Hell no way!

Medyo napahiya ako sa sarili ko at para makabawi ay sinigawan ko siya.

“HEY!”

Pero deadma pa rin.

“YOU! STOP DANCING!” bulyaw ko na naman sa kanya.

Pero wala talaga kaya dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya matapos kong inilipag ang box na dala-dala ko.

“ARE YOU DEAF?” tanong ko sa kanya na hindi pa rin tumitigil sa pagsasayaw at hindi pa rin ako nililingon. Masyado kasi itong engrossed sa pagsi-spray at pagsasayaw at pagkanta nya.

Nainis na ako.

Sa lahat ng ayaw ko bukod sa mga babaeng nangungulit ay ayaw ko din na dine-deadma ako.

Kaya kinalabit ko siya para mapaharap  siya sa akin ng naramdaman kong nagulat siya at ng humarap siya ay

SPPPPPPRTTTTTTTTTTTT! (opo bobo po ako sa sound effect)

“WHAT THE!” galit na sabi ko.

Sino ba namang hindi magagalit kung sprayhan ka sa mukha ng air freshener?

Mukha naman siyang nagulat at natulala?

Ah ewan ko, kasi naman nakanganga lang siya sa harap ko as in literal na nakanganga.

Bubulyawan ko na naman sana siya pero bago ako nakapagsalita ay hinawakan niya ang mukha ko sabay sabing

“Bon Digitty”

''''''''''''''''''''

''''''''''''''''''''''

Phoebe’s POV

Sana naman kasi iniwan ko ang katangahan ko sa New York!

Lihim na himutok ko ng mapansin ko ang gwapong galit na mukha na nasa harapan ko ngayon.

Kahit naman kasi hindi ko hahawakan ang mukha nya para maaninag siya ng husto ay alam kong ke gwapo ng nilalang na ito.

Kahit na wala akong suot na contact lense ngayon hindi pa rin maiiwasan na mapansin ko ang kagwapohan nya.

Sana naman hindi din siya nanunuod ng  Kim Possible, lihim na panalangin ko.

“ALAM KO ATTRACTIVE AKO HINDI MO NA YAN KAILANGANG SABIHIN!”bulyaw na naman sa akin.

Hala ka patay kilala nya pala si Kim Possible.

 

At dahil sa gulat ko ay hindi ko pa rin inaalis ang kamay ko sa mukha nya  atsaka pinaandar ko na naman ang katangahan ko.

Si Introvert at ExtrovertWhere stories live. Discover now