Chapter 8: Where are You?

Start from the beginning
                                    

"Dahil hindi kaya ng konsensya ko ang hayaan kang umalis mag-isa! Pano kung may mangyari sayong masama?!" Sabi ni Joshua

"Wala nang tayo. Kaya wala ka nang pakealam kung ano man ang mangyari sakin."

"Ganyan din ba inisip mo kanina nung sinagip mo ako sa white lady?"

Hindi ko alam ang sasabihin ko...

"Look... Isipin mo na lang na utang na loob ko to sayo sa pagsagip mo saakin kanina." sabi nya

"Stop acting like you're still my boyfriend! Di ko kailangan ng concern mo at mas lalong hindi kita kailangan!" Sabi ko

"Ang sakit mo namang magsalita."

"Talaga lang ha?! Nasaktan ka na nyan?! Mas okay na yung masaktan ako ng mg multo dito sa loob kesa sa makasama ko yung taong pinag palit ako sa isang babaeng classmate nya raw nung grade 4 pa sya!" Pagalit kong sinabi

"Talaga bang pag-aawayan pa natin yun dito ngayon? Okay. First of all... hindi kita pinag palit kay Shaine. Kaibigan ko lang sya. Yun lang at pangalawa,,,,

Di ko sya pinatapos na magsalita.

"No need to explain Josh! Matagal na tayong wala at tanggap ko na yon! Matagal mo na ring pinutol ang relasyon natin. So please lang ?! Wag na nating pag-usapan yung past?!" Pa sigaw kong sinabi

"E sino bang nag simula ng topic na 'yon?!" Sabi ni Joshua

"Hindi mabubuo ang topic nayon kung di ka sumunod sakin dito!" Sabi ko

"Kung hindi ako sumunod sayo, siguro, kanina ka pa hinanting ng multo sa music room!" Sabi ni Joshua

"I can protect my self without you Josh! I said I don't need you so iwanan mo na ako!"

Bigla syang nanahimik at naka tingin sa pinto. So ano? Tinatakot nya ako na kuwari may multo?!

"Ha-ha-ha-ha nice try Joshua! Wow. Natatakot ako huhuhu! Wooh I'm so scared, protect me now!!" pang asar ko

"Sssshhhassshhhh!" mahinang sabi ni Joshua

"Anung ssshhassh?" Mahina ko ring sinabi

Dahan dahang nagbubukas ang pinto kahit na walang hangin. At t-tama ba yung nakikita ko?! Yung multong babae na nakita ko sa music room kanina. Reflect na reflect sya sa dingding pero nakikita parin namin sya. Nang makita ko sya ay tinakpan ko ang mukha ko dahil ayokong makita ang mangyayari. Habang tinatakpan ko ang mukha ko at kabang-kaba ay niyakap ako ni Joshua.

Maya maya ay kumakanta na ang multo habang nag lalakad. My Gosh! Bakit may multo dito?! May hindi talaga sinasabi samin si Ms. Tonia.

"Don't worry. I'll protect you. Hindi na ulit kita iiwan Catrinne." Bulong ni Joshua

Ewan ko ba pero sa kalagitnaan ng katatakutan na nangyayari samin ay nagagawa ko pa ring kumalma dahil sa lalaking to.

"Just shut up" sabi ko


Naomi's POV

Its been an hour matapos umalis si Ms. Tonia at sinabing may aasikasuhin lang daw sya.

"Are we just gonna stand here and do nothing?!" Sabi ko

"Keep calm Naomi. Hinahanap na ni Catrinne si Joanna pati si Joshua kasama nya din." Sabi ni Brian

"Oh come on! Sila nag hihirap doon sa kakahanap habang tayo, nag hihintay sa wala?!" Sabi ko

"Bakit ba bigla nalang umiinit ang ulo mo?" Sabi ni Abram

"Umalis na tayo dito.." sabi ni Eman

"Eman! Isang daang beses mo na yang inuulit-ulit ah! Di ka ba titigil dyan?!" Sabi ni Nicka

The Haunted School PART 2 (Obsessed Of Killing)Where stories live. Discover now