Bakit Tayo Nagbreak ?

154 3 0
                                        

Bakit tayo Nagbreak ?

Marami tayong nagtatanong ng tanong na

"Bakit tayo Nagbreak?" After we end up in a relationship.

3 words 1 question, pero ang hirap sagutin.

Tinatanong mo ng paulit ulit sa kanya, dahil hindi mo masagot sa sarili mo kung bakit kayo naghiwalay.

Pero bakit nga ba ?

Bakit tayo Nagbreak?

Everything that happens has a reasons.

Walang Furniture na nababasag ng basta basta lang,
Baka may "Nakialam"...

Walang kanin na masusunog ng ganun ganun lang,

Baka "Napabayaan" ...

Wala namang naghihiwalay ng walang dahilan,

Baka may dahilan,
"itinatanggi mo lang"...

10 possible reasons kung bakit kayo Nag Break...

1. Third Party

Yes ! Number 1 talaga yan sa dahilan kung bakit sa tingin mo ay nagbreak kayo. May mga tao kasing ipinanganak na Anay at Higad.

Ang Anay ang lakas makasira niyan, at yung Higad makati as usual !

Hindi niyo namamalayan na dahil sa Anay , unti unti na kayong nasisira, at siyempre dahil Higad siya, o Higad ka sadyang makati , kaya ayun pinatulan naman siya! Di na  nakuntento sa isa.

Sa Third Party nagsisimula lahat, kaya ka nawalan ng tiwala,
kaya ka naging Tamang hinala, kaya ka naging Over Protective. Later ko explain yung Tamang Hinala at Over Protective.

2. No Time

Wala kang oras? O siya ang walang oras sayo? O pareho kayong walang oras sa isat isa.

Time is the most important in a relationship. Dapat may oras kayo pareho sa isa't isa.

Baka naman dati halos magkasama kayo sa bawat segundo, ngayon ay isang beses na lang kayo magkita sa isang linggo. O baka naman hindi na kayo nagkikita ?

Busy siya , busy ka eh ano pang ganap niyong dalawa? Edi sana nag Single for life nalang kayo diba?

3. Less Communication

Kung dati every hour , every minute and every second may narerecieve kayong text or call sa isat isa,

"Good Morning babe" "kamusta babe?" "Kumain kana ba babe?" "Miss na kita babe" "I love you babe" "Good Night babe" "blah.blah.blah"

Ngayon ni Hi ! ni Hoy ! Wala na, tapos kung magreply isang letrang "K" nalang.

Bakit? kaya niyo bang mabuhay without any communication?

Diba hindi ? So paano magkakaroon ng buhay yung relationship niyo kung hindi kayo madalas mag usap?

4. Less Effort

Kung dati todo effort siya o todo effort Ka, Sweet kayo sa isat isa, yung tipong halos araw araw nililigawan ka niya, o nililigawan mo siya, ipinaparamdam mo na sobrang mahal mo siya at mahalaga siya, pinaparamdam niyo na hindi niyo kayang mabuhay ng wala ang isa't isa kaya lahat ng effort ginagawa niyo para mapasaya ang isat isa.

Kung dati every anniversary, monthsary , weeksary, may suprise ka, o siya hindi niyo nakakalimutan icelebrate ang pinakamahalang araw niyong dalawa.

Samantalang ngayon , kung hindi pa ipapaalala nung isa hindi mo maaalala na Anniversary, Monthsary, Weeksary niyo pala.
Yung nakukuntento nalang kayo na mag Boyfriend Girlfriend, yung "Mema" mematawag lang na girlfriend o boyfriend.

Bakit Tayo Nag Break ???Where stories live. Discover now