“No need to do that Phoebe dadating bukas si Manang Lilia para maglinis dito”
“I will be the one to clean Mom kasi wala naman po akong gagawin dito baka mo-bore lang ako”
“Sigurado ka ba Barbie? Tipid din yan sa pera ang naiisip mo” sabad sa amin ni Daddy na mukhang galing sa banyo.
“I’m very sure pero hindi kayo makakatipid dahil sisingilin ko pa rin kayo” sabi ko sabay pisil sa ilong ni Daddy.
“Very clever young woman but you won’t spent your time here in the Philippines cleaning this condo because I decided that you will enroll in AU”
“Really Dad?” I beamed excitedly.
New school means new friends!
“Yes kaya pagbutihin mo ang paglilinis para maging malaki ang allowance mo.”
“By the way pinapaayos ko na ang mga papers mo sa dating school mo and when it arrives makakapag-enroll ka na sa AU officially”
Medyo nalungkot ako pagkabanggit ni Daddy sa old school ko. I will surely miss the school and my friends there.
“Any problem Phoebe?” nag-alalang tanong sa akin ni Mommy Ann ng mapansin niyang medyo tumahimik ako.
“Nothing Mom, iniisip ko lang kung paano ako makakapag-adjust doon”
“You don’t have to worry about it nandun naman ang Kuya Kirk mo” sabi ni Daddy.
“Speaking of Kuya, anong pinagkakaabalahan niya ngayon?”, interesadong tanong ko.
“Their championship is coming at sa pagkakaalam ko may recital din silang gagawin at idagdag mo pa na lumalove life na siya ngayon” masayang sabi ni Mommy Ann.
Napasimangot ako na napansin naman ni Daddy.
“And what’s with that Barbie?”
“Kasi naman ako lang pala ang walang lovelife dito” pagmamaktol ko na ikinatawa nilang dalawa ng malakas na mas nakakapagpasimangot sa akin.
Dadating din siya malay mo mamaya, nasabi ko na lang sa loob ng isipan ko.
~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~
“Yung dinner mo nandiyan na initin mo na lang mamaya at yung Kuya mo tawagan mo kapag hindi pa nakauwi ng alas nuebe. Huwag ka masyadong magpapagod sa paglilinis dito. Pagkatapos mong maglinis magpahinga ka kaagad ha Phoebe” natawa na lang ako sa dami ng bilin ni Mommy Ann.
Paalis na kasi sila ni Daddy sa out of town nilang dalawa.
“Mom I will be okay. Relax lang”
“Huwag kang magpapasok ng lalaki dito Phoebe” nanlaki ang mata ko sa narinig na bilin ni Daddy.
YOU ARE READING
Si Introvert at Extrovert
Short StoryStory of two opposite people who both give chance for the word "LOVE".
Scene 3
Start from the beginning
