Sophie's POV
Nandito ako ngayon sa palengke. Namimili ng pang-ulam namin sa hapunan. Alam niyo yung feeling na naduduwal kayo sa sobrang langsa? That's what I feel right now. Kahit na masakit pa rin ang buong katawan ko sa paglilinis ng buong bahay, ako pa rin ang namili. Wala na rin naman kasing ibang mamimili kung hindi ako lang. Yeah, ang tindi ko no? Buti nga hindi pa nabigay 'tong malating-ting kong katawan. Dalawa lang kasi kami sa bahay, ang lola ko at ako. Yung lola kong yun, napakasakit nun sa ulo. Ang kulit-kulit kasi! Akala niya kasi teenager pa siya kaya kung makapagsuot ng mga shorts at sleeveless WAGAS! Kinabog pa ko ng 61 years old kong lola. Kaloka. Kahit na gustuhin niyang lumabas at mamalengke, hindi ko siya pinapayagan. Huling punta niya kasi sa palengke, may ginawa siyang malaking kalokohan. Bukod sa nagsuot siya ng ek-ek short at black tube, namuslit rin siya ng kamatis at pulang itlog! Jusme. Halos lumuhod ako sa may-ari ng tindahan na kinupitan niya para hindi lang siya ipa-barangay. Buti medyo type ako nung anak kaya hindi na tinuloy ang pagpapa-barangay. Meron pang one time na nag-bikini si lola sa labas ng subdivision ng tanghaling tapat! Ang rason niya? Mainit daw. Ang daming nagreklamong kapitbahay nun, na kesyo ang sagwa raw tingnan, masakit sa mata, inappropriate sa lugar at nakakasuka. Mga kapitbahay na yun!Maganda naman ang hubog ng katawan ng lola ko no! Tapos ang kinis-kinis pa, pero ang kaso, masyadong matanda na para dun. Kaya simula nun, hindi ko na hinahayaang lumabas si lola, si lola Thelia na sobrang mahal ko kahit na sakit sa ulo. Si lola lang ang nag-alaga sakin simula pa nung sanggol ako. Yung mga magulang ko? Ewan ko. Sabi ni lola nasa langit na daw sila, nilapa daw kasi sila ng buwaya ng subukan nila itong sakyan. Napaisip ako, sobrang shunga ng mga magulang ko no? Sakyan daw ba ang buwaya! Some part of me, naniniwala sa kashungahan ng mga magulang ko, pero may part din na nagsasabing Gaga! Naniwala ka jan sa loka-loka mong lola? E nung nasa dagat kayo, sinabi niyang namimiss niya na ang karagatan, ang mga isda at mga ka-uri niya! Ano siya? Sirena? O baka naman balyena! Kahit na maganda ang katawan ng lola ko para sa isang matanda, matanda pa rin! Hay. Thankful pa rin ako dahil kasi sa kanya, buhay pa ko ngayon. Nung bata kasi ako, lapitin ako ng sakit. Mahina ang resistensya ko nun. Walang araw na wala akong dalang hanky nung mga panahong yun. Buti nga humihinga pa ko ngayon e, kung hindi, baka matagal ng nasa kulungan o mental si lola. Naku! Makauwi na nga. Baka nagsisplit o nagbebending na yun sa may hagdan.
Pagkauwing-pagkauwi ko, nakita ko si lola na nakabulagta sa sahig. Dahil sa sobrang kaba, dali-dali akong lumapit sa kanya at pinag-aalog ang katawan niya.
"LOLAAAAAA! WAG MO KONG IWAN! HUMINGA KA! PAG AKO INIWAN MO, SIGURADONG HIHILAHIN KITA KUNG NASAAN KA MAN! PANO NA KO PAG WALA KA? PANO NA KO TATAWA? PANO NA KO KAKAIN? PANO NA KO MABUBUHAY?! LOLAAAA! MABUHAY KAAAAAA--aray!"
Bigla akong nakatanggap ng batok. Napahinga ako ng maluwag dahil dun. Ibig sabihin hindi siya patay. Phew!
"Ang OA mo phie-phie ha! Nirayuma lang ako kaya nahiga ako dito."
-___-
Phie-phie
Palayaw niya yan sakin. Kahit na parang ang sagwa, hindi ko na pinalitan, baka kasi magluksa tong magaling kong lola. Sanay na rin ako sa palayaw na yan. Simula ng magkaisip ako yan na ang tawag niya sakin. Nitong highschool ko lang napag-alaman na parang ang sagwa pala ng palayaw ko. Pch.
VOCÊ ESTÁ LENDO
The Campus Heartthrob Is My Fiance?!
DiversosJayden Cole Guzman? (BRIGHT SIDE) Gwapo ✔ Mayaman ✔ Gwapo 2x ✔ Matalino ✔ Gwapo 3x ✔ Marunong mag-gitara ✔ Gwapo 4x ✔ Masarap magluto ✔ Gwapo 5x ✔ Magaling sumayaw ✔ Gwapo 6x ✔ MVP sa basketball ✔ GWAPO! ✔ ✔ Jayden Cole Guzman? (DARKER SIDE) Masungi...
