Page 01

622 32 2
                                    

- -

"You look distressed my Queen." Dalton whispered on my ear. Hinanap ko siya sa paligid, just to remember he's not real.



"Stop visiting me Dalton." Nagdasal ako ng paulit ulit para magising sa bangungot na iyon. Pagkamulat na pagkamulat ko ng mga mata ko tumambad sa akin ang lumang alarm clock. 




"Hayy! Hindi mo na naman ako ginising!" Pandalas akong naligo at dumiretso na sa university na hindi pa nagaalmusal. Habang papasok ako sa classroom ko ay naaninag ko ang repleksyon  ko sa salamin sa bintana ng kabilang room. Tama nga si Dalton. Kulang na kulang ako sa pahinga. 



"I know I know, you'll brag about how I bore you every time."  



Hindi ko na lang pinansin. I opened my laptop to start my projects. Tambak ang kailangan kong tapusin dahil sa katamaran kong tapusin ang mga 'to nung isang araw na bakante ang oras ko. 



"Halsey, coffee oh. I know hindi ka pa nagaalmusal, di ka pa nga yata nagsusuklay eh Haha." Pete, my classmate, offered me a  coffee na tigli-limang piso nabibili. "Nako, salamat haha. Kilala mo talaga ko. Pero uy, nagsuklay na ko." I smiled.




"Dami pa nyan ah?" 



Napailing ako ng kaunti, at napasimangot. "Oo nga eh. Di ko nga alam kung paano ko pa 'to mapapasa before deadline." 



"Sige, tapusin mo muna yan." Nagpasalamat ulit ako para sa coffee na binigay nya. Napakalaking tulong nito.


"Tsk. Alam mong marami ka pang gagawin dyan nagagawa mo pang makipagusap sa ibang tao."




"Pwede ba Dalton, wag mo akong kausapin." Bulong ko. Alam kong dinig nya ako. 




"Halsey, naiinis ako sa bago mong istorya na isinusulat. You know I won't let you get over with my story."



"Ano bang sinasabi mo dyan Dalton. Pabayaan mo na ako!" 



Napalakas yata ang sinabi ko kaya napatingin saakin sila Pete at yung iba pa. Bumalik na lang ako sa pagtatype para mawala ang atensyon nila sa akin.



"Hindi maganda, walang kwenta. Walang wala yang sakit na binigay mo sa lalakeng yan kumpara sa sakit na idinulot mo sa akin at kay Aoi."



"Will you stop talking about my story Dalton!"



"Why? Don't you like it? Diba dati noong ako pa iyong sinusulat mo tuwang tuwa ka pag pinaguusapan kung gaano kaganda iyong storya namin."



"I am sorry! Just leave me alone!"



I can hear his laugh echoing inside my mind. He knows how to torture me. He knew everything about me like how I memorized every detail of his character back when he was still my favorite.



Napayuko ako at pilit na pinipigilan ang pagiyak sa guilt na nararamdaman ko, I waited in the restroom, nakaharap sa salamin at paulit ulit na naghilamos hanggang sa mawala yung sakit sa mga mata ko. Napaupo ako sa may lababo, nakapikit na nagiisip. 



"Miss are you okay?" Tanong ng isang boses lalake.


"Yeah." Sagot ko na lang.



"I think you're not. Bakit nasa restroom ka ng mga lalake?"

closing our bookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon