"Ikaw nalang po ang bahala mom at maglilibot nalang po muna ako sa likod ng bahay   "

" sige anak.. magiingat ka ah.. ? " anito at agad nang nagpunta ng salas nila.

   Habang si Liza naman ay dumaan sa pinto ng kusina nila dala ang bag na nilagyan nya ng mga gamit kung saan mabilis syang makakapunta sa bodega ng likod bahay nila.

    Maykaya ang pamilya ni Liza. Parehong surgeon ang kanyang mga magulang kayat nakapundar ang mga ito ng malaking bahay at bukod don ay may ilang mga negosyo rin silang pinapatakbo.

      Napahinto si Liza ng matanaw nya ang luma nilang bodega sa may di kalayuan. Agad nya itong patakbong tinungo at pinasok.
  Natuwa pa sya ng walang masyadong gamit ang naroroon sa loob , dahil siguroy pinagbili narin o pinamigay ng magulang nya ang mga lumang gamit nila na naroroon before. Tuloy may na alala sya rito.
   Nung maliit palang sila ng bestfriend nyang si Shella ay palagi silang nagtatago ron kapag pinapagalitan sila ng magulang nila. Napangiti pa nga sya sa isiping iyon.

Si shella.... kamusta na kaya sya ngayon kong buhay man sya? .. tanong pa ng isip ng dalaga.

   Agad naman nyang pinag move on ang sarili. Hindi ito ang tamang panahon para magpaka mamon. Kailangan muna nyang paghigantihan ang mga walang hiyang magkapatid pagkatapos ng mga ginawa nito sa kanya. Hindi sapat na patayin nya lamang ang nga ito. Gusto nya itong tadtarin ng pinong pino kung saan walang makakilala at maka alala pa ng mga gaya nilang mga walang kaluluwang tao.

  Agad na inilatag ni Liza ang mga patalim sa mesa. Kulang pa ata ang mga iyon para sa pinaplano nyang pang tu- turtured.   

  Agad syang napatingin sa may direksyon kong saan ang pinto ng bodega nang may napansin syang babae na naninilip sa kanya mula sa labas ng pinto na agad namang tumakbo nang makita nya.

   Agad naman ni liza hinabol ito hanggang sa ma abutan nya ito at at sinabunutan.

" ma'am.. sorry po. Di kopo alam busy papo pala kayo.. " pagmamaka awa pa nito sa kanya habang pilit nitong ina alis ang kamay nyang sa buhok nito.

" ma'am? " nagtaka naman si Liza.

Nasa ganon silang sitwasyun nang nakita sila ng mom nya.

" liza, anak. Ano ba yang ginagawa mo? Bakit mo sinasaktan ang katulong natin?!" Awat pa ng kanyang ina sa kanya.

" katulong ? " kaya pala ma'am ang tawag nya sakin.

"Oo mam, matagal na po akong katulong ng mama mo dito sa bahay simulat b-bumalik na po kayo rito sa dating bahay nyu po.. "paliwanag pa ng katulong.

" ah ganun bah..? Sorry ah.. " agad namang binulungan ni Liza ang katulong nila na wag magsusumbong sa kanyang ina sa nakita nya sa bodega kundi malalagot ito sa kanya bago nya ito pinakawalan at iniwan at pekeng ngumiti na lumapit sa kanyang ina.

" akala kopo kasi magnanakaw mom... sorry po.. " sabi pa ni Liza sa kanyang ina at inakay na nya itong papasok ng bahay.

  Ilang weeks rin ang nakalipas buhat ng makarecover si Liza. Wild and psycho na sya kung mag isip at masyadong malaki ang kanyang pinagbago, not just physically also mentally.

   Muling pinagamot sya ng kanyang mga magulang pagkatapos ng isang buwan. Binalik ang dating ganda ng kanyang mukha sa isang malalim na operasyon. Pero hindi na nya pina operahan pa ang kanyang kaliwang mata sapagkat pinalagyan nya lamang iyon ng isang artificial na anyo ng mata na kong titingnan ay normal lang din. Nangako kasi sya sa sarili na magiging tanda iyon ng kanyang paghihiganti.

    And here she is now... slashing every inch of his victim flesh habang walang malay itong natutulog sa ibabaw ng kanyang mesa habang nasa loob sila ng kanilang bodega.

Traitor   (completed)Where stories live. Discover now