“Dad 2 days pa lang ako dito may lalaki na kaagad?” natatawang sabi ko.

“I was just kidding Barbie kasi itong Mommy mo masyadong tensyonadong iwan ka dito” natatawang sabi ni Daddy na hinalikan pa sa ulo si Mommy.

“Mom alis ka na obvious kasi masyado si Daddy na gusto kang masulo” natatawang kantiyaw ko kay Daddy.

“Thanks Barbie” sabi ni Daddy sabay kindat sa akin.

“No problem Dad” sabi ko sa kanila.

~~~~~~~~~~

'''''''''''''''''

“Ready to clean!!!!” cheer ko sa sarili ko na ngayon ay nakaharap sa salamin.

Natatawa ako sa hitsura ko ngayon kasi naman naalala ko hindi pa pala nakarating ang mga pambahay ko na damit na nasa package pa kaya ito ako ngayon humiram ng maid’s uniform na ginagamit ng tagalinis ng condo ni Kuya.

Ang cute lang para lang akong nagco-cosplay.

At dahil sa costume ko ay naging inspired ako na magsimula maglinis pero bago ako maglinis ay senet ko muna yung mini-ipod ko tapos nagsaksak ng earphone.

Music makes me feel alive and kicking!!!

'''''''''''''''''

Mico’s POV

“Pare saan ang punta mo?” sabi sa akin ni Mikee na humahabol sa akin papuntang parking lot. Napailing na ako.

Kakatapos ko lang kasing magtaboy ng mga babaeng may mga dala-dala na namang kung ano-ano ay nandito na naman itong si Mikee at tila ganadong mangulit.

“Ito naging utusan ni Prof” walang ganang sagot ko sa kanya.

“Mabuti nga at hindi ka pinaglinis ng buong gym ngayon” sabi ni Mikee na may kasama pang tapik sa balikat ko.

“Sinuwerte lang at pumasok pa pala si Mang Tonyo ngayon” sabi ko habang nagbubukas ng pintuan ng sasakyan ko at pinasok ang abubot na pinapahatid ni Prof sa bahay nila.

“HAhahaha maswerte ka pa ngayon ewan ko na lang bukas” nang-iinis na sabi ni Mikee sa akin.

Ganyan kasi si Kirk hanggat sa kaya niyang disiplinahin kaming lahat ay gagawin nya kaya yung pagka-late ko ng isa’t kalahating oras which which is the worst late na nagawa ng isang player sa team namin ay hinding-hindi nya palalagpasin kahit pa sabihing Vice-Captain nya ako.

“Pumunta ka na nga sa mga babae mo” inis na sabi k okay Mikee.

“Mabuti pa nga ako may mga babae habang ikaw madaming gustong maging babae mo pero ayaw mo pa rin”

Si Introvert at ExtrovertWhere stories live. Discover now