“Hindi ako interesado sa kanila” walang ganang sagot ko kay Mikee.

“Hanggang kailan mo yan mapapanindigan MIco” seryosong sabi ni Mikee. Minsan lang yan maging seryoso.

Alam ko kung bakit nya ko natanong ng ganyan. Alam kasi ng buong team namin ang dahilan kung bakit hindi ako interesado sa mga babae.

Si Mikee lang ang vocal sa pagtutol sa pinaniniwalaan ko. Siguro dahil babaero siya.

“Hanggang sa magiging uugud-ugod ka na” sabi ko na lang kay Mikee na napapailing na lang.

“You can’t be sure Mico, di mo alam makikilala mo na rin ang babaeng sisira sa paniniwala mong yan.”

I just smirk. So far wala pang nakakuha ng interes ko. Malakas yata ang depensa ko.

Nginitian ko lang si Mikee saka pumasok na sa sasakyan ko at saka nagdrive papuntang condo ni Kirk, mahirap na at baka madagdagan pa ang parusa ko.

After 20 minutes of driving ay narating ko na ang condo ni Kirk.

“Magandang araw po Kuya” saludo ko sa guard nila Kirk. Saka pinakita ang access card na bigay sa akin ni Kirk at pagkatapos akong papirmahin ay sumakay na ako ng elevator.

Nang papalapit na ako sa condo ni Kirk ay inuha ko ang card ni Kirk na siyang nagsisilbing susi pero nabigla ako ng napansin kong hindi naman naka-lock ang pinto.

Napakunot ang noo ko.

Sabi kasi ni Kirk ay wala sina Tita may pinuntahan daw at sa pagkakaalam ko ay hindi ngayon ang schedule sa paglilinis ni Manang Lilia.

Kaya dahan-dahan kong pinihit ang pinto at pagkabukas nito ay may nakita akong babaeng nakasuot ng damit pangkasambahay.

Nakaligtaan lang siguro ni Kirk na sabihin sa akin. Hindi naman kasi ito interesado sa mga babae pero nagbago ito mula ng makilala nito si Samantha.

Tatawagin ko na sana ang babae pero hindi agad ako nakapagsalita ng makita ko siyang sumasayaw.

She dances while singing.

I almost laugh when I heard her sing. Not that she has a bad voice infact she has a very good voice pero ang muntik ko ikatawa ay ng marealize ko na she is singing the recent dance craze ni Vice Ganda.

Alam ko kasi yun dahil si Mikee ang nagpakilala sa amin ng kantang iyon. Talent rin kasi ni Mikee bukod sa mambabae ay sumayaw.

She gracefully swinging her hips.

Then I come to my senses.

What did I just do? I spent almost two minutes watching a girl?

Si Introvert at ExtrovertDonde viven las historias. Descúbrelo ahora