PROLOGUE: Masaya Ka Na Ba?

35 0 0
                                        

I woke up lying on a unicorn's back.

Nope, I am not dreaming and this isn't a fantasy. Totoong nakahiga ako sa likod ng isang unicorn. Ito ang disenyo ng couch sa studio nina Warren.

Hinawakan ko ang batok kong nangawit na sa pagtulog. Hindi ko namalayang naidlip na pala ako sa paghihintay. Paano ba naman, napilitan akong maglakad mula university hanggang dito. Aba, ang layo rin ha!

Kung hindi lang ako nakukunsensya sa mga pinagsasabi ng Intsik na 'to ay hindi naman ako pupunta rito. Bukod sa pagod na pagod ako sa library ay wala akong masakyan dahil sa strike na 'yan!

"One last time, guys!"

Lumingon ako sa salamin at nakita ang nakangiting si Mellow na may suot na headphones. Siya ang manager ng grupo. Mukhang maayos ang performance ng Unicorn sa practice nila.

Yes, that's the name of their band, hence the design of the couch. They started late last year, at unti-unti ay nakikilala sila sa industriya ng musika. Good for them.

Lumapit ako kay Mellow na lumingon at ngumiti sa akin. Bahagya niyang tinanggal ang suot na headphones.

"Mukhang nainip ka ah," bati niya at iniabot sa akin ang isa pang headphones para makinig din ako.

Umiling ako at umupo sa tabi niya.

"Hindi naman. Pagod lang at medyo kulang sa tulog."

Kinuha ko ang headphones at isinuot ang mga ito. Sakto namang nag-okay sign si Warren kay Mellow at ngumisi at kumindat pa sa akin.

Pumikit ako nang marinig ko ang malamyos na tunog ng piano at gitara. Nangibabaw ang malamig niyang boses.

Masaya ka na ba?

Dahil ako'y nahihirapan na na matanggap na may mahal ka nang iba

Paano ako?

Puso ay sa 'yo pa rin nagsusumamo, hanggang kailan ako mababaliw sa 'yo

Lagi kitang naalala, pero pilit kong binabalewala

Naaalala ko ang iyong pangako na habang buhay tayong magsasama

Oh kay sakit namang isipin na ako'y iniwan mo sabik sa yakap mo

Masaya ka na ba?

Dahil ako'y nahihirapan na na matanggap na may mahal ka nang iba

Pero na saan ka ba, mas pinili mong saktan ako at sumama ka sa iba

Balang araw ay makikita mo rin akong masaya sa iba

Pero kailan? Kung ang kamay mo pa rin ang gusto kong mahawakan

Masaya ka na ba?

Na nakikita mo akong nahihirapan

Bakit ba ganito, bakit ang hirap pakawalan, bitawan ng puso

This one is my most favorite among their songs. Why not, kaming dalawa ni Warren ang nag-compose ng lyrics. The whole song came from our broken, ripped, shattered hearts back then.

He, by his ex-girlfriend then. And me, of course, by him.

Bata pa lang ay magkakilala na kaming dalawa, pero naging malapit lang kami noong college. Dahil magkaibigan ang mga magulang namin at sa iisang university kami nag-aaral, lagi na rin kaming magkasama.

Nang makita ko si Ms. Higad na may ka-holding hands na ibang lalaki sa mall ay nagulantang ang aantuk-antok kong diwa. Ilang beses kong tinawagan si Warren pero hindi niya sinasagot. Sa huli ay ang pinsan niyang si Winona ang tinawagan ko.

All for YouWhere stories live. Discover now