Chapter One

42 5 7
                                        

First Day of Class na naman. Naglalakad ako sa patungo sa gate ng FA. Wala pa ring pinagbago sa eskwelahan na ito.

Grade 10 na ako at dalawang taon nalang ang aking tatahakin upang grumaduate ng HS.

Habang tinitingnan ko ang maingay na palagid may biglang sumigaw na estudyanteng di ko kilala at may malaking katawan.

"Hoy Nerd! Tabi!"

Tumabi nalang ako para iwas gulo.
Tama, ako nga ay isang Nerd

Ako si Shawn Santos. Nasa Grade 10 na baitang.
Ang Dakilang Nerd ng Fuentes Academy.

Nerd talaga ako,
Braces✅
Makapal na salamin✅
Mataas ang medyas✅
Mahigpit ang Necktie✅
Mahabang Long Sleeve✅
Mataas at maluwag na pantalon✅
May makakapal na libro✅
At ang backpack kong palaging nakasabit sa aking balikat✅

Mahirap lang din kami, ngunit nakakaaral ako sa engrandeng eskwelahan na ito dahil sa scholarship ng isang kompanya ng alahas na nag spo-sponsor ng mga scholar.

Ang Nanay ko lang ang nag-aalaga sa akin.
Siya na lang ang tanging pamilya ko.

Hindi man sa dugo pero sa puso.

Isa rin akong running-valedictorian sa batch namin.

Habang papalapit na ako sa basketball court, bigla kong tiningnan ang wrist watch ko, 7:55 am.

Naku! Late na late na ako! Tumakbo nalang ako. Pero sa kasamaang palad,

*Boogsh* hindi ko namalayan na naapakan ko na pala ang sintas ng aking sapatos kaya nadapa ako sa tapat ng isang lalaking naka jersey at isang babaeng may mahabang buhok, maputing kutis, at magandang nilalang.

"Siya." -lalaki Sabay turo sa akin.
"Ano? Siya?"-babae Sabay tingin sa akin na parang diring-diri.

Hindi ko naman alam ang pinag uusapan nila pero paanong napunta ako sa usapan na yon?

At, parang himala ito. Isa lang naman akong Nobody pero paanong napunta ako sa usapan ng ibang tao? O sadyang dahil lang sa kahihiyang nadapa ako sa tapat nila?

Matagal na pala akong nakadapa sa sahig kaya naman bumangon na ako.

Pagkatayo ko ay inayos ko ang uniform at salamin ko.

"Ah, a-an-anong a-ako?" sabi ko ng nautal-utal dahil sa kaba.

"Ezra nababaliw ka na ba?" -babae

Hala, baliw pa la to?

"Oh diba? Sabi mo kaya mo? Patunayan mo!" -ezra

"If thats what you want, Okay. Deal"-babae Sabay shake hands dun sa Ezra na kasama nya.

Ano daw?

*Riiiiinnngg*

Aiisssh! Hindi ko nalang sila initindi, mas mahalaga sa akin ang klase ko. May scholarship pa akong inaatupag!

At....

At......

At..........

Tapos na ang klase ng adviser namin ngayon!
WAAAAHH!! Pano na to?! Patay na naman ako ngayon T___T
_______________________________________

M E S S A GE :

Hi! This is a bet story. A bet with my friend. Btw, I hope you like the story. And looking forward for your support💕 This is my first publish story. I really hope you will support guys💕 Please dont forget to V O T E ☆ and if you loved to, leave a
C O M M E N T. Please also add this to your library💕 Getting to do my best for this gals💕

The Nerd Boy Meets the Former Nerd GirlStories to obsess over. Discover now