namin due to different time zones. 

*text message*

Me

O babe kamusta? Tuloy kayo? :)

Ang tagal magreply!! Nakapagorder na ako lahat wa padin reply! Di na ako nakatiis kaya sinabi ko kay mommy na magCR muna ako.

Pagdating ko ng CR pumasok ako ng girl's bathroom at tinawagan si JK.

*Calling JK*

"Hello babe.." sa tono pa lang ng boses niya nakakaramdam na ako but I wanted to light up the mood kaya "Babe!! Kamusta? Anyare na? Tuloy kayo 'no?" Gusto ko iparamdam sakanya na whatever happens kakayanin namin. I don't want to make it hard for him.

"Uhm... Babe tinry ko naman eh.." Rinig ko yung sadness sa boses niya that made me sad even more. "Humanap ako ng magandang timing kagabi.. Nung nakita ko si mommy at daddy sa sala dun ko na sila kinausap." "Tapos anong nangyare?" sabi ko trying to sound fine pero deep inside habang nagstastart siya magkwento bawat bagsak ng salita unti unti din akong binibiyak. Sakit ha!

"Tinanong ko si daddy kung tuloy kami sa states.. sabi niya oo daw. Di ko alam kung ano mararamdaman ko..." Neither do I JK.. Neither do I.

I'm aware of it nanliligaw pa lang siya. Back then I knew this would be a very complicated situation that we will soon encounter but it didn't stop me from going into this relationship. Tahimik lang akong nakikinig sakaniya "Sabi ni dad na pagbigyan ko naman daw siya dahil first time magkakasama-sama kami buong pamilya at isang taon lang naman daw ako magstay dun. Pag college edi bumalik ako sa Pinas if I want. Pero I insist na kung sana pwede akong maiwan na lang dito.. Ang hirap andito lahat ng kaibigan ko.. pati ikaw. Pwede naman ako magstay kela tita Marsha kase yun dapat yung plano before dad have decided. Tapos ayun si mommy..." "Anong meron kay tita?" Nung tinanong ko yan hindi siya sumagot.

"Uy babe.. Anong meron? Hahaha" trying to laugh even though I sense something not good at all. "Wala nevermind. uhm bab--" Alam ko na he's trying t change the topic "JK ano?" Demand rather than asking a question. "Huy babe.. tell me. It's fine."

"Wag na.. Di naman importante" "Weh.. Kahit hindi importante gusto kong malaman." "Uhm babe kase...." "Kase ano?" JK for pete's sake wag mo 'ko ipacurious lalo nakakabaliw!!!

"Kase..... Akala ni mommy pinipigilan mo 'ko" Huh? Paano at kelan nangyare yun.. Wala akong matandaan? But I kept silent. "Pero of course I defended you kase alam ko naman never mong ginawa yun at mali yung iniisip nila sayo.. Babe ayokong umalis.. Ayaw kitang iwan. Sabi ni dad naiintindihan nila ako pero si mommy... Nagtampo yata. Sabi niya if magpumilit pa ako magstay.. Yes I'll stay pero gagawa daw siya ng way na mapaglayo tayo. I dont want that to happen.. Babe i don't have a choice." Grabe. Just.. ayun grabe lang masasabi ko.

I'm not totally hurt of the idea na aalis siya pero yung idea na iniisip ng famiy niya sakin. Sa buong relationship namin it never occur na pigilan siyang umalis. Yes it hurts but I do understand. Yung totoo nga nagiisip na ako ng pwede namin set up. What time kami makakapagusap kung facetime ba, wechat or viber. But it all went down kasabay ng luha ko.

Before this happened... Balak ko na talagang istop yung kami... Kase yung totoo I can't feel the flame, the spark between us. But I dare to hold on... Kase baka meron pa, baka kaya pang mabalik sa dati yung nararamdaman ko. Ganon naman sa lahat ng relasyon.. Dadating at dadating sa point na aayaw ka, or magsasawa but it doesn't mean di mo mahal yung tao. Pero kung totoong mahal mo you'll find a way to give power to that flame once again. 

Pero hindi... Mahina ako. Immature. Mas pinairal ko yung idea na natapakan yung ego ko rather than yung idea na pinaglaban niya ako. 

Nagkarason ako lalo na bumitaw na lang kesa ipaglaban kami. 

"I never thought na magkakaroon ako ng MMK moment 'no. And 2nd year high school pa lang ako nun malamang immature. Lahat naman diba?" Kwento ko sakanila. 


2 years ago...

Philip's POV

Binibilisan ko na magbihis dahil kakatapos lang ng training at kelangan ko na sunduin yung girlfriend ko sa may Starbucks at baka magtantrums nanaman yun! Mahirap kaya sumuyo ng babae! Pero mahal ko 'to eh!

Naglalakad na ako palabas ng school ng bigla siyang nagtext sakin. We need to talk daw. Yes! Mukang makikipagbati na siya sakin. Magkaaway kase kami ngayon malamang cold kaya naiintindihan ko naman. 

Pumasok na ako sa loob ng Starbucks. Lumapit ako sa kinaroroonan niya at kiniss siya sa forehead bago ako umupo "Babe" Mukang di padin okay tong baby ko. Hay nakakalungkot naman.. Tinry kong maglambing sakaniya baka mawala yung inis niya.

Inakbayan ko tapos sumandal sa balikat niya pero agad-agad naman niyang tinanggal. Nako po galit padin! "Baby.. Sorry na. Ayoko na po makipagaway please!" Nagpacute pa ako malay mo umepekto diba. Kahit magmuka akong tanga basta para sa mahal ko woo!

"Phil tama na." "Sorry na.." "Tumigil ka na sa kakasorry please. Wala kang kasalanan. Ako.. Ako may problema" Bakit ganon.. Parang may mali?

"Kami.... Si Kent" "Di ko kilala yung gagong Kent na yan. Rina kelan pa?" Tangina seryoso ba to? Fck ang sakit.

"Phil I'm so sorry..." Nakita kong tumulo yung luhang kanina pa namumuo sa gilid ng mata niya. Gusto ko mang punasan.. Di ako makagalaw. The pain made me feel numb. "Rina.. Kelan pa?" Pinipigian ko yung emosyon ko kase ayokong magbreakdown at umiyak sa harap niya. Gustong gusto ko siyang sigawan.. pero di ko kaya yung gawin sakaniya.

Tinignan ko siya dahil alam kong nakatingin siya sakin. Mata sa mata. "Sagutin mo 'ko" "Three months na" at dun na siya nagsimulang umiyak. Tang ina ang sakit. Ang mas masakit na pakiramdam yung puso't utak mo yung umiiyak para sa mata mo. Walang lumalabas na luha.

Bakit ganon? Binigay ko naman lahat. Sht eh yung kaya mong gawin lahat para sakaniya, na kahit siya yung mali tatanggapin mo na lang and you'll take the blame para matapos na. Para wala ng pagawayan. Mahal ko siya sobra.. Na wala na akong tinira sa sarili ko.

Galit. Punong puno ng galit. Dapat sinisigawan ko siya ngayon pero bakit gano.. 

"I'm sorry...."

Tinignan niya ako ng nagpupugtu niyang mga mata. "Sorry.. Di mo naman ako iiwan kung naibigay ko yung kelangan mo diba? Akala ko kase enough.. Akala ko napapasaya kita. Akala ko lang pala."

"Hindi ko na hinintay yung sasabihin niya kung meron man. Di ko na din kase kayang tignan pa siya sa mata kaya umalis na lang ako. Gags quota na 'ko ayoko na ulit makipagrelasyon. Apat na beses na akong na iwan tas ngayon may bonus pa niloko ng 3 months na!" Kwento ko sakanila.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crossed PathsStories to obsess over. Discover now