Chapter 23 (SPG) Unedited

19.1K 596 28
                                    


BUMALIK si Leslie sa academy para sa nalalapit na pag-iisa nila ng tatay niya. Doon kasi sa dark room isasagawa ang proseso. Hindi na niya ulit nakita si Marco, magbuhat noong huli silang nag-usap. Ipinapakita niya sa iba na malakas siya, pero walang gabi na hindi siya lumuluha. Nagakaroon pa rin siya ng pagkakataon na masubaybayan ang paglaki ng anak niya, ngunit hindi niya maipkita sa iba ang galak niya, gayung sa bibig mismo ni Marco nagmula na hindi siya nararapat maging ina.

Pumatak na naman ang luha niya habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri sa dugo niya. Nag-iisa siyang nakaupo sa bench sa labas ng laboratory. Narinig niya ang papalapit na yabag pero hindi siya nag-abalang tingnan kung sino ang humahakbang palapit sa kanya.

"Bakit hindi mo subukang suyuin si Marco?"

Napatingin siya bigla sa gawing kaliwa niya. Namataan niya si Leandro na nakaupo sa dulo ng bench. "Suyuin?" aniya.

"Oo. Hindi ba kapag ang isang lalaki gustong makuha ang loob ng babae ay sinusuyo niya? Ilagay mo ang sarili mo ngayon sa sitwasyon ng lalaki. Hindi nakakahiyang gawin 'yon."

"P-pero..."

"Huwag kang matakot. Mas makapangyarihan ang pagmamahal kumpara sa galit. Ngayon lang nasaktan ng sobra si Marco kaya hindi pa iyon matanggap ng sestema niya, pero alam ko lilipas din ang galit niya."

"Pero itinataboy na niya ako," aniya.

"E kasi nagpapataboy ka. Kung didisido kang tanggapin ka niya, kahit sipain ka niya palayo, bumalik ka at suyuin siya. Ganoon ang mabisang paraan. Kahit sinong may galit sa kapwa niya, lumalambot kapag nakikita nilang disidido ang nagkasala sa kanila."

"Hindi pa ba sapat ang paliwanag at pagluhod ko sa harapan niya?"

"Marco wasn't believed in words and promises. Ipadama mo sa kanya hindi lang sa isang pagkakataon. Kumilos ka."

Humugot siya ng malalim ng hininga. Sa ngayon ay hindi pa siya makapag-isip ng maayos. Mamayang gabi na ang pag-iisa nila ng tatay niya, at iyon na ang huling pagkakataong masilayan niya ang tunay niyang ama. Naghahalo na ang emosyon sa puso niya.

"Good luck mamaya. Wala rin akong ideya kung ano ang kalalabasan ng pag-iisa ninyo ng ama mo," ani Leandro.

"Bakit, may magbabago ba?" manghang tanong niya.

"Malaki ang magbabago, Leslie. Maliban sa magiging imortal ka, maa-adapt mo ang ugali ng tatay mo. Ang masama niyan, if emotionless siya, makakaapekto iyon sa emotion mo."

"Ibig sabihin mawawalan din ako ng emosyon?"

"Hindi naman siguro mawawalan, may magbabago lang sa feeling mo."

Bigla siyang kinabahan. Paano na ang feelings niya kay Marco?

"Huwag kang mag-alala, hindi mabubura ang laman ng puso mo. Kaya kung nakalista diyan ang kaibigan ko, nariyan lang siya."

Mabuti na lang pala.

Mamaya'y lumabas na si Zyrus. Nagkasabay pa sila ni Leandro na tumayo. "Magpahinga ka muna, Leslie, ipapatawag na lang kita kapag handa na ang dark room," sabi ni Zyrus.

"Sige. Salamat," aniya. Nagpaalam na siya sa mga ito.

Sa mansiyon pa rin ni Dario si Leslie kasama ang nanay niya. Hindi na siya pinayagan ng mga ito na lumabas. Naisip din niya na baka nagpaplano na si Rofeno ng paghihiganti sa kanya. Papasok sana siya sa laboratory kung saan ang anak niya ngunit napako ang paa niya sa bukana ng pinto nang mamataan niya si Marco at Amborja na nag-uusap sa harap ng anak niya. Pakiramdam niya'y wari may libolibong punyal na tumutulos sa puso niya habang maiging nakikinig sa sinasbai ni Amborja kay Marco.

...Where stories live. Discover now