SPPPPPPPPPPPPPPPPPPRTTTTTTTTTTTTTTT
Inisprayhan ko na naman siya sa mukha.
“WHAT THE HELLLLLLLLLLLLLLL!!!!!!!!!!!!!!!” galit na galit nyang bulyaw.
Nataranta naman ako.
Kaya sa katarantahan ko ay napunas ko sa kanya ang apron na suot suot ko at dahil nga naglilinis ako ay malamang ang dami ng alikabok nito.
“STAY AWAY FROM ME!”
Napasimangot ako. Kasi naman kasalanan naman kasi nya.
Nakakataranta kasi ang kagwapohan nya sa totoo lang.
Na kahit narurumihan ay hindi pa rin nakaltasan ang kagwapohan nya.
What’s happening to you Phoebe? The ever composed Phoebe in front of the others ay natataranta. That’s a first.
Ahhh ewan. Dahil gusto kong makabawi sa kanya ay dali-dali akong pumunta sa kusina para kumuha ng makapagpalamig sa ulo nya.
Pagdating ko sa sala ay nakakunot pa rin ang noo nya habang nagpupunas ng mukha.
“Magpalamig ka muna” pasweet na sabi ko.
Tiningnan naman nya ako ng masama pati ang dala-dala kong inumin. Ayaw nya ba ng kape?
“ARE YOU NUTS?”, tanong ko kaya sa kanya kung normal na ba sa kanya ang magsalita ng sumisigaw. Hindi naman ako naiirita sa kakasigaw eh.
Para kasi siyang si Adam ng Maroon5 sa kasisigaw nya.
“No I’m not. I’m Phoebe” wala sa sariling sabi ko sa kanya at nilapag ang kape sa mesa baka kasi magbago ang isip nya at gusto nyang magpalamig.
“Tsssssss” naiiritang sabi nya. Siguro napagod siya sa kakasigaw.
“WHAT ARE YOU DOING?” bulyaw na naman nya sa akin. Kasi hinawakan ko naman ang mukha nya.
“Anong twitter account mo? Facebook account? Instagram? Friendster? Anong gamit mo? Katalk? Wechat? O Line?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
Habang siya naman ay halatang naiirita na.
“Wala ka ng mga ganon? Gusto mo gawan kita?” ewan ko ba kung bakit hindi ako natatakot sa mga pag-irap na ginagawa nya sa akin ngayon.
Silly but I find it cute.
“YOU LISTEN TO ME!” nakasigaw pa rin niyang sabi sa akin.
Napangiti ako kahit naman siguro hindi ako makikinig sa kanya ay maririnig ko pa rin siya dahil sa kakasigaw nya.
Bago pa siya makasigaw na naman ay sinabi ko na ang kanina ko pa gustong sabihin.
“I like you”, napansin kong para siyang natigilan sa sinabi ko at nang makabawi ay sumigaw na naman siya ulit.
“WHEN YOUR EMPLOYER ARRIVES YOU GIVE THAT BOX TO HIM OKAY?”
Ano daw? Employer? Amo ko?
Kailan pa ako nagkatrabaho?
Nataranta ako ng bigla siyang tumayo kaya sinundan ko siya hanggang sa makarating siya sa pintuan.
“WHERE ARE YOU GOING? WHAT AN IRRESPONSIBLE MAID!” sabi nya sabay alis ng mabilis.
Ako? maid? Kailan pa?
YOU ARE READING
Si Introvert at Extrovert
Short StoryStory of two opposite people who both give chance for the word "LOVE".
Scene 3
Start from the beginning
