Chapter 2: Multo

3 0 0
                                        

Kring kring kring kring....
Tunog ng alarm ko. Umaga na pala. Tumayo na ako at naghilamos. Maaga pa pala mamaya pa ang pasok ko.
Bumaba na ako at dumiretso sa Dining area, nakita ko sila Mommy at Daddy naka upo na at kumakain.
"Good morning baby, maaga ka nanaman nagising ah. Umupo ka na." Sabi ni Daddy habang nakatingin sa newspaper.
"Mom and Dad tommorow i don't have classes, could we go out. I really miss going out with you." Sabi ko nagtinginan silang dalawa sabay tingin sa akin.
"Sorry baby but..." Tumigil si Mom
"We have to go in California for 3months. Pero uuwi si Kristian at Kean sa Saturday para bantayan ka at samahan ka." Diretsong sabi ni Daddy
"Is it for our company again?" Sabi ko
Tumango naman sila, ano ba yan! Aalis nanaman sila! Kakabalik nga lang nila galing states last 2weeks ago eh tapos aalis ulit.
"What? Iiwan niyo nanaman ako! lagi nalang ba yang company natin ang uunahin niyo! Wala na kayong time sa akin!" Sabi ko sabay walk out. Na kakainis naman kasi eh! Naguilty ako dahil nasigawan ko sila. Hindi ko naman sila nasisigawan dati dahil ginagawa nila ang lahat para lang sa akin pero ngayon pinapabayaan na nila ako. What happened to my past parents? Where are they?

***

Nagready na ako sa sarili ko at sa gamit ko, bumaba na ako para sumakay na sa kotse. Nagmamadali akong lumabas at baka makipagusap nanaman sa akin sila mommy at daddy. Ayoko silang kausapin, naiinis ako sakanila wala silang time para sa akin, bakit? Bakit nila inuuna ang company nila kaysa sa akin? Malaki na ba ako para iwan nila? Hindi na ba ako mahala sa kanila? Dahil ako lang ang babae sa magkakapatid ako lang ang prinsesa, speaking of kapatid i have two older brothers the eldest is Kuya Kristian he's now holding one of our companies and he's in New York now for the company, and my second brother is Kean he is in New York too with Pat but not the same mansion. Kuya Kristian is also studying on how to hold a company. Pero sabi nila dad baka magaral din daw ako pero hindi ko alam kailan.

Nakarating na ako sa school nakita ko na ang mga friends ko sa may tambayan namin.
"Maam Clarette, susunduin po kita pagkatapos ng pasok niyo" sabi ni Manong ang driver ko
"Manong hindi na po ako magpapasundo magcocommute nalang po ako."
"Pasensya na po Maam pinapautos po iyon nila Madam na susunduin ka daw po kasi may pupuntahan po kayo."
"Ah ganon ba, saan daw po ba pupunta?" Tanong ko, ano ba naman yan. Aalis nanaman kami i knew na pupunta kami sa reunion namin with our relatives, ayoko kong pumunta duon kasi magispeech pa ako! Nakakainis every family kailagan ng representative. Dahil wala sila Kuya Kristian at Kean ako ang representative, at wala pa akong naready na speech.
"Hindi po sinabi sa akin, pero po didiretso na po tayo sa pupuntahan, kaya po magdadala ako ng damit niyo."
"Ah sige po thanks po." At lumabas na ako ng kotse, habang naglalakad ako papunta sa tambayan namin sa waiting shed sa labas ng school nakita ko si Arman, ang nerd na kaklase ko na friend ko.
"Arman!" Sigaw ko habang nakatingin sa direksyon niya. Nakita ko siyang nakalingon sa akin. Kinawayan ko siya, pero iniwasan niya ako. What? Bakit ano bang ginawa ko? Naglakad nalang ako papunta ng waiting shed nakita ko kumpleto na sila ako nalang pala ang kulang.
"Clare! Bakit ang tagal mo?" Sabi ni Cara "Oo nga, may kadate kaba?" Sabat naman ni Brina
"Ano? Wala ah."
"Weh? Bakit mo tinawag si Arman." Sabi ni Venice
"Eh kasi kagabi tinawa-" naputol pagsasalita ko, naalala ko yung sinabi niya kagabi sa akin.
'Binigay sa akin ng mga kaibigan mo eh sabi nila tawagan daw kita.'
Binigay nila ang cellphone number ko kay Arman! Argh! Nakakaasar sila! Hindi ko pinapamigay ang number ko except sa mga friends ko at kila Mommy at Daddy, this is the first time na binigay nila ang number ko sa lalake.
"Is something wrong Clare?" Tanong ni Brina
"Oo nga kanina pa siya nakatunganga." Sabi naman ni Cara.
"AHH! NAKAKAINIS KAYO!! BAKIT NIYO BINIGAY ANG NUMBER KO KAY ARMAN!! BAKIT!" Galit na sabi ko, first time kong magalit ng ganito at nagulat ata sila.
"Hindi ako yun, si Cara yun." Turo ni Venice kay Cara
"Anong ako si Brina yun." Turo naman ni Cara kay Brina.
Magturuan ba daw?
"Bakit ako? Wala akong kinalaman dito noh!" Depensa ni Brina
"UGH! FINE!" Umalis na ako dun bago ko pa sila sabihan ng masama nakakainis naman kasi eh!
Pumunta na ako sa locker room ko para kunin ang gamit ko, at pumunta na ako sa room. Wala pa ang mga kaibigan ko pati si Arman wala pa, maaga pa kasi. Kaya nagbasa nalang ako ng libro ko.
Makalipas ang ilang minuto dumating na ang iba kong kaklase at si Arman din dumating na pero wala pa ang mga kaibigan ko. Umupo sa tabi ko si Arman at kinuha ang libro, nagbabasa rin siya ng libro.
"Is something wrong? Bakit nilalayuan mo ako?"tanong ko kay Arman habang nagbabasa siya ng libro niya nakita ko na tumingin siya sa akin habang nakayuko.
"You don't understand." Mahina niyang sabi sa akin. Anong hindi ko maintindihan? May problema ba?
"We need to talk, sabihin mo sa akin ang problema." Sabi ko
"Hindi ganun kadali Clare, maraming nakabantay na mata sa ating dalawa."
Sabi niya lumingon ako sa mga kaklase ko, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"Hindi mo talaga magets noh?" Sabi niya tumango naman ako
"Sige itetext nalang kita kung anong problem." Sabi niya then nilabas niya ang phone niya nagsulat siya sa messages niya. Biglang tumunog ang phone ko. Sinilip ko. '1 new message: from, Arman Johnson' sinilip ko ang phone ko.
'Binigay sa akin ng mga kaibigan mo ang cellphone number mo kasi sabi nila malungkot ka daw at wala kang kausap kaya tinawagan kita, pero nalaman lang kanina ng adviser natin na may number kita kaya pinatawag ako kanina sa principal's office sa lola mo diba?  Pati yung mga kaibigan mo anduon din, hindi sila pinapasok ngayon kasi kailangan nilang magexplain. Sinabi niya na wag na daw kitang kausapin at wag na kitang lalapitan, dahil pagginawa ko daw yun mas malala pa daw ang mangyayari. Kaya kita nilalayuan at hindi lang yun ang dahilan ko pagmaraming nakakita na magkasama tayo, naguusap at pagnalaman ng lola mo na alam mo na tatanggalin niya ang schoolar ko at papaalisin sa school na to. Hindi ko kayang mangyari yun dahil pangarap ko talaga na makapasok sa school na ito. Kaya please wag mo na akong kausapin at lapitan lumayo kana, kung hindi mo kayang lumayo ako nalang ang lalayo.'
Kaya pala niya ako nilalayuan. Ano ba ang pinasok ng mga kaibigan ko.
'Pero sino ba ang nagbabantay sa atin?' Reply ko sa text niya
'Lahat sila. Classmate natin, teachers, adviser lahat ng nasa school na ito even your friends know it. Kaya sinasabi ko sayo lumayo kana.'
Rereplyan ko na sana siya kaso biglang dumating adviser namin.
"Good morning Maam." Bati namin lahat habang tumatayo
"Ok you may now seat." Utos niya
"Ok class maglilipatan tayo ngayon ng upuan." Sabi ni Maam habang nakatingin sa akin at kay Arman, tama siya nakabantay talaga sila sa amin.
"Mr. Reyes, palit kayo ni Mr. Josh Rodriguez." Gosh! Katabi ko nag isa sa pinagkakaguluhan ng mga girls, except for me. Mukha siyang Hot, gwapo, mayaman at famous pero hindi matalino. Isa sa mga nangligaw at binasted ko, i don't really like his attitude hindi maganda eh.
"Hi Clare, miss mo ako? We can make this good times." Sabi ni Josh habang papalapit na hinahawakan ang kamay ko.
"Stop it Josh wala kang chance sa akin, i told you magbago ka na!" Sabay tanggal ko sa kamay ko. Tinignan ko si Arman, ang lungkot ng mukha niya. Walang may gusto sa nangyari sa amin. Kung yung iba masaya kami...hindi.

I'm inlove with a nerd boyWhere stories live. Discover now