Chapter 4: Its all about the Past

Start from the beginning
                                    

Ha? May dapat ba akong malaman. Argh. di ko na to kaya.

"May dapat ba akong malaman?" Tanong ko at nilapitan sila.

"You act so innocent Alice,di ka bagay" pantataray ni Kim.Inosente naman talaga ako. Ikaw nga yung mukhang kriminal diyan eh!
Di ko nalang siya papatulan baka magkagulo pa.

"Well i always look like for you. Tss. ano ba kasing tinitingnan niyo? porn?" i smirked.

"nagpapatawa ka? haha. eto para maiyak ka sa mala-MMK niyong storya" binigay niya sakin ang cellphone ni Megan.

Ipe-prenda ko to sa pawnshop bwahaha. Iphone5s syempre.

So video pala yung inaaksayahan nila ng oras para tignan.

i played the video.

Biglang may kumirot sa puso ko. Nakaramdam ako ng inis,galit,dismaya,lungkot .. halo-halo.

paano nila to magagawa sakin!!

Si Kate,ang tinuring kong bestfriend kasama si Arwyn na boyfriend ko. Naghahalikan sila sa janitors room. At halata na ang nagvivideo nito ay pasikreto lang sa may butas ng room kumukuha.

Tss.
Eto pala yung igaganti nila sakin?

Parang gumuho yung mundo ko.

Buti nalang at kinuha agad ni Kim yung cellphone.

"O ba't parang naiiyak ka sa sarili mong storya?" Biglang sumbat ni kim na para bang nanalo sa isang pustahang pangmaldita.

Pinahiran ko yung mga luha ko gamit ang aking palad.

"Hindi ako naiiyak. Tears of Joy to'" i smiled. Fake smile. :'(

"Serves you right." Nag crossed arm si kim

Mabuti't umalis na lang ako dito. Sanay naman akong mag-ditch eh.para naman di nila mahalata na sobrang nasasaktan na ako kahit napaka-obvious.. Kahit na! Gusto kong mapag-isa.

Pupunta muna ako sa locker ko. Ilalagay ko lang tung books ko.
Habang naglalakad,di ko talagang maiwasan na umiyak. Ang sakit lang kasi na yung dalawang taong pinakamamahal at pinapagkatiwalaan mo ay niloko ka.Matagal ko ng bestfriend si Kate. Bata pa lang kami napaka-close na namin. Pero bkit nya nagawa yun? Alam nyang masasaktan ako!!

Si arwyn ramdam ko talagang minahal nya ako. Pati ako minahal ko siya ng sobra. Pero anong nangyari ?

Ouch </3 arghh.
Mga walanghiya. Pero baka naman siguro may rason. Ay hindi! kung meron man. mapapawow nalang ako. Iisa lang naman ang pinapahiwatig ng mga sasabihin nila eh,kundi ang NILOKO nila ako. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Gusto ko silang saktan. Pero alam kong di ko kaya dahil pareho ko silang mahal. Ang tanga ko pala. Haha ang tanga tanga ko.

Tama na. Tama na ang mga kasinungalingan.

Sa sobrang kadramahan ko at iyak.

hindi ko namalayan na may nabunggo na pala ako.

"s-sorry" di ako makatingin ng deretso sa kanya dahil baka makita niya akong maiyak.

"Emma?"

ang boses na yan....


Hinding-hindi ko yan makakalimutan...lao na ngayon...

"B-bakit ka umiiyak?"

"Tinatanong mo ako kung bakit ako umiiyak?" ngayon di na lungkot ang nararamdaman ko. Galit. Galit dahil nakita ko siya.

"Emma,i think we have to talk." sabi ni Arwyn sabay hawak sa braso ko. Halata sa mukha nya na alalang-alala siya.Wow... Ay oo nga pala guys,si Arwyn.
Ang gago kong boyfriend.

"Ano pang pag-uusan natin?! Alam ko na ang lahat!" hinampas-hampas ko siya sa dibdib gamit ang 2 kong makakapal na libro. Nararapat yan sa kanya. Sa totoo kulang pa nga yan e,para maramdaman ang Sakit na ibinigay nila sakin.

"Emma you know how much i love you.Emma I love you. Pls. Believe me" niyakap niya ako.
Bigla naman akong humiwalay sa yakap nya.

"I guess,its now over." blanko ang ekspresyon ko sa mukha. Alam kong nasasaktan ako sa mga ginagawa ko ngayon.
Ayoko siyang umalis pero magpapakatanga pa ba ako!??

Over? Oo . Kahit masakit pero kailangan.

"Emma you dont have to do this" pagmamakaawa ni Arwyn. kung di ka lang sana nagloko
edi wala sanang problema!

Sa sobrang galit ko,sinampal ko siya ng napakalakas.
Napansin ko ring marami na palang tumitingin samin.

"Niloko niyo ko! Bakit?" di ko maiwasang umiyak ng malakas.

"Emma,di mo alam ang nangyari--" di ko siya pinatapos.

"Oo,di ko alam ang nangyari dahil ang gagaling niyong umarte!"

"Emma patawarin mo ako. Ok lang na makalimutan mo ako pero sana mapatawad mo ako. minahal kita alice,higit pa sa iniisip mo" wow. ang galing nya pa ding umarte.Pinaniwala niya pa na mahal na mahal nya ako.

"Best actor ka talaga" sabi ko at tuluyang iniwan siya. Hinabol niya ako pero pinigilan ko siya.

"Hindi to marathon Arwyn,minsan sa buhay meron talagang mga relasyon na kailangang bumitiw para maiwasan pang masaktan ng sobra" ay humugot pa ako.
Tumakbo ako ng mabilis papalayo sa kanya.Narinig kong sinigaw ni Arwyn pangalan ko.

Arwyn bakit? Ang sakit sana alam mo. Siguro oras na.

Aalisin ko na siya sa buhay ko. Ang sakit. Alam ko namang minahal nya ako ng sobra. Pero bat nya magawang lokohin ako at sa bestfriend ko pa talaga!?

Papalayo na ako ng biglang....

"Bestfriend" sabi nito na nag-aalala.Tiningnan nya ang mga mata kong luhaan. Concern yung pagkasabi nya.
tsk. aarte na nga lang halata pa.

"Ahas."

Yun na lang yung nasabi ko. Ayoko ng pahabain pa ang storya. Baka may masabi pa akong di maganda.Ayoko na. Pagod na kong magsalita. Gusto kong ilabas ang galit ko sa kanya. Gusto ko siyang sampalin o kahit saktan.Pero parang ayaw kumilos ng mga kamay ko. Ang sheetttt . Dahil ba bff ko siya??. Pinagkatiwalaan ko pa naman siya. Sayang lang ang matagal na naming pagkakaibigan at sisirain nya lang para dito!? Ang selfish naman!! Ang saya saya pa nga namin kahapon....tapos ngayon...urghhhh i just wanna scream right now!!! ang  selfish nila!



AAAARRGHHHHHHH!!!!!



End of flashback



Simula nun,naging miserable ang buhay ko.
Lagi na akong nagdi-ditch ng class at laging napapasabak sa mga away. Kaya nga nung nag-away kami ni Stacey. Napaalis na talaga ako sa Williams Univ.
. At ngayon. Nandito na ako sa School of Hell together with my new self. Tss. Tama na ang kadramahan. Nakamove-on na kaya ako,matagal na duhh ....Matapos ko na nga tung assignment ko. Tss ang drama drama nyo kasi e...



-----


END OF CHAPTER 4

(ANGEL MARIE APA)

If u mind...Libre pong mag vote at mag comment....so better grab the opportunity! Ito na lang ang libre sa panahon ngayon hahahha
















The Abandoned HouseWhere stories live. Discover now