Callie's POV
Kring...Kring...Kring...
Kring...Kring...Kring...
Kring...Kring...Kring
"Callie, wake up!"
"Gumising kana! Malalate kana sa class mo!" ayoko pang bumangon, pero niyuyugyog ako ni Auntie kaya napilitan ako.
"I'm still sleepy auntie. Just 5 minutes okey?" sabi ko kay Auntie Rosie then humiga ulit.
"Tsk sige ka, kung hindi ka babangon diyan bubuhusan kita ng mainit na tubig!"
"Noooooooooo!" agad naman ako napatayo.
Bubuhusan ako ng mainit na tubig?
Hell no! Ayokong mapaso ang makinis kong balat.
"Good! Maligo kana at pagkatapos take your breakfast!" umalis na din si Auntie Rosie. Dumeretso na ako sa banyo at nagshower.
Matapos kong maligo, nagbihis ako at syempre nag-ayos. Dapat presentable ako noh dahil ako lang naman ang pinagnanasaan ng mga boys sa campus. Hahahah
Dahil walang uso ang pagsuot ng uniform sa school, nakasuot lang ako ng off shoulder na pangitaas at ripped jeans pangbaba.
"Good morning yaya, anong breakfast natin today?" sabi ko kay Yaya Isabel.
"Sunnyside-up egg and bacon po"
"Good! Buti naman nagluto ka ng bacon kasi favorite ko toh!" umupo na ako at kumain. Habang kumakain ako ng almusal nakita ko si Auntie Rosie na may kausap sa phone.
"Morning baby, how's your day? Be sure to eat your breakfast ha" dinig kong sabi ni Auntie sa phone. May pakilig-kilig pa siyang nalalaman.
Lumalovelife na naman ulit ang maganda kong auntie. Last day lang nung naghiwalay sila ng jowa niya and now may bago na naman. Woah! Kaya idol ko siya eh...
"Ok take care, I love you ba--" naputol ang sinabi ni Auntie habang may katawag dahil napalingon siya sa akin. Napansin niya na nakikichismis ako kaya lumapit siya. "Ikaw talaga Callie nakikinig ka na naman"
"Hahahaha. New boyfriend?"
"Yup, naghanap ako ng bago para madali akong makamove-on noh" sabi niya. Natawa nalang ako.
"Hahahahahha"
"Bilisan mo na diyan baka malate ka sa first day of school" sabay alis niya sa dining area. Dinalian ko ang pagkain at pagkatapos nagtoothbrush. Lumabas na din ako sa bahay at sumakay sa porsche fuschia pink car ko.
Tama kayo, isa akong rich kid dahil may sarili akong car. Si Auntie Rosie kasi nagpalaki sa akin kahit hindi ko siya tunay na ina. Mayaman kasi siya dahil marami siyang negosyo at may sugardaddy pa. Kaya naman spoiled brat ako because of my Auntie.
I started to drive my car. On my way na sana ako sa school pero nagkatraffic. Aish. Malalate talaga ako ngayon but it's fine for me. First day of school pa lang naman.
Medyo 10 minutes na pero traffic pa din. Ano ba naman toh! Dpat masolusyonan ito ng gobyerno para hindi ako maghintay sa gitna ng kalye. Nakakabadtrip!
While I'm waiting i turn on the radio and listen music. Kumakanta kanta pa ako at ginagalaw ko pa body ko. Until may isang kotse na huminto sa tapat ng car ko.
I open the window to see kung sino.
O______O
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
He's so cute, parang matutunaw siya sa kakatitig ko sa kanya.
Kaya naman bumisina ako para lang mapAnsin. And then napalingon siya sa akin.
O-H-M-Y-G-O-D!!!!
NapakaGWAPO niya!
"Good morning handsome..." bati ko sabay smirk. Then nagsmile siya sa akin. Ang cute ng mga mata niya parang nang-aakit. Pero umilaw ang green light kaya umalis siya.
Aish. Nakakabitin naman. Minsan lang ako makakita ng gwapo na masasabi mong perfect pero umalis bigla.
I wish I can see him again.
~Southwest University~
Finally, nakarating na din ako sa university.
Agad kong pinark ang mamahalin kong kotse sa tabi ng garden at bumaba.
"Callie, no parking dito!"
"Hi!" sabi ko sa kanya. "Ano sabi mo?"
"Bawal magpark dito Callie, sa parking area ka magpark" sabi niya sa akin. Dahil ayokong inuutusan ako binigay ko sa kanya ang susi.
"Ah okey. Ito pala yung susi and please ipark mo nalang dun" sabi ko sa kanya. Kilala ko naman siya kaya may tiwala akong gamitin niya ang kotse ko.
Naglakad na ako sa hallway with confidence. Nagsmile pa ako sa mga students na nakakasalubong ko para hindi nila ako masabihan na mataray. Actually, mabait naman talaga ako pero naging 'bad girl' lang dahil sa isang dahilan. Ikukwento ko nalang sa inyo kung bakit sa next chapter.
Patuloy pa din ako sa paglalakad ng huminto ako. Meron kasing red rose na nakalagay sunod-sunod. Hinay-hinay akong lumakad at finollow ko ang way ng roses until I see him. Tumaas lang ang kilay ko sa kanya. Tsk -_-
"Please Callie, kausapin mo naman ako!" lumuhod pa talaga siya sabay hawak sa kamay ko. Napansin ko na may nakalagay pang bondpaper sa harapan nya na nakasulat na 'forgive me'. "Sorry na" nagpout pa talaga siya para maawa ako.
"Hay naku Drake, wala akong sasabihin sa'yo. At wag kang lapit-lapit ha!" Sigaw ko sa kanya sabay turo kay Drake. Tinuloy ko ang lakad ko but he follows me.
"Callie please kausapin mo naman ako. Sorry na. Ano ba?...Callie!" hindi ko na siya pinansin. Instead naglakad nalang ako patungo sa classroom.
Drake? Siya yung ex-boyfriend kong gwapo. Sikat din sa campus gaya ko. Nagbreak kami dahil nakita ko na may kahalikan siya sa condo niya. Kaya ayun, iniwan ko. Alam ko naman na marami pang gwapo at masasarap na boys sa mundo noh! Hahahaha.
Nagsmile na naman ako ulit habang naglalakad dahil alam ko na they know me. Baka na naman maissue pa ako na isa akong snob. I walk with matching smile and continue.
"Hi Callie" bati sa akin ng tatlong lalaki. I know the three of them naman kaya bumati din ako.
"Hi boyss" sabay smile. Lumapit sila sa akin at tinulungan pa ako na dalhin ang dala kong bag. "Naku, napakahelpful naman. Thanks ha" sabi ko habang bitbit nila ang bag. Hahaha. Para talaga akong prinsesa dito sa school. Kaya ang saya!
But...
Napahinto ako at nanigas...
I am shock when I see him again...
YOU ARE READING
Bad Girl Meets The Guy-Next-Door
Teen FictionMeet Callie Sandoval, the campus 'bad girl'. She meets the guy-next-door na si Xander Montemayor. Rich,intelligent, and good-mannered. Will the guy-next-door eventually fall inlove to the campus bad girl?
